Imprint on my Heart [1]

6104 Words
Chapter 1. Yrie’s POV (Pronounced as Ay-ri) *After 6 months* “And all your little things. You’ll never love yourself half as much as I love you. And you’ll never treat yourself right darling but I want you to. If I let you know~ I’m here for you. Maybe you love yourself like I, loved you. Ooo~oooh… And I just let this little things slip out of my mouth---“ Nilipat ko nalang ang kanta sa radio station na ito. Ang corny na ng mga ganyang kanta. Kung inspired sila, hindi na dapat sila nagco-compose pa ng mga ganyang kanta. Pang ubos oras lang naman ‘yang mga ganyang kanta na ‘yan eh. Ang pangit na nga ng tono, ang pangit pa ng lyrics nung kanta. “Time check: 10:25 AM. You’re tuned into 99.9 Radio station… *music intro* Do you ever think about me? Do you ever cry yourself to sleep? In the middle of the night when you awake, are you calling out for me?” Bigla akong napatigil sa ginagawa ko. Nagbubuklat kasi ako ng mga magazines dito. Wala nang matinong balita sa mga newspaper kaya magazines ang tinatarget ko. ‘Di ko alam pero kanina pa ako buklat ng buklat dito. Ni parang ‘di ko nga naiintindihan ang mga nakasulat dito. At heto nga, kasalukuyang natulala ako. Napatigil sa kakabuklat dahil sa narinig kong music sa radyo. Hindi ko alam ang kantang ito pero it caught m attention… “Do you ever really miss? I can't believe I'm acting like this, I was crazy. How I still can feel your kiss… It's been six months, eight days, twelve hours since you went away, yeah, yeah. I miss you so much and I don't know what to say. I should be over you, I should know better but it's just not the case. It's been six months, eight days, twelve hours since you went away…” Gusto ko nang patayin ang tugtog sa radyo na ‘to kaso hindi ako makagalaw. ‘Di ko alam pero parang may kung anong force ang kumapit sa ‘kin para hindi ako makagalaw dito sa kinauupuan ko. Bakit ba kasi ganyan ang kanta? Nanadya ba? Six months? Eight days? f**k. Anong ibig sabihin nito? Nakatulala pa rin ako at ramdam kong medyo umuulap na ang dalawang mata ko. Tama, nag-iipon na naman ng mailuluha ‘to. Lagi namang ganito eh, lagi nalang akong umiiyak. Lampa ako... “Do you ever ask about me? Do your friends still tell you what to do? Every time the phone rings, do you wish it was me calling you? Do you still feel the same? Or has time put out the flame? I miss you, is everything okay?” Intinding-intindi ko ang lyrics ng kantang ‘to. Kahit na tungkol ito sa broken hearted na iniwanan lang ng taong mahal niya… Ramdam na ramdam ko ‘yung lyrics nito. Ang unfair naman kasi. Bakit ako? Iniwan nga ako, tuluyan na naman akong iniwanan. Ang daya naman diba? Ang unfair talaga. Umiiyak na pala ako dito. Buti nalang at andito ako sa loob ng kwarto ko at ako lang mag-isa. Bakit kasi ganun? Hanggang ngayon ang sakit pa rin para sa ‘kin lahat ng mga nangyari. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ng sobra ‘yung sarili ko. Hanggang ngayon parang sariwa pa rin ang mga sugat na natamo ko. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Hanggang ngayon ang lampa-lampa ko pa rin. Hanggang ngayon, magaling pa rin ako sa kakaiyak lang. Hanggang ngayon… Lahat nalang hanggang ngayon. “It's been six months, eight days, twelve hours since you went away, yeah, yeah. I miss you so much and I don't know what to say. I should be over you, I should know better but it's just not the case. It's been six months, eight days, twelve hours since you went away…” Hindi ko na kinayanan pa. Umagang-umaga ganito ang bungad ng araw ko? Lagi naman yata pag-iyak ang laging bungad ng araw ko eh. Ang weak ko kasi, gan’to nalang ang kaya kong gawin. Ang sakit sakit sakit kasi. Iyak na ako nang iyak dito. Ano pa nga bang bago? Lagi naman ganito gawain ko hindi na ‘to bago sa ‘kin at sa kanila. Zayn, sorry ah. Ang lampa na ng girlfriend mo. Wala nang ibang alam gawin kundi pahirapan sarili niya at umiyak ng