Chapter 17.5. Shaina's POV "Halika dito, Yrie. Sumabay ka sa 'min sa pagkain." Alok ni Dad kay Yrie. "Sige lang po." Sagot naman nito. Sinilip ko siya. Nakaupo lang siya habang nagbabasa ng magazine. Mukhang wala naman talagang mali. Tamang tama, unti unti na ring nawawala ang kaba ko. "Bilisan mo na ang pagkain diyan at baka mainip 'yan." Bulong sa akin ni Dad. "Opo, Dad." Sinunod-sunod ko na ang pagsubo ko dito. Para naman makausap ko na 'tong si Yrie at mawala na 'yung nararamdaman kong kakaibang kaba dito. Binilisan ko na nga ang pagkain ko, gaya ng sinabi ni Dad. Kailangan hindi namin paghintayin si Yrie at baka bigla na naman siyang magwala, bigla na namang iungkat ang tungkol kay Zayn. Mahirap na... Pagkatapos na pagkatapos ko ay uminom agad ako ng napakaraming tubig. *Gulp

