Chapter 12. Paulo’s POV “Pwede ba akong pumunta diyan sa inyo?" "Naku Paulo. K-kasama ko kasi… Si Tantan." “G-ganun ba. Wrong timing yata ako. Sige, next time nalang.” Binaba ko na ang tawag. Ano pa bang sasabihin ko? Wala rin naman, kasama na naman niya ang Tantan na ‘yun. Tristan kasi ang pangalan nun, Tantan lang daw talaga niya ang tawag dun. Ayaw kasi siyang tantanan nun eh. Tadtarin ko 'yun eh. “Oh ano, Kuya? Ano sabi?” Pangungulit ni Patrick. Sa katunayan kasi, si Patrick ang tumutulong sa ‘kin ngayon para masabi ko na ang tunay kong nararamdaman kay Catherine. Alam na rin naman niya na may gusto ako dun eh. Alangan i-deny ko pa? Simula’t sapul, malakas na ang instinct ng batang ‘to at marunong makahalata. May common sense pa, saan ka pa? “Wala. Kasama na naman niya ang Tant