umiyak. Kung nakikita mo sana ako ngayon… Alam kong patatahanin mo ako. Lalapitan mo ako, yayakapin ng mahigpit, at hahalikan. Gustong gusto ko talagang manatili lang diyan sa mga bisig mo, gustong gusto ko. “It's hard enough just passing the time, when I can't seem to get you off my mind. And where is the good hand goodbye… Tell me why, tell me why… It's been six months, eight days, twelve hours since you went away, yeah, yeah. I miss you so much and I don't know what to say. I should be over you, I should know better but it's just not the case. It's been six months, eight days, twelve hours since you went away…” Palagi nalang ba ganito? Sabi nila mag-move on na raw ako. Ilang beses ko na namang sinubukang gawin ‘yun pero wala, wala pa rin talaga. Lahat ng sinabi ng mga kaibigan ko, advices, tips, sinubukan ko namang gawin ah? Pero wala pa rin. May something kay Zayn na hindi ko malimut-limutan at ‘di ko kayang kalimutan. Hindi ko kaya… Hindi ko talaga kaya. Ako lang naman daw ‘tong ‘di gumagawa ng paraan para maka-move on, akala lang nila ‘yon. Sinusunod ko sila pero sadyang matatag ang kapit sa ‘kin ni Zayn. Sinubukan ko nang bumitaw pero… Wala, ganun pa rin talaga. Wala na, natalo na naman ako ng mga traydor kong luha. Lagi naman ganito eh. Isa kasi akong talunan! Feeling ko, wala na akong kakampi pa dito sa mundo… ** Nag ayos ako. Pupuntahan ko ang Arabit na ‘yan. Nakalaya na kasi sila pero may mga nagbabantay pa rin naman sa kanila. Haharapin ko uli ang Irish na ‘yan. SILA. Sila ang may kasalanan ng lahat nang ‘to kaya nangyari sa ‘min ‘to. Lumabas na agad ako ng kuwarto… “Ate, saan ka pupunta?” “Pupunta lang sa mga Arabit na ‘yun.” “Hanggang ngayon ba naman, ate? Lagi mo nalang silang pinupuntahan. Hindi mo pa rin ba sila napapatawad?---” “PUTA? Sa tingin mo mapapatawad ko sila? ‘Di ganun kadali ‘yon. Kung kayo nagawa niyo na lahat ng gusto niyong gawin dun, dahilan na rin para patawarin sila, pwes ako hindi pa ako tapos sa kanila. Lalo na sa gagong Irish na ‘yan.” “Hay, ikaw bahala. Mag-ingat ka nalang.” Dinedma ko nalang ang huli niyang sinabi at pinaharurot ko na ang motor ko. Oo, may sarili na akong motor. Kung magco-commute ako nang magco-commute patuloy lang akong masasaktan. Magfa-flashback lang sa ‘kin ang lahat nang mga nangyari. Marunong na rin naman ako magpaandar ng mga ganito. Makalipas ang isang oras na biyahe, nandito na ako sa bahay nila. Hindi na ‘to masiyadong kalakihan na hindi tulad nang dati, mala-mansion at villa ang istilo ng bahay nila. Siyempre nakukuha nila sa mga nakaw-yaman nila. Buti nalang talaga at nabawi na ng mga kumpanyang nadaya nila ang mga yaman na nakanaw ng Arabit na ‘to. May dagdag interes pa ‘yun, kasama na rin kasi ang pampeperwisyo nila. Kaagad naman akong pinapasok na ng mga guards dito. Kilala na rin naman nila ako at alam naman din nilang pambabatikos sa mga Arabit lang na ‘yun ang laging pakay ko dito. Pumasok na ako at agad kong nadatnan si Irish na nakaupo, at nagbabasa ng magazine. Aba! Gaya-gaya siya ah. Siguro kanina pa ‘to nagbabasa dito? Buti nalang at itinigil ko na ang pagbabasa ko ng ganun kundi pareho pala kami ng ginagawa pag nagkataon. Nakasalamin pa ang impaktang ‘to. Agad siyang napaupo nang maayos, kanina lang naka-crossed legs siya pero agad naman niya itong binaba at umupo nang maayos. Ibinaba ang hawak na magazine at inalis ang eye glasses niya. Takot na nga talaga siya sa ‘kin, dapat lang. “A-ano na namang kailangan mo, Ynah?” “Ilang beses ba kitang sasabihan na Yrie nga ang dapat itawag niyo na sa ‘kin?" Lumapit ako sa kanya, "Ikaw. Naghahanap kasi ako ng away ngayon e, kating kati na naman ako sa mga ganun kaya… Pinuntahan kita dito.” Nakita kong napalunok siya ng laway niya. Nakakatuwa siyang pagmasdan. Oo, weak ako kapag ako lang mag isa. Pero pagkatapos naman ng pagiging mahina ko, gusto kong ipakita sa kanilang matapang ako, na sa kabila ng pag iyak ko may isang Ynah pa