Chapter 14. Steven's POV "Pare, mas mabuti siguro kung itext mo siya, nang 'di ka nag-eemote nang nag-eemote diyan. Hiningi-hingi mo pa ang number niya kay Yrie, 'di mo rin pala itetext. Para saan lang din pala ang paghingi mo?" Pangungumbinsi sa akin ni Davin. "Oo nga naman, pare! Hina mo naman." Pag second emotion ni Clark. Nakatingin ako sa number na binigay sa 'kin ni Yrie, habang pinapalakas ng mga 'to ang loob ko na i-text ko si Shaina. Ngayon ko pa lang kasi nahingi ang number niya. Medyo kinakabahan pa kasi talaga ako. Tama nga bang hiningi ko ang number niya? Eh, ang boyfriend pa naman nito ay 'yung kapatid ni Yrie, kung 'di ako nagkakamali. Hindi ko lang talaga alam kung alam na ni Yrie na may gusto ako sa future hipag niya sana. "Baka gusto mo kami na mag text diyan. Amin n

