CHAPTER TWELVE
TATLONG ARAW na ang nakalipas mula no'ng mapasama si Autumn sa isang nakakatakot na pangyayari, ang ma-ambush kasama ang kaniyang Boss.
Wala siyang ideya kung ano na ang update sa insidenteng 'yon. Hindi niya alam kung nahuli na ba ang mga taong responsable sa pang-a-ambush na iyon. At hindi rin niya alam kung bakit inambush sila.
Pero sa kabilang banda, naisip niya rin na baka natural lang 'yon given the fact that her Boss is also a Mafia Boss. Syempre, marami itong kalaban kaya marami rin ang magtatangka sa buhay nito.
Kaakibat na siguro iyon sa pagiging isang Mafia Boss nito.
So, ibig bang sabihin nito na mauulit at mauulit pa ang gano'ng karanasan niya kung palagi siyang isasama ng kaniyang Boss?
Because of this thought, she felt a shiver running down her spine.
Hindi pa siya naka-revover mula sa nakaka-trauma na pangyayaring iyon, that's why a single thought about it could make her recall almost everything that happened. Kaya nga siya hindi nakapag-report to duty nang dalawang araw dahil palagi siyang balisa at hindi siya makakapag-concentrate sa kaniyang trabaho.
Pero dahil naboboryong na siya sa kaniyang apartment, ay pinilit nalang niya ang sariling mag-report ngayong araw.
Kompara kahapon at no'ng nakaraang araw, medyo stable naman na ang kaniyang pag-iisip. Ngunit hindi pa rin talaga niya maiwasang manginig sa takot sa tuwing naiisip niya ang nangyayari.
"Miss Autumn, Sir Dom asked you to come to his Office."
Sandaling napatigil si Autumn sa pag-iisip ng kung ano-ano at tumingin sa babaeng tumawag sa kaniya na ngayon ay bahagya lang nakasilip ang ulo sa pintuan ng kaniyang opisina.
Napakunot ang kaniyang noo nang mapagtantong hindi niya kilala ang babae.
Well, hindi na nga ito kumatok diba? So, hindi nga ito isa sa employees na nasa ilalim ng kaniyang management.
Siguro, kung mataray lang siya, nakatikim na sana ng sandamakmak na pangaral ang babaeng ito. Pero dahil mabait siya, huminga nalang siya ng malalim at tahimik na tumayo mula sa kinauupuan.
"Bago ka rito?" Tanong niya sa babae habang sinabayan siya nitong maglakad patungo sa elevator. Nasa fifth floor kasi ang opisina ni Dom habang nasa second floor naman ang kaniyang office kaya kailangan pa niyang mag-elevator paakyat.
"Hindi. I am just one of his people, at sa ngayon, he appointed me as his personal assistant." Tugon ng babae habang matuwid na naglalakad.
Bigla naman siyang napahinto nang marinig ang sagot nito sabay titig sa kabuoan nito. At saka niya pa napansin na napaka-sexy pala nito. Napakaganda ng hubog ng katawan nito na bumagay sa suot nitong pencil cut dress. The dress perfectly fits her revealing her beautiful curves.
At dahil na rin sa ikli ng suot nito kitang-kita ang maputi at makinis nitong legs na siyang dahilan kung bakit napapalingon dito ang ilang kalalakihang nadadaanan nila. Mahaba rin ang neckline ng dress nito kay lantad ang bahagi ng maputi at malusog nitong dibdib na mas nakadagdag pa sa kagandahan at ka-sexyhan nito.
Totoo nga pala talaga na nakakadagdag ganda ang sexy na kasuotan, bagay na wala sa bokabolaryo ni Autumn. Sanay kasi siyang magsuot ng simple, kaya hindi niya kayang magsuot ng ganitong halos pinapakita na ang buong katawan.
"What's wrong Miss?" Tanong sa kaniya ng babae nang mapansin nitong huminto siya sa paglalakad habang nakatitig dito.
"Ahh, w-wala.. Something just came up my mind, but nevermind it." Picking up her pace again, she answered dodging the woman's eyes.
Maya-maya lang ay narating na nila ang opisina ni Dom.
Pinagbuksan naman siya ng pinto ng kasamang babae kaya pumasok na siya rito.
"Good morning, Sir." Magalang na bati ni Autumn sa kaniyang Boss na ngayon ay kampanteng nakaupo sa magarang executive chair nito.
"Have a seat." Tugon naman nito sabay muwestra sa upuang nasa harapan ng table nito. "You may leave now, Geline." Sabi naman nito sa personal assistant nito.