rin na nakatayo sa gitna ng dilim. Kung ang dating Ynah na kilala nila ay lampa, binu-bully at minamaliit lang, pwes dati ‘yun. “P-puwede ba, hindi na nga kita inaano diyan. Bakit ako pa?” Aba, nagrereklamo yata ang babaeng ‘to ah. Hinigit ko nga bigla ‘yung buhok niya, “Eh anong pakielam mo kung ikaw ang gusto kong awayin? Umaangal ka yata. Hoy, tang ina mo. Lahat puwede kong gawin sa ‘yo, mapapatay pa kita kung gusto ko…” Hindi na siya umimik pa. Sasagot sagot pa kasi siya. “A-aray ko naman, Y-yrie.” Mas lalo ko kasing hinigpitan ang hawak sa buhok niya at hinila pa ito lalo. “Dapat lang naman sa ‘yo ‘yan eh. Alam niyo naman sigurong kundi dahil sa inyo hindi mangyayari sana ngayon sa amin ‘to. At take note, heto na nga pala ‘yung sinasabi ko sa inyong karma. Malaki pa ang pagkakautang niyo sa Realubit. Ikaw hito ka, feel na feel mo naman masyado ang suot mong wedding gown nung araw nung kasal niyo. Akala mo maganda ka na sa lagay na ‘yun? Mukha kang hitong binihisan!” “D-dati na naman ‘yu---Aray ko! Ang sakit na Yrie…” Sasabihin pa niyang dati eh kung ‘yung dating ‘yun ay ang sumisira sa hinaharap namin ngayon lalo na sa ‘kin? Nakahawak na siya sa ulo niya at ‘yung isang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko. Dapat lang talaga sa kanya ‘yan. “Tang ina mo pala talaga ‘no? Bakit ka nga ba pinatulan ng kapatid ko? Galing mo kasing manggayuma!” Binitawan ko siya at itinulak sa couch. “Nakakagigil ka, alam mo ‘yon? Tang ina, nakakagigil ka talaga!” Napaatras nalang siya at inayos ang gulo-gulong buhok. Anong akala niyang gagawin ko sa kanya? Gagahasain? Lesbian to lesbian ba ito? Asa! Nakakainis lang talaga siya. “Y-yrie, tama na…” “Ulul! Inaano kita diyan? Parang gagahasain kita ah. Kadiri ka! Mandiri ka sa balat mo ah. Leche ka. Nakakapanginit ka ng dugo! May araw ka pa talaga saa‘kin.” Pero bago ako umalis kinuha ko muna ‘yung magazine sabay bato sa pagmumukha niya. Pasalamat siya at ganyan lang ang ginawa ko sa kanya ngayon. Kundi lang talaga nag unit nang sobra ulo ko sa kanya, grrr! Nakakapangkulo ng dugo. Umalis na ako at muling pinaharurot ang motor ko. Sila Nicole naman ang pupuntahan ko ngayon. Lagot sila sa akin, sila titirahin ko ngayon. Kahit lima pa sila wala akong pakielam. Ngayon ko nalang uli sila makakaharap. Last last week kasi, may nalaman ako sa kanya… Sa kanila… **FLASHBACK I** “Yrie, alam mo na ba ‘yung balita?” Sabi ng sipsip kong kaklase. “Alin?” “Balita tungkol sa ginawa nung conyo girls sa section III.” “I don’t care kung ano pa man ‘yan. Wala akong panahon para sa mga bull shits na ‘yon.” “Tungkol sa ‘yo ‘to.” Agad kong binaba ang librong binabasa ko at tinignan ko na siya, “Ano ba ‘yun?” “Napag-alaman ko lang dun sa best friend ko na FC sa mga ‘yon na, naalala mo ‘yung after ng monthsary niyo? Hindi pumasok si Zayn nun?” Kaagad akong napaayos ng upo, gusto kong pakinggan ang istorya niya. Nako, kung iba siguro ‘to at basta lang ibinanggit ang pangalan ni Zayn, lalapitan ko na agad at sasampalin 'yon. Ganyan, ganyan kalaki ang epekto sa ‘kin ni Zayn kaya ‘wag lang silang magkamali ng mga sinasabi nila. Mas matindi pa ang mga ginagawa ko kaysa sa Martial law. “Oh, ano dun?” “Napag-alaman ko kasi na sila raw ang nagsumbong dun sa may-ari ng school natin, which is ‘yung tatay ni Zayn, si Mr. Principal na pumunta kayo sa Vigan nang walang paalam, takas. Sila kaya ang nagsabi ng lahat ng pinaggagagawa niyo dun sa pinuntahan niyo. At take note pa ah, alam na alam din nila kung sino nag handle nung business daw nung tatay ni Zayn at pati ng school na ito nung wala kayo.” Halos uminit ang buong tainga ko sa mga nalaman ko. Aba’y talagang sinusubukan ako ng mga bitches na ‘yun. Nakakainis! ‘Di ba sila nabahala na kapag nalaman ko ‘yun baka kung anong gawin ko sa kanila? And yes, sikat na sikat na ako dito sa buong campus na ‘to. Three months after nung pagkamatay kasi ni Zayn, nagsimula akong magbago. Naging mailap