14: The Don's Birthday Party

2896 Words
CHAPTER FOURTEEN SA ISANG MALAWAK na lupain, malapit sa paanan ng nakahimlay na bulubunduking nababalot ng luntiang mga halaman at punong kahoy na tinatawag na Green Hills Peak - ang pangunahing tourist attraction ng bayan ng Santa Fe, makikita ang isang napakagarang Mansyon na animo'y palasyong nakatayo sa gitna ng nagtataasang pine trees. Ang Mansyon na ito, na pag-aari ni Don Antonio Romano, ay napapalibutan ng nagtataasang pader na may mga watch towers na animo'y mga kastilyo na naka-pwesto sa bawat sulok nito kung saan makikita ang mga bantay na alertong nakamasid sa buong kapaligiran. Sa harapan ng malaking gate ng Mansyon, makikita ang ilang sasakyang nakaparada sa gilid ng malawak na espaltong daan na siyang komunekto sa magarang bahay at ng national highway na nasa ilang daan metro lang ang layo mula rito. Sa mismong gate, makikita ang apat na kalalakihang nakasuot ng itim na uniporme. May hawak na matataas na kalibre ng baril ang mga ito at napupuno ng mga bala at magazines ang bandoliers na isinuot nila sa ibabaw ng kanilang bulletproof vest. Sila ang mga bantay na inutusan ni Don Antonio upang siguraduhing walang ibang makakapasok sa mansyon maliban na lamang sa mga taong may dalang special invitation card. Hindi rin hinayaan ni Don Antonio na ipasok ng mga bisita ang kanilang sasakyan sa loob kaya nakaparada lang ang mga ito sa labas. Ginawa kasing event venue ng Don ang kaniyang malawak na lawn. Wala namang reklamo ang mga bisita, dahil para sa kanila, isa nang malaking karangalan ang maimbitahan ni Don Antonio na dumalo sa ika-animnapu't limang kaarawan nito. Engrande ang selebrasyong ito, kaya lahat nang mga bisita't panauhin ng Don ay mga malalaking negosyante at mga politikong may matataas na posisyon sa Gobyerno. Kaya naman kahit na anak pa siya ni Don Antonio, ay parang nanliliit pa ring nakatayo sa gilid si Autumn kasama ang kaniyang dalawang kaibigan na sina Mica at Lorry. Yes! Si Autumn ang kaisa-isang anak ng Overlord na si Don Antonio Romano. Ngunit sa kabila nito, hindi ginamit ni Autumn ang kaniyang impluwensya bilang isang Romano, dahil gusto niyang magsumikap at magtagumpay nang dahil sa kaniyang sariling gawa. Maybe it's her pride. But she just want to prove that she can achieve great things without using the power of their family. Kaya heto sila ngayon. Parang mga pulubing naiilang na sumabay sa mga mayayamang taong pumapasok sa gate ng mansyon. Maliban kasi sa katutuhanang sila lang ang hindi sikat at kilala sa mga taong nandito, ay para lang din isang laruan ang kanilang ginamit na Honda Civic na sasakyan sa harap ng mga BMW, Mercedes-Benz, Audi at iba pang mamahaling sasakyang nandito. Ang tanging nagbibigay kompyansa kay Autumn upang pumunta rito, maliban sa kaniyang pagiging isang Romano, ay ang dala niyang regalo para sa Ama. Isa itong lumang mapa ng Pilipinas na iginuhit ni Murillo Velarde noong 1734. Napakamahal ng pagkabili niya nito dahil mayroon lamang itong 50 copies, plus napakamahal din ng fiber glass na frame nito. Halos maubos ang lahat nang savings niya mabiili lang ito. Kaya kahit hindi ito bongga, kaya naman nitong tapatan ang mga regalong dala ng mga bisita ng kaniyang ama. Ngunit kung makikita ito ng mga normal na tao, siguradong hindi nila ito maa-appreciate, dahil isa lang itong lumang mapa na nakaguhit sa lumang papel. Gano'n lang. But knowing his father, she's sure that he would fall in love