Chapter 10. Faye’s POV Lumabas na ako. Hindi ko na gugustuhin tumambay pa doon sa loob kasi tapos na rin naman ako kumain. Akala siguro ng Clarisse na 'yon magpapatalo ako sa kanya. Ayoko nang kulitin pa si Kuya na umalis dun. Demanding lang talaga ang lalaking ‘to eh. Sana magsisi ang future girlfriend niya sa kanya... joke. Naiinis pa ako sa kanilang dalawa. Sabi nga nila, part daw ng pagmo'moving on ang pagkainis sa ex, lalo na sa nang-agaw ng ex mo sa ‘yo. Pero kasi, kailan naman ba matatapos ‘tong moving on ko? Hindi ako sigurado sa sarili ko kung naka-moved on na ba ako o hindi pa. Itetext ko nalang si James. Kanina kasi, si Jessica ang katext ko. Pa’no ba naman kasi, ang Jessica na ‘yun ay talagang head-over-heels pa kay Kuya hanggang ngayon. Nagkukulitan lang talaga kami kan