na ako sa mga tao sa paligid ko, nagmomodel din ako pero hindi naman sa mga sikat na companies, 'yung kunwari sa mall lang, may irarampa akong bagong damit. Or kaya magkakaro’n ng photoshoot, ako ang kukunin nilang model. Dun sa Primadonna ako ang model dun pati na rin sa Forever 21, freelance model lang naman kasi ako. After ng incident na ‘yun at simula ng first day of May, nagbago na talaga ako. Parang pagkagising ko lang isang araw nagulat nalang sila sa mga nangyari sa ‘kin. Gusto nila kamo ako mag-move on diba? Ito na nga, kasalukuyang andito na ako sa stage na ‘yun tapos magrereklamo sila kung bakit naging mean na ako? Palaaway? Nagdadamit ng sobrang ikli? Gusto nila ‘to diba? Mga bobo ba sila. Kaya ngayon lagot sa ‘kin ang mga hinayupak na ‘to. “Patay sa ‘kin ang mga ‘yun mamayang uwian.” Pagbabanta ko. “Uy, Yrie. ‘Wag mong sabihing sinabi ko sa ‘yo. Baka bully-hin nila ako pati ‘yung best friend ko dun.” “Akong bahala sagot ko kayong dalawa. Maturuan lang ng leksyon…” **END OF FLASHBACK I** Kaso after naman nung araw na ‘yun hindi ko na sila naabutan at sumunod nitong mga araw na ‘to, hindi na rin sila pumapasok. Kaya nga nagtanong-tanong ako kung tagasaan ang mga ‘yon at nang mapuntahan na. Isa rin pala sila sa may kasalanan sa lahat nang ‘to? Kaya naman pala ‘yung araw na nakita ko sila Nicole at halos kilabutan ako sa titig niya sa ‘kin. Those were the days na nalaman na naming naka-fixed marriage na si Zayn at Irish sa isa’t isa. (Referring to TROMN [92]; Chapter 90) At heto na naman, naiinis na naman ako. Naalala ko na naman ang lahat nang ‘yan. Hayaan na, malilintikan lang sa ‘kin ngayon ang mga ito. Akala siguro nila si Mike Enriquez lang ang hindi mantatantan. Medyo malayo-layo pa pala ako. Grabe, umagang-umaga ito ang inaatupag ko. Huh, ‘wag lang ako ang masubok-subukan nila. Hindi na ako masyadong nagsasama pa sa barkada. Si Gab, medyo iniiwasan na nga ata ako. Bakit kaya? Nagsawa na ba siya sa mga drama ko? Natauhan na ba siyang sana si Jessica nalang ang minahal niya simula pa lang nung una? Tss. Parang ang unfair naman yata. Si Faye at James, ewan ko sa mga ‘yun pati na rin kay Clarisse at Renz. Exchanged partners lang ang peg nila. Hindi ba sila nahiya na nakipagpalit sila ng partners at sa kapwa-barkada pa talaga nila? Kadaming lalaki’t babaeng nagkakandarapa sa kanila tapos pagpapalit ng partner lang pala ang magiging solusyon? Too pathetic. Si Cassandra at Daniel naman, ganun pa rin naman ata ang estado ng pag-iibigan at pamumuhay nila. Pake ko diyan? Ano bang bago? Wala naman diba. Si Justin naman, lagi talaga siyang andiyan para sa ‘kin. Hindi ko rin ba alam sa batang ito kung sino ba talaga gusto niya sa ‘min ni Margarette. Sana ako nalang, maganda na naman ako. Si Margarette, ayun patay na patay pa rin kay Justin. Ano pa bang bago sa kanya? Si Niall naman, ayan, lagi yata siya ang kasama ko. Kahit Ingles ng Ingles ‘yun, napakikisamahan ko pa rin siya. Ang bait kasi niya parang ngang isa siya sa mga taong tumutulong sa ‘kin mag-move on. Talagang dinadamayan niya ako sa lahat ng oras. Sabi naman ng barkada niya may gusto raw sa ‘kin ‘yun. Pero parang ‘di naman ako naniniwala kasi he kept on denying his feelings for me. Deretso niyang nasasabing wala naman daw. Guy best friend ko na siya. Si Patrick at Ate Shaina naman, okay naman siguro sila. Bagay naman sila kaya wala naman sigurong makakatibag sa relasyon nila. Si Kuya Paulo naman, may bago atang pinopormahan? Ewan ko lang kung pinopormahan niya ‘yung waitress yata nung isang café shop na lagi niyang pinupuntahan. Ewan ko lang ah. Kasi lagi siyang pumupunta dun then may isang babae siyang sinisilayan dun, ewan ba. Naging mag business partners naman sila Papa at Tito Josh. Sila na ang nagha-handle ng pinag-merge nilang business dito sa Pinas. Ang Shwipan-ne Company naman namin sa Korea ay hindi na kinuha pa ni Tito Josh. Matagal na ng pangyayaring ‘yun, may balak pa ba