with this gift. At may inihanda rin pala siyang video na ipapa-play niya mamaya. At sa video na iyon siya hihingi ng tawad sa kaniyang ama sa lahat nang kasalanan niya rito. Kung sakaling hindi ito matutuwa sa video na iyon ay saka niya ibibigay ang regalong ihinanda para rito. Bale pang main event na itong very rare map na dala niya. Actually, bilang isang collector ng mga historical at cultural ancient arts, ay matagal nang pangarap ng kaniyang Daddy ang makakuha ng kopya ng very rare map na ito. Ngunit dahil sa limited number of copies nito na 50 pieces lang sa buong mundo, ay hanggang photographs nalang ito. Well, hindi niya rin makukuha ang map na ito kung hindi dahil kay Dom. Hindi niya alam kung ano ang ginawa nito ngunit no'ng kinapalan niya ang mukha na magpatulong dito upang makabili ng kopya ng 1734 Philippine Map by Murillo Velarde, ay isang araw lang ang iginugol nito at nabili na agad nito ang mapa. Syempre, hindi pa naman gano'n kakapal ang kaniyang mukha kaya binayaran niya pa rin ito ng tumatagingting na Five Million Pesos. Ibibigay lang sana ito ni Dom sa kaniya ngunit hindi niya tinanggap. Mabuti nalang at hindi na nag-insist ang kaniyang Boss. Speaking of Dom. Talagang sineryoso nito ang sinabing "they're dating" dahil araw-araw na silang nadi-date. Sundo at hatid na siya nito. Inggit na inggit nga sa kaniya ang kaniyang dalawang kaibigan dahil alam naman ng lahat na halos lahat nang mga babae sa Mindanao Summit Corporation ay nagkagusto talaga kay Dom. At dahil siya ang dini-date nito, gano'n nalang ang inggit ng mga ito. Pero maliban sa small talks nila habang magkasama ay hindi na nila kailanman napag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa. Ang tungkol sa kanilang feelings. Dahil naiilang si Autumn ay hindi niya nalang din ito ino-open na topic. Kaya hayon, sa loob ng tatlong araw nilang pagdi-date ay walang nangyayari. Mukhang torpe ang kaniyang Boss, eh. Ngunit sa kabila nito, hindi naman maaaring siya ang unang mag-o-open up tungkol sa feelings nilang dalawa. Siya na nga ang unang nagtapat dito na gusto niya ito diba? Kahit na siya ang babae. Nakakahiya 'yon para sa kaniya. Nasaktan ang kaniyang pride dahil nasanay siyang siya ang pinagtatapatan at siya nagri-reject ng mga nagtatapat sa kaniya. Kaya tama na 'yon. Kung ayaw ni Dom na pag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa, eh di wag. Okay naman na siya sa status nila sa ngayon. Well, minsan may pagkakataon na gustong gusto na talaga sana niya itong halikan at yakapin. Pero dahil iniingatan niya na ngayon ang kaniyang puri ay pinipigilan niya nalang ang kaniyang sarili. Ngunit kung wala talagang mangyayari sa kanila, ay siya na mismo ang gagawa ng unang hakbang kung matutuloy sila sa kanilang Business Trip Abroad. Malandi na kung malandi. Pero planado niya na ang gagawin sa araw na iyon. "Girl, wala nang pumapasok sa gate. Tayo na, wag kanang mag-imagine kay Boss Dominic d'yan." Untag ni Lorry sa kaniya nang mapansing nakatulala siya habang nakatingin sa kawalan. "What? I am not doing something like that." Defensive niyang tugon sabay tingin sa gate ng mansyon nila. "Sus, kunwari kapa. Kung hindi mo siya ini-imagine, bakit ka nagba-blush? Ha?" Wika naman ni Mica na sinagot niya lang ng irap. "Bahala kayo kung ano ang iisipin ninyo. But we need to go now, bago pa isara ng mga guards ang gate." Sabi niya sa dalawang kaibigan at dali-daling lumapit sa apat na guards. "Invitation?" Kunot-noong tanong ng isa sa apat na guards nang makalapit na sila sa gate. Bahagya pa nitong hinawakan ang dalang baril na animo'y nakakita ng kaduda-dudang tao. "Bago ba kayo rito?" Mataray namang tanong ni Lorry habang nakapamewang, naiinis kasi ito dahil sa reaksyon ng guard nang makita sila. "Miss if you don't have an invitation, please go away or we'll be forced to drive you away." Sambat ng isa sa mga guards habang tinitigan silang tatlo. "Ikaw nga ang kumausap sa mga 'yan. Baka hindi ako makapagpigil." Mataray pa ring wika ni Lorry harap sa kaniya at bahagya pa siyang itinulak palapit sa mga guards. "You're maybe new here, but maybe you'll recognize this." Kalmadong wika ni Autumn habang inilabas mula sa kaniyang bulsa ang isang golden necklace na may malaking pendant. Isa itong golden pendant na hugis tatsulok. Sa bawat side ng pendant na ito ay may nakaukit na mga pangalan na kung babasahin ay "Antonio, Autumn at Ariella". At sa pinakagitna naman ng pendant ay nakaukit ang malaking letrang "R" gamit ang magarand font na Aceking. "This.." Para namang binuhusan ng malamig na tubig ang mga guards nang makita nila ang pendant na ito. "Miss, please forgive us. We are ignorant for not recognizing you right away. We will accept whatever punishment you'll give us." Sabi ng team leader ng apat na guard at lumuhod pa sa harapan ni Autumn. Sumunod naman agad ang tatlong kasama nito dahilan upang naging awkward bigla ang paligid. "Ang OA naman ng mga ito." Kunot-noong sambit ni Lorry habang tinitigan ng masama ang apat na guards na ngayon ay halos humalik na sa lupa. "Ano ngayon? Ang tapang tapang ninyo tapos luluhod din pala kayo. Dilaan niyo kaya ang sapatos ko?" Dagdag naman ni Mica na parang nag-i-enjoy pa habang tinitigan ang apat na lalaking nakaluhod at nakayuko ang mga ulo. "It's okay. Please stand up. I am not like my Dad." Mahinahon namang tugon ni Autumn kaya maingat na nagsitayuan ang apat na lalaki. "By the way, may dala akong pang-regalo kay Dad. Nasa kotse namin. Pakitulungan nalang kaming dalhin 'yon sa loob." "Y-yes Miss." Matapos marinig ang kaniyang utos ay mabilis pa sa kidlat na tumalima ang apat. At sa pangunguna ni Lorry ay tinungo nila ang Honda Civic na nakapark sa isang gilid at kinuha mula rito ang isang malaki at hugis parehabang bagay na binalot ng mamahaling gift wrapped. Dahil sa laki ng map na ito ay dalawang guard ang bumitbit nito papasok sa loob. Habang pumapasok sila ay inutusan ni Autumn ang isa pang guard na ibigay sa event organizer at dj ang dala niyang flash drive na naglalaman no'ng apology video niya. Inutusan niya ring ipi-play ito mamaya kapag tapos na ang program. Dahil sa kaniyang identity bilang nag-iisang anak ni Don Antonio ay walang tanong-tanong na sinunod ng event organizer at ng dj ang kaniyang request. Maya-maya lang, matapos makahanap ng pwesto na hindi masyadong napapansin ng birthday celebrant, ay tahimik lang na nagmamasid sina Autumn at ang dalawa niyang mga kaibigan habang nagsimula na ang program para sa grand celebration na ito. Normal lang naman ang naging takbo ng event. May mga speeches lang mula sa mga malalaking tao sa bansa, at ang pinaka-highlight dito ay ang birthday greetings na personal na ibinigay ng isang Senador ng Bansa. Ganito kalaki ang impluwensya ng kanilang pamilya. They can make, even a senator of the country to fawn upon the Head of the Romano Family. Pagkatapos ng speeches, ay nagsimula na ang pagbibigay ng mga bonggang regalo. Iba't ibang gifts ang natanggap ng Don. Mga limited edition watches, jewelies na nagkakahalaga ng mahigit sampong milyon. Ngunit sa kabila nito. Napansin ni Autumn na parang hindi gaano kasaya ang kaniyang ama. Siguro, dahil sa kaya naman nitong bilhin ang lahat nang mga regalong 'yon. Kaya naman kating kati na siyang ibigay dito ang kaniyang regalo na tiyak na magugustuhan nito. Habang pinapanood ang kaniyang ama mula sa malayo ay napapaluha nalang si Autumn. Gusto niya na sanang tumakbo palapit dito upang yakapin ito. Dahil sa kabila ng lahat nang nagawa nito, hindi niya pa rin maipagkakailang ama niya ito. Kahit na nag-aaway sila noong huli nilang pagsasama ay hindi pa rin niya mapigilang ma-miss ito. Maya-maya lang, dumating na ang pagkakataong hinintay ni Autumn. At ito nang magsimula na ang kainan. Kaya mabilis siyang tumungo sa stage habang dumaan sa gilid para hindi mapansin. Nang makalapit na siya roon ay kumumpas siya sa organizer na i-play na 'yong video na inihanda niya na agad namang sinunod nito. Biglang huminto ang kasalukuyang music na pina-play ng DJ. At sa malaking LED Screen ay nagsimula nang mag-play ang inihandang video ni Autumn. It was just a simple video presentation, a slide show of old photos with a little animation, to be exact. Ngunit sa kabila nito ay napahinto naman ang lahat sa kani-kanilang ginagawa at naaaliw na pinanood ang video. Mga masasayang larawan ni Autumn at ng kaniyang ama at ina ang laman ng video. Ang timeline nito ay mula no'ng ipinagbuntis siya ng kaniyang ina hanggang sa noong huli nilang pagsasama. Habang patuloy ang pagpi-play ng video ay umakyat si Autumn sa stage na may hawak na microphone. "I am sorry for interrupting your meals. Dad, I am sorry for this, but please let me speak." Panimulang sabi niya habang pinipigilang tumulo ang mga luha. "I don't mean to ruin the mood of this celebration, but Dad, I want to take this moment to express my deepest apologies. I know that this kind of celebration is supposed to be joyous occasion, but I know that my past actions have caused you pain and disappointment. That's why, infront of the esteemed guest, I want to ask for your forgiveness. I am truly sorry for any hurt or sadness I have caused you. I never intended to bring anything but joy into your life, and it pains me to know that I have fallen short of that. Please know that I am deeply remorseful for my mistakes and the impact they have had on our relationship." "I know that I am selfish for leaving you, I only thought about myself. And Dad, I am so sorry for that." "I am so sorry for yelling and cursing you that time." "I'm sorry, Dad.." Hindi na natapos ni Autumn ang kaniyang sasabihin dahil napaiyak na siya. At magpapatuloy pa sana siya ngunit nakita niyang dahan-dahang lumapit sa stage ang kaniyang Daddy. Seryoso itong nakatingin sa kaniya dahilan upang mas lalo siyang kabahan. Sa gilid nito ay naroon ang babaeng siyang dahilan ng kanilang pag-aaway. Si Matilda. Ang babaeng ipinalit nito sa kaniyang namayapang ina. Inaamin niyang hanggang ngayon ay mainit pa rin ang dugo niya sa babaeng ito. Ngunit alang-alang sa relasyon nilang mag-ama ay handa niyang kalimutan ang lahat nang galit niya sa babaeng ito. "I.. I know that you can buy anything that you want to have. But I hope that you can appreciate this little present that I have prepared for you. I bought it using everything I have." Medyo nauutal niyang wika sabay