Si Geline ang unang babaeng membro ng Lion Mob. Isa ito sa mga babaeng gustong pagsamantalahan ni Mario "The Bulldog".
Ayon sa nakalap na impormasyon ni Dom, dati itong nagta-trabaho sa isang club bilang waitress. Nagustuhan ni Mario at gusto nitong matikman, ngunit dahil hindi naman prostitute ang trabaho ay tumanggi ang dalaga dahilan upang magalit si Mario. Gamit ang kapangyarihan nito sa lungsod ng San Diego, napatanggal nito sa trabaho si Geline, pagkatapos ay pina-kidnap ito at dinala sa isa sa mga safe houses ng "The Bulldog".
Plano sana itong rape-pin ni Mario noon, ngunit dahil ang araw na 'yon ang ay araw kung kailan ito binisita ni Dom, ay hindi na nagalaw pa ng "The Bulldog" ang dalaga dahil napatay na ito ni Dom.
Dahil wala nang ibang mapuntahan, at dahil na rin sa takot, nakapagpasya ang dalaga na isuko nalang ang sarili sa nakakatakot na taong nagligtas dito mula kay Mario, and the rest is history.
Sa ngayon, habang nasa hospital pa ang dalawang bodyguards ni Dom, at wala pa silang transaksyon sa linggong ito, ginawa niya na munang Personal Assistant si Geline.
Tulad ng ipinangako niya rito, napansin na ng media si Geline at kasalukuyan na itong nagmo-modelo sa isang kilalang brand ng mga damit. May product endorsement contracts na rin ito na kasalukuyang pinapalabas sa local TV networks ng bansa.
Dahil dito, naging kilala si Geline. At napakalaki ng tulong nito sa negosyo ni Dom. Sinasama kasi ni Kris ang dalaga sa bawat transaksyon dahilan upang makilala ito ng kanilang mga kliyente.
Ang presensya ng isang kilalang modelo sa bawat transaksyon nila, mapa-legal o illegal man, ay nakakaenganyo ng mas maraming costumers.
Kaya bumango na ngayon ang legal at illegal na negosyo Dom sa mga tao. At ito ang hudyak ng unti-unting paglaki ng Lion Mob kahit na hindi pa ginagamit ni Dom ang kaniyang buong kakayanan bilang kanang kamay ng Mafia King.
"Pinapunta niyo raw ako rito, Sir." Maya-maya'y tanong ni Autumn sa kaniyang Boss nang makalabas na si Geline sa office nito.
Saglit siyang tumingin sa gwapo nitong mukha, ngunit nang tumitig din ito sa kaniya ay mabilis niyang iniwas ang kaniyang mata.
Kahit na madalas silang magkasama, hindi pa rin maiwasan ni Autumn ang mailang dito. Dahil kahit anong gagawin niya, hinding hindi na mababago ang katutuhanang minsan nang may nangyari sa kanila.
"Yeah." Tugon naman nito matapos siyang titigan ng mataman.
"I want to apologize for what happened last time. Kung alam ko lang na mangyayari 'yon hindi na sana kita sinama." Malumanay na wika nito dahilan upang maiangat niya ang kaniyang ulo at tiningnan ito.
Sa tuwing mag-uusap kasi silang dalawa ay pormal lang palagi ang tuno ng pananalita nito. Ngayon niya pa lang narinig mula rito ang ganoong tuno. At nang magkasalubong ang kanilang mga paningin ay saglit niyang naaninag mula sa guwapo nitong mukha ang pag-alala.
Nakakapanibago ito para kay Autumn, dahil kahit hindi masungit sa kaniya itong Boss niya, ay halos hindi naman ito nagpapakita sa kaniya ng emosyon, maliban nalang sa ilang tipid nitong mga ngiti na binibigay sa kaniya sa tuwing nagustuhan nito ang kaniyang advice.
"O-okay na po ako, Sir. Though I was traumatized by that incident, naka-recover naman na ako ng kaunti." Tugon niya naman at iniwas na ang tingin dito dahil nagsimula na namang kumabog ang kaniyang dibdib.
Pakiramdam kasi niya ay bibigay ang kaniyang katawan kung makikipag titigan siya rito nang matagal. His eyes felt like magnets attracting her. Kaya kung hindi siya iiwas, baka mahalikan niya ito.
Dom is undeniably handsome. And he has this charming eyes and a dangerous aura na parang palaging sumasakal sa puso niya. Dagdag pa rito ang ginagawa ng malikot niyang isip na palaging niri-recall 'yong kanilang nakaraan.