siyang kunin sa ‘min ‘yun? It’s like, hello! It’s been ages, kailangan pa ba ang utang utang na ‘yan? Maunlad na rin naman siya sa buhay niya ah. Ano pa bang hahangarin niya? Calm Yrie, calm. Yes, I've changed my name into Yrie, pronounced as (Ay-rih). Pinagsama ko lang ang Ynah at Marie. Oh diba, galing ‘no. Mamangha ka na. Ayoko nang may tumatawag sa ‘king Ynah, Marie, o Ynah Marie. Si Justin nga, 'di ko na tinatawag na Erick, but he keeps on insisting pa rin na ayos lang daw, basta Ynah Marie pa rin daw ang tawag niya sakin. Pero ayoko na nga diba? Kaya hindi ako tumitingin sa kanya pag tinatawag niya pa ako sa ‘Ynah Marie’. Dahilan na rin para tawagin ako ng barkada na Yrie. Si Renz nga niloko pa 'yung pangalan ko. Earings daw? Minura ko nga ng todo. Ayan, nakita niya ang hinahanap niya. Magkakasama pa rin naman kaming barkada pero mahahalata mo ang awkwardness. Lalo na sa couple ng JaFaye at ClaRenz? Sobrang ilap talaga niyan. Nahahalata ko nga din na medyo iniiwasan na ako nila Cassandra at Jessica. Like, what dafuq did I do? Bakit bigla nalang ganun ang aura nila sa ‘kin? Kaya minsan hindi na ako lumalapit sa kanila, baangkojirni na kasi. Lagi nalang pating may away, ‘yung asaran nila sineseryoso na ng bawat isa. Mga double meanings na lahat ng jokes nila. Tapos ayun nga, parang lagi nalang dead air ang namamagitan sa ‘ming magbabarkada. Meet my new character, Yrie, the goddess of all the bitches. Bagong buhay? Well, heto ang hinahanap niyong pagbabago sa ‘kin diba? Simulan niyo nang tanggapin kung ano talaga ako. Life’s a b***h, so learn how to f**k it. Andito na pala ako. Gulat din ako, ang bilis ko palang magpatakbo ng motor. Inalis ko na ‘yung helmet ko at itinabi sa gilid ang motor. Kinuha ko sa bulsa ko ang papel. Papel ng address ni Nicole. Andito raw kasi nagge-get together ang mga hinayupak na ‘to kada Linggo batay sa aking mga secret spy. Nag doorbell na ako. Naalala ko na naman dati. Pag kasama ko ang barkada at pag may pupuntahan kaming bahay, nagtatalo-talo pa kami kung sino ang magdo-doorbell. Siyempre kinakabahan kami, ganun. ‘Yung mga ganung alaala ba. Ngayon kahit ako nalang mag isa eh, todo pa confidence ko. Narealize kong ang aarte pala naming nung mga panahon na ‘yon? “Yes, sino po sila?” “No, Yrie.” Medyo naguluhan pa yata ang guard na sumalubong sa ‘kin. Bangslow, “A-ah, eh, ano po ang kailangan nila?” “Si Nicole.” “May bisita po si Ma’am Nicole. Isa ka po ba sa mga bisita niya?” Muntik na akong matawa. Siguro kung ako may-ari ng bahay na ‘yan hindi ko iha-hire ang guard na ito. Sige tanong lang kahit hindi kilala ‘yung tao eh dami nitong mauuto, pero buti nalang ganyan si manong guard. Advantage na rin. “Yes.” “Pasok po kayo, Ma’am.” Ang tanga talaga nito. Siguro kung masamang tao ako, lolooban ko na talaga ‘to. *** “He’s so guwapo talaga! And I will like, hey! I can have his number?” tuwang tuwa itong si Cheska. “Yung guy na beside him is super handsome unlike to him. He have muscles and my lips is open! Yum yum! Hihi.” Alex. “You’re all flirt! When will you learned how to acting nice in front of that cute guys? They will noticing your unhide feelings!” Nicole. Tang ina. Sumasakit ulo ko sa kanila! Hini ko na kayang makinig pa sa pag-uusap nila. Imbis na matawa ako sa kamalian ng mga grammar nila, naiinis lang ako eh. ‘Yung tipong ang sakit sa tainga ng mga pinagsasabi nila dahil puro kalandian na nga pinaiiral nila, mali-mali pa ang lenggwahe nila. Hindi ko na kaya pa, ako na ang magi-interrupt sa walang kwenta nilang conversation. Ako na naaawa sa kahihinatnan ng ibang katulong makakarinig nito eh. “So sumasaya buhay niyo sa pag-uusap niyo ng mga ganyan?” Napatingin sila sa akin, halatang gulat ang mga mukha. Aba, walang nagsasalita? “Oh, dededmahin niyo lang ba ako dito at hindi magtataka kung paano ako nakapasok dito?” Napa-blink naman sila nang ilang beses. Ah, may after shock pa pala ang mga ito. “W-why you are