kumpas sa dalawang guards na nagdala ng regalo niya. Patuloy pa ring naglalakad palapit sa kaniya ang kaniyang ama. At sa ngayon, bahagya nang nakakunot ang noo nito. Hindi niya alam kung galit ba ito o hindi, ngunit isa lang ang sigurado, hindi nito nagustuhan ang ginawa niya. Ayaw lang siguro nitong sabihin dahil maraming taong nakatingin sa kanila. Maya-maya lang ay biglang itong napahinto sa paglalakad nang biglang humarang sa harapan nito ang dalawang tauhang may dalang malaking regalong. At bago pa ito makapagsalita para pagalitan ang mga tauhan ay mabilis nang nakababa ng stage si Autumn ay pinunit niya ang mamahaling gift wrapped na nakabalot sa regalot niya. Nang mapunit ang wrapper nito ay mas lalong kumunot ang noo ni Don Antonio, dahil isang malaking styrofoam lamang ang nakikita nitong nakatayo sa harapan. Ngunit sa tulong nina Lorry at Mica na mabilis pa sa kidlat na pumunta sa tabi niya upang tulungan siya, ay maingat nilang naalis ang styrofoam dahilan upang malantad ang laman nitong fiberglass. At sa loob nito ay malinaw na makikita ang isang tinuturing na holy grail ng mga colollectors. "Holy s**t! A 1734 Map of Philippines! And it's a very rare map drawn by Murillo Velarde!!" Parang batang sigaw ni Don Antonio nang makilala ang regalo ng anak. "You silly girl! Where did you get this?!" Halos maluha-luhang tanong nito at nilapitan siya. Akala ni Autumn ay pagagalitan o sasampalin siya nito. Ngunit bigla niyang naramdaman ang mainit nitong yakap na hindi niya na naramdaman mula no'ng lumayas siya sa bahay na ito. "This is the best give I've ever had, you little dinosaur." Sabi pa nito habang hinihimas ang kaniyang buhok. Bang! Bang! Bang! Magiging okay na sana ang lahat. Mukhang mapapatawad na sana siya ng kaniyang ama nang biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng mga baril dahilan upang biglang nataranta ang mga bisita. Ilang saglit lang ay biglang nagulo ang venue ng party dahil kaniya-kaniyang takbo ang mga tao. Ang iba ay mabilis na umalis sa venue at lumabas ng gate Bang! Bang! Bang! "Damn it! What's happening!!" Sigaw ni Don Antonio habang nanginginig na nakatingin sa paligid. Ngunit maliban sa nagsisitakbuhang mga tao sa paligid ay wala siyang nakitang kakaiba. Bang! Bang! Bang! Patuloy pa rin ang sunod-sunod na putok ng mga baril. Ngunit sa pagkakataong ito ay may tinamaan na dahil may mga tao nang nakahandusay sa venue. "Damn it! Let's go somewhere safe!" Seryosong sigaw ni Don Antonio habang nakayukong tumatakbo papunta sa mansyon habang hila-hila sina Autumn at Matilda. Sumunod naman sina Lorry at Mica na parang tinakasan na ng kani-kanilang kaluluwa dahil sa mga nangyayari. Ngunit bigla silang napahinto sa pagtakbo nang makitang may tatlong lalaking nakatayo sa kanilang harapan. Hindi nila ito nakilala dahil sa pakurapkurap na ilaw at sa makapal na usok na mula sa smoke grenade na ginamit ng kung sinomang mga taong nagpapaputok ng baril sa kanilang paligid. "Who are you? What do you want?!" Galit na tanong ni Don Antonio sa tatlong di kilalang lalaking dahan-dahang lumalapit sa kanila. "I am here to collect the debts you owe me, old bastard!" Malamig na tugon ng isa sa tatlong lalaki. Ngunit nang marinig ito ni Autumn ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Kilala niya ang boses nito at hindi siya maaaring magkakamali. 'Dom..' Bulong niya sa isip habang nanginginig ang buong katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD