Chapter 28. Ynah's POV "Naikuwento pa niya sa akin na sinadya niya nga raw ang pagbangga sa 'yo para raw matapunan siya ng mga pagkaing dala mo. Nabatukan ko pa ang batang 'yon. Ayun naman pala, e sinadya niya pala talaga. At saka syempre, nag-alala ako sa mga pagkaing dala mo nun. Kupo! Pilyo talaga ang batang 'yun. Kahit na mali ay pinagpipilitan pa." Pagkukwento ni Yaya. "Bakit niyo naman po nasabi?" Natatawa pa ko habang tinanong ko ito kay Yaya. "Sinasabi niya kasing mas bagay naman daw pakinggan ang champarada kaysa sa champorado. Champarada raw ang pinakamaraming natapon sa low quality na sapatos niya." "Low quality?" Pagtataka ko. "Magkano ba ang sinabi niya sa 'yong presyo ng babayaran mo dun sa sapatos na naitapon mo sa kanya?" Sa halip na sagutin ako ni Yaya ay tinanong na