here i-in our mansion?” Kahit kailan talaga palaban talaga ang Nicole ‘to. Tinamaan ng gintong putik! Nakakainis talaga ang lenggwahe niya “So anong pinaglalaban mo niyan? Wala lang, hindi na kasi kayo pumapasok. Miss ko na kayo.” Sabay wink ko. Hala, sige. Matakot kayo. “What do you want from me!” Halos matawa-tawa akong sumagot, “Siguro idol mo si Adam Lambert ano? First time mo nalang uli tumama ng grammar at mukhang isang malaking achievement ‘yun para sa ‘yo kaya congrats! Ay 'te, ‘wag masyadong assuming. Hindi lang ikaw ang kailangan ko pati ‘yang mga alipores mo rin.” Pumamewang ako sabay turo ko dun kila Claire. “Just tells us what is do you want from us!” “Puwede bang itigil mo ang kaka-Ingles mo diyan. Ako na nahihiya para sa ‘yo eh. By the way, bakit hindi na kayo pumapasok?” Inosente kong pagtatanong. Nagtinginan sila ar mukhang nagtatalo sila gamit ang eye contact nila sa isa’t isa. Matunaw sana mga contact lens nila sa mga mata nila. “W-wala lang! K-kasi, we’re always hanging out a-and having some gimik outside.” Alex. “Ows talaga? Eh p’ano kung ma-dropped kayo sa pinaggagagawa ninyo?” “So what? Who will cares?!” Cheska. “Mga magulang niyo, stupid.” “They’re in abroad. How come will they know if we’ll be dropped?” Pauleen. “Aba, Pauleen. Um-improve ang English skills mo. Heto 100 pesos, sa ‘yo na ‘yan.” Sabay bato ko sa kanya ng 100 pesos sa mukha pa niya. Buti nga hindi puro barya. Ang taas masyado ng pinaglalaban ng mga ‘to eh. Buti nalang at may nadukot akong isang daan sa bulsa ko. “Paano nila malalaman? Binigyan niyo ako ng idea kung paano sila mako-contact. Makakaabot ‘yan sa mga magulang niyo, tandaan niyo ‘yan.” ‘Yung mga mukha nila, lumong-lumo na. Sige lang, papakielaman ko pa lalo ang mga buhay ninyo. ‘Di pa ako tapos sa kanila, may isang pasada pa baka nakakalimutan nila. “Pero hindi ‘yan ang pinunta ko dito.” Bigla silang napadilat ng mata, “Alam niyo na siguro kung ano ‘yun diba?” “Y-yaya! Ppalabasin mo na nga---ahmmmpp!---“ Hinawakan ko agad ‘yung bibig nitong bruhildang ‘to, “'Di. Mo. 'Ko. Madadaan. Sa. Ganyan. Okay?” Napaatras naman ang mga kaibigan niya, “Wala akong pakielam kahit ‘di ko pa ‘to bahay para mag-iskandalo ako dito. Lalo ka na? Nicole Gamboa? Maling-mali ang kinalaban mo." Sarkastiko kong pagkakasabi. Inalis ko na ang kamay ko sa bibig niya at umupo sa gitna ng mga babaeng aso na ‘to, “Gusto ko lang naman ay mag usap tayo, pero bakit niyo ako nilalayuan? Parang dati naman kayo pa ‘tong lumalapit sa ‘kin para lang kausapin ako? Ako naman kasi para fair!” Inakbayan ko sila, nasa gitna nga kasi ako. “Remember the day nung nag-Vigan kami nila Zayn?---” “Anika!---” Cheska. “And also Nica!” Claire. “Lagot talaga sa ‘tin ‘yang dalawang ‘yan---“ Alex. “Hoy, hoy! Mga bibig niyo. Oo. Sila nagsabi sa ‘kin. Ano? Bu-bully-hin ninyo? Subukan niyo lang talaga lalo ka na Cheska at Nicole, lagot kayo sa ‘kin. Matalino kayong mga bitches kayo. Sa inyo nagsimula ang lahat… Kung hindi niyo kami sinumbongnhindi sana uuwi ang Papa ni Zayn. Hindi sana siya ipapa-arranged marriage sa Arabit na ‘yon… At hindi sana siyabnamatay ngayon. MASAYA NA SANA KAMI NGAYON!” Napatayo na ko sa kinauupuan ko. Pag ‘yung mga gan’tong eksena na hindi ko na kaya pang kumalma. Heto na naman sa usaping ito. “f**k you! You! You! You! AND YOU! *PAK!*” Tinuro ko sila isa-isa at si Nicole lang ang sinampal ko. “How dare you!---*SLAP!*' “Sige! Umusap ka pang de puta ka!” Hinila ko sila dun sa loob ng kuwarto nila Nicole. Buti nalang at wala masyadong galang katulong ngayon dito sa bahay nila. Dito ko sila bubungangaan at sasaktan. “A-aray naman! Saan mo kami---ahmmmp!---“ Pauleen. “Tumahimik kayo sabi! Wala akong pakielam kung hindi ko ‘to bahay. Huh, makikita niyo ngayon hinahanap niyo.” Hawak ko kasi ‘yung buhok ng limang ‘to. Tumitili na nga ‘yung iba, pero mas hinahatak ko lang lalo ang buhok nila. Kala nila ah… Kaya pala nung araw na ‘yun… **FLASHBACK II** (Referring to TROMN [92]; Chapter 90. GOOSEBUMPS ALL THE WAY) “Oh Ynah! Musta naman kayo ni Zayn?” Naka-grin na tanong sa akin ni Cheska. “None of your business.” Tabang kong sagot. “You're so sungit naman! I'm the one who's making kamusta na nga sa ‘yo. Ano naman ba ‘yung mga rumors that we heard na... Wala na raw kayo and he replace you to a very beautiful one like us?” “Oh. Tapos ka na?” “What ever! Bagay lang sa ‘yo ‘yan. Right gals?” tanong ni Cheska sa mga kasama niya. “Yeah!” sabay sabay na response ng conyo group nila. “Excuse me! Pwedeng gumilid, ano? Chosera ‘tong mga ‘to!” ipinagilid kami ni Jessica. “Oh... Buhay pa pala ang traydor!” sabi ni Pauleen, “So kamusta naman ang isa pang b***h? If I know, smart ka na raw?” dagdag pa niya. “Yep! And it was because of them," tinuro kami ni Jessica, "Eh kayo? Hanggang ngayon, conyo at tanging pag agaw ng atensyon lang ang alam niyong gawin? Pathetic gals, so pathetic.” Gan’to pala itong si Jessica. Well, siya mas nakakakilala sa mga ‘to. Nagkatingin sila at ‘yung mga mukha nila, agrabyado. Tama ba? Basta, iritadang iritada ang hitsura ng mga mukha nila. Hindi na maipinta ‘yung mga mukha nila. “W-we will be back!” mautal utal na sabi ni Alex. “T-tara na nga gals! It's so pangit na the atmosphere here. Ang dami kasing peste sa lipunan!” yaya naman ni Claire. “Yucky mga sis. Ayt!” Cheska. Paalis na sana sila pero hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan si Nicole. At ‘yung mga mata niya, parang may something eh. Something na parang may gusto siyang sabihin pero hindi lang niya masabi. Ewan! Nakakadistract talaga. “Oh ikaw? 'Di ka pa aalis?” tanong ni Jessica kay Nicole. “Isa ka talagang traydor, Jessica.” mariing sabi ni Nicole. “Kailan ba ako naging dalawa? Wala, kayo nanguna diyan tapos gaganyan ka?” Inirapan niya na lang si Jessica at tumingin siya sa amin. ‘Yung mga mata niya, parang isa usa tinitigan ‘yung mga mata namin. Ano bang balak nitong iparating? “You! Slut...” Tinuro niya ako, “Don't stare at me like that. Dapat lang talaga nangyayari sa ‘yo ang mga ‘yan. You deserve it. Wala kang alam sa mga nangyayari. Soon... Soon, hunnie. Makikita mo. Mawawala din ang lahat sa ‘yo.” Tinitigan niya ako sa mata. Deretso talaga. Hindi ko alam pero… it gave me chills and goose bumps. Hindi ko alam kung bakit ‘yun ‘yung nararamdaman ko ngayon, hindi naging big deal sa akin kung bakit parang tuloy tuloy ‘yung pagsasalita niya at wala siyang maling grammar. Natakot lang ako bigla sa tingin niya. Hinfi naman dapat gan’to eh, pero heto ‘yung nararamdaman ko ngayon. “Umalis ka na nga dito! ‘Wag mong inaaway ang Ynah Marie ko!” tinulak ni Erick si Nicole kaya napaatras ito. Paalis na sana siya pero sa huling pagkakataon, tinignan niya uli ako at nag smirked siya… **END OF FLASHBACK II** Kaya pala ganyan siya. ‘Yun nga ‘yung araw na pinataas niya bigla lahat ng buhok ko sa katawan. Siya, siya ang may pakana ng lahat! Naba-bad trip na naman ako at ngayong nag-flashed back pa sa ‘kin ‘yung nangyari dati? Tandang tanda ko talaga ‘yun. Sabi na nga ba eh, may kakaiba talaga sa kanya ‘yung araw na ‘yun. 'Di ko lang mawari kung ano… Kaya ang lakas ng loob nilang sugurin ako. Ay puta. Nakalimutan kong sugurin si Irish kanina about dito. Mabalikan na lang kaya bukas? Ah, tama. Masyado nang binubuo ng away ang araw ko. Pft. “Akala niyo basta basta kong palalagpasin ‘to? Ikaw, NICOLE GAMBOA! Kasabwat ka ni Irish ‘no. Kasabwat ka! Paano mo nalamang pumunta kami ng Vigan nun? At ang lakas ng loob mong magsumbong sa Papa ni Zayn ah.” “The n-news spread that time kaya n-na pupunta kayong---a-aray Yrie!” Ang epal kasi ng Alex na ‘to. Sinabunutan ko nga. “Ah, oo nga. Kumalat nga, eh ano palang karapatan niyong isumbong kami kung anong pinaggagagawa namin dito? Lalo ka na! Putres ka.” Dinuro-duro ko ‘tong si Nicole. “Nakakarami ka na ah---*PAK!