CHAPTER TWENTY SIX PAGKATAPOS ng ginawa ni Don Ronilo kay Dom ay muli siyang dinala sa infirmary ng kulungan dahil napakataas ng kaniyang lagnat. Ngunit matapos bigyan ng gamot ay binalik din siya sa kanilang selda. Sa buong maghapon ng araw na iyon ay walang ginawa si Dom kung hindi ang humiga sa kaniyang kama. Kahit hindi siya umiiyak ay patuloy na umaagos ang kaniyang mga luha, hindi dahil sa sakit o lungkot na naramdaman kung hindi dahil sa labis na galit. Isinumpa niyang hindi na niya hahayaang mangyayari sa kaniya iyon. He was greatly humiliated by what had happened. Hindi niya akalaing madungisan ang kaniyang pagkatao sa gano'ng paraan. Nakakadiri at nakakasuklam ang pangyayari na iyon na siguradong tatandaan niya sa habang buhay. Wala siyang ibang sinisi sa kahirapang sinapit