"Tsk. Damn them." Mahinang mura nito habang sabay mahigpit na kinuyom ang mga kamaong nakapatong sa mesa. Tumiin din ang mga bagang nito tanda na hindi nito nagustuhan ang narinig.
"I think what I did to them was just right." Dagdag pa nito habang tinitigan pa rin siya.
"W-what do you mean, Sir?" Naguguluhang tanong niya, though she already had grasp the meaning behind those words.
"I punished the group responsible for ambushing us. If they're smart enough, they won't do the same thing again. So, rest assured that it won't happen again." Tugon naman nito.
Hindi niya alam kung ano ang ginawa nito, but thinking that her Boss is a Mafia Boss, mukhang hindi talaga maganda ang nangyari sa mga taong nasa likod ng pag-ambush sa kanila.
"If you need time to recover, you can rest until you'll feel better. And if you need anything, don't hesitate to inform me as I am partly in fault of what had happened." Sabi nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya.
"Okay na po talaga ako, Sir." Tugon niya sabay ngiti para ipakita rito na okay na nga siya.
"If that's so, then that would be great." Wika nalang nito sabay sandal sa upuan nito. "Anyway, I called you here to inform you that one of our partners has introduced us to one of the famous foriegn company. Since we are known as one of the huge Banana and Pineapple Importer in the country, that foriegn company intends to establish a partnership with us. And they set a meeting with me to talk about that possible collaborations. Since that meeting was set abroad, I need to make a business trip there before the scheduled meeting, and I want you to go with me."
Bigla naman siyang kinabahan nang marinig ang sinabi nito. Ang malikot niya namang utak ay nagsimula na namang gumana dahilan upang makaisip na naman siya ng kung ano-ano.
Business Trip abroad? Bakit siya ang gusto nitong isama? Sila lang bang dalawa ang pupunta?
What if mangyayari 'yong mga nangyayari sa movies na mauubusan sila ng kwarto sa hotel na tutuluyan nila at mapipilitan ang kaniyang Boss na isama siya sa kwarto nito? Magtutulakan sila kung sino ang hihiga sa kama na ang resulta ay magsi-share nalang sila. At sa kalagitnaan ng pagtulog nila ay bigla siya nitong yayakapin at yayakapin din niya ito. At parehong mag-iinit ang kanilang katawan at--
"Are you alright?" Untag nito sa kaniya dahilan upang mapatigil siya sa pag-iisip ng maruruming bagay. "You're blushing. May lagnat kaba?" Alalang tanong nito sabay tayo at nilapitan siya.
"O-okay lang po ako, Sir. W-wala po akong lagnat." Sabi naman niya sabay iwas ulo nang umakma itong ilagay ang likod ng kamay sa kaniyang noo.
"Sigurado ka?" May halong pagdududang tanong nito.
"Yes. Yes, Sir." Mabilis niya namang tugon sabay ngiti ng maluwang just to show him that she's really alright.
Okay naman talaga siya, sadyang iba lang ang iniisip niya kaya namumula ang kaniyang mukha.
"Okay. So? Sasama ka ba?" Tanong nalang nito sa kaniya.
"Sasama? Saan po?" Naguguluhan niya namang tanong, ngunit maya-maya lang ay na-realize niya rin agad kung ano ang ibig nitong sabihin. "Ahh, sorry po. Sa business trip pala.. Yes Sir, sasama po ako." Tugon niya habang pulang pula na ang mga pisngi dahil sa hiya.
"Good." Tugon din nito habang tinitigan ang mamahaling golden wrist watch na suot. "Oh. It's almost lunch time again. Come on, let's have lunch together." Sabi nito at naglakad na patungong pintuan ng opisina dahilan upang mapatayo nalang din siya at sumunod dito.
Nang makalabas sila sa opisina nito ay dire-diretso lang itong naglakad patungo sa elevator habang siya naman ay halos nagkakandarapang sumabay sa mga hakbang nito.
Mabuti nalang at sumabay rin sa kanila si Geline, ang bagong Personal Assistant ng kaniyang Boss, kaya hindi na siya nakaramdam ng pagka-ilang nang pinagtitinginan sila ng ilang mga Empleyado habang pilit na binibilisan ang mga hakbang para lang makasabay kay Dom.
Nakahinga naman siya nang maluwang nang dumating na sila sa tapat ng elevator na naghihintay nalang sa kanila. Nandito na kasi ang dalawang bodyguards ni Dom, iniharang no'ng isa ang kamay nito pagitan ng pintuan ng elevator kung kaya't hindi ito sumara.
Pagkaraan ng ilang sandali ay nakababa na sila sa ground floor ng building, at dahil naka-full glass wall ang gusaling ito ay tanaw na agad nila ang tatlong sasakyan na naghihintay sa labas.
Isang tingin lang, alam na agad ni Autumn na ito ang mga sasakyan ni Dom. Wala na kasing ibang taong makaka-afford ng ganitong sasakyan. Mga Rolls-Royce Cullinan lang naman kasi ang mga ito at pare-parehong pang mga armored.
Maya-maya lang, matapos makasakay sa sasakyan ay dahan-dahan na silang umalis patungo sa restaurant na madalas pipuntahan ni Dom na pagmamay-ari rin ng Mindanao Summit Corporation.
Fifteen minutes lang ay dumating na agad sila sa five star restaurant. At tulad kanina ay sabay pa rin silang naglalakad nina Dom at Geline habang nasa likuran naman nila ang limang lalaki, dalawa rito ang bodyguards ni Dom at tatlo ang drivers.
"Mister Filipe! What an honor to meet you here."
Kapapasok lang nila sa loob ng restaurant nang makita sila ng isang middle aged na lalaking nasuot ng itim na tuxedo suit. May kasama itong dalawang magagandang babae na nakasuot ng dress na hapit na hapit sa katawan ng mga ito dahilan upang malantad ang magagandang kurba ng katawan ng mga ito.
Maluwang ang ngiti ng mga ito habang nilapitan sila.
"Mister Ingram." Pormal namang tugon ni Dom sabay ngiti ng tipid at tinanggap ang nakalahad na kamay ni Mister Ingram.
Kilala ni Autumn ang Mister Ingram na ito. Sino ba naman ang hindi nakakakilala nito? Eh, ito lang naman ang may ari ng isa sa mga pinakamalaking Mall rito sa San Diego City. Masasabi rin na isa ito sa mga pinakamayamang negosyante sa bansa.
"You're here for lunch? What a coincidence! Me, my wife and my daughter here also happened to have our lunch. So why don't you join us." Nakangiting wika ni Mr. Ingram sabay tingin sa dalawang magagandang babae na kasama na asawa't anak pala nito.
"Dad's right, Dom. Why don't you join us." Dagdag naman ng anak ni Mr. Ingram habang ngumiti ng nakakaakit kay Dom. The she stared at Dom, Autumn could tell right away that she's flirting with him.
And it made her blood boil.
Lalo pa nang na-realize niya na tinatawag ng babaeng ito ang kaniyang Boss sa mismong pangalan nito.
'They're in first name basis? Are they close?' Parang nagngingitngit na tanong ni Autumn sa sarili habang tinitigan ng masama ang malanding anak ni Mr. Ingram.
"I already have someone to accompany me." Diretsang pagtanggi ni Dom sa mga Ingram sabay lakad paalis sa harapan ng mga ito.
"Get your own room. I want to be alone with Autumn." Utos nito kay Geline nang lumapit na sila sa Restaurant Receptionist.
Dahil nakapag-desisyon na si Dom ay hindi nalang pumalag pa si Autumn kahit na halos sumabog na sa kaba ang kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung matatakot o kikiligin ba siya dahil para silang nagla-lunch date ng kaniyang Boss.
Pero hindi naman siguro siya dapat matakot diba? Kasi, wala naman sigurong gagawing masama sa kaniya si Dom.
So dapat na kikiligin nalang siya.
At 'yon na nga ang nangyari. Halos maihi na siya dahil sa kilig, lalo na no'ng pumasok na sila sa loob ng VIP Room.
"Maybe you're wondering why I want to be alone with you?" Maya-maya'y sabi nito nang makaupo na sila sa dining table ng VIP Room.
Ngunit dahil sa sobrang kaba ay hindi na niya ito nasagot, kaya nagkunwari na lang siyang nagbabasa ng menu.
"Well, I just want to ask you something. And I hope that you'll tell me honestly." Dagdag pa nito habang tinitigan siya ng seryoso.
Dahil parang nanunuyo ang kaniyang lalamunan ay tanging tango na lamang ang naitugon niya.
"Why did you do that?" Seryosong tanong nito.
Ngunit napakunot naman ang kaniyang noo dahil dito. Hindi niya kasi naiintindihan ang ibig nitong sabihin.
"P-po?" Naguguluhang tugon niya habang sinalubong ang seryoso nitong titig.
"That thing you did to me more than five years ago, why did you do that?"
's**t. He remembered.' Bulong niya sa isip habang pinagpapawisan kahit na malamig dito sa loob.