*” Sinampal ko siya. “Nakakarami na ako? Huh? Kulang pa ‘yan! Kulang pa ‘yang sakit na ‘yan para sa nararamdaman ko dati hanggang ngayon! Akala niyo ganun kadali lang ‘yun? Akala niyo mapapalagpas ko ‘yun? Lalo na’t ngayon ko lang nalaman na sangkot pala kayo dito? f**k you all! ALAM NIYO ‘YUNG FEELING NA GUSTONG GUSTONG GUSTO KO TALAGA KAYONG TIRISIN? Kulang pa ‘yan! Sinasabi ko sa inyo. Isama na natin ang mga pambu-bully niyo sa ‘kin dati. Lalo na kayo Nicole? Pauleen? Kayo naman talaga ang nangungunang nambu-bully sa ‘kin eh. Bakit nga ba ako nagpapaapi sa inyo dati? E mas lampa naman kayo kung tutuusin!” ‘Di ko na kinaya pa, sumabog na ako. Usaping nakaraan na ‘to at damay pa si Zayn. “T-tama na Ynah---“ Claire. “*PAK!* It’s Yrie, bitch.” Nagkumpulan sila dun sa kama ni Nicole. The heck? Aanuhin ko ba sila? Para silang mga p********e ah. Parang kanina lang si Irish eh. ‘Yan kasi ang inaakto ng mga may kasalanan. May MALALAKING KASALANAN. Akala mo kung sinong mga maaamong PUTA. “ISA KAYO SA MGA SUMIRA NG BUHAY KO!” Sigaw ko. “Lalo ka na!” Sabay sabunot kay Nicole. Si Pauleen at Alex naman, inaawat ako. Siniko ko nga ang mga pagmumukha nila. ‘Di naman makatiyempo ng bawi sa ‘kin si Nicole kaya sinabunutan ko pa siya nang todo. “Bitawan mo nga akong hayop ka! *PAK!*” Sampal ko kay Pauleen sabay tulak. “ARAY KO, YRIE! BITAWAN MO NA AKO!” Pagsigaw ni Nicole. Binitawan ko naman siya at turn ko naman para pahirapan ang mga natitira niyang alipores. Kasabay nun ay ang pagtakbo niya palabas. s**t, nakalabas ang babaeng ‘yun. Ito muna ang titirahin ko ngayon. “b***h! b***h! b***h!” Sabay sabunot sa apat na ‘to. At ang Alex na ‘to nakalmot pa ‘yung braso ko. “HAYUP KA! *PAK! *PAK!*” Sinampal ko nga, kaliwa’t kanan. “DAPAT LANG MANGYARI SA INYO ‘TO! MGA DEMONYO KAYO! f**k YOU! KAYO SUMIRA NG BUHAY KO! KULANG PA SA INYO ‘TO!” Wala na. ‘Di ko na napigilan pa ang temp ko. ‘Di ko na alam pinaggagagawa ko dito. Napatigil nalang ako nang biglang may humawak sa dalawang braso ko. Siniko ko nga pero ‘di natinag. Nilingon ko. Shemay, wrong move. Kaya naman pala... malaking lalaki na pala ‘to! Pumalag ako ng pumalag. Habang umaatras na ang mga bitches na ‘yun. Nagsumbong pala ang Nicole na ‘to. Dapat talaga ‘di ko siya binitawan kanina. Takte, naisahan ako! “Bitawan mo ako!” Pagpupumiglas ko. Hanggang sa nakarating kami sa labas at tinulak niya ako sabay nang pagsara niya ng gate. Pero bago umalis ang guard na ‘to, “May araw kasing hayop na uto uto ka!” Inayos ko na ‘yung sarili ko. Nagdugo ‘yung kalmot nung Alex na ‘yun. Saka ko lang naramdaman ‘yung sakit. Nakita kong nakadungaw sila sa bintana. I salute them. Tinaas ko ang middle finger ko sa kanila and mouthed the words “f**k you” sabay nun ay ang pag-smirk. Bigla silang umalis. Phew! Nakakapagod. Saan ang sunod na away? Ah, teka. Bigla akong nagutom… Makapunta na nga lang muna sa KFC. Naalala ko na naman bigla si Zayn… **FLASHBACK III** Nasa KFC kaming dalawa habang kumakain. “Mmy, alam mo ba meaning ng KFC?” Tanong niya sa ‘kin. Pagkasubo ko ng pagkain, sinagot ko siya, “Kentucky Fried Chicken! Weak mo naman, ddy. ‘Di alam ang meaning. Tsk. Lagi pa naman tayong nakain dito oh.” “'Di naman kasi ‘yun ‘yung meaning nun eh.” Susubo na sana uli ako, bigla akong napatigil, “E ano pala?” “Edi… Kain Fara Chumaba. Para sa ‘yo ‘yan, mmy. Akala mo ah. O heto, kain ka pa marami para chumaba pa. Bleh.” Niyakap ko siya at sinabing, “I love you ddy.” **END OF FLASHBACK III** ‘Di ko namalayan. Umiiyak na naman pala ako. Heto na naman ako... Pinagtaksilan na naman ako ng mga luha ko. Sabi ko ‘di muna uli ako iiyak pero ano, nakakadalawang iyak na ako ngayong araw na ‘to. Kasalanan talaga ng mga bitches na ‘yun ang lahat nang ito. ‘Di pa ako tapos sa kanila… Yrie nga pala. Heto ang bago kong buhay. Don’t try to mess with the baddest b***h. Kung mas b***h ka, mas b***h na ako sayo. Heto na ata ang reverse ng paghihiganti ng isang inaapi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD