24: The Past Part 9

2452 Words

CHAPTER TWENTY FOUR DAHIL SA pagkatalo niya sa kaso ay kaagad na naka-schedule ang paglipat ni Dom sa City Penitentiary dahil doon niya igugugol ang dalampong taong hatol sa salang hindi niya ginawa. Labis na kalungkutan ang naramdaman ni Dom pagkatapos maibaba ng hukuman ang desisyong guilty laban sa kaniya. Kaya naman sa loob ng ilang araw ay nakamukmok lang siya sa isang sulok ng selda, wala na siyang pakialam sa paligid. Naiintindihan naman siya ng mga kasama kaya pinabayaan na lamang siya ng mga ito, tinatawag lang siya kapag kainan na. Kumakain naman siya, dahil sa kabila nang lahat nang ito, may parte pa rin ng kaniyang utak ang ayaw sumuko. Limampong taon lang naman 'yon. Mag-39 pa lang siya kung makakalabas siya sa kulungan no'n, kaya hindi pa siguro magiging huli ang lahat kun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD