Episode 1

3254 Words
Mia's POVs Nagmamadali akong nagtungo sa direksyon ng elevator na nasa gawing kanan ng aking unit. Pababa ako ngayon sa parking area ng condo ko paalis ako para mamili nang pasalubong ko sa pamangkin kong si charlotte o lotty na nakasanayan kong itawag sa cute na batang yun.Anak siya nang Kuya kung si John sa kasintahan nitong doktora. 5 years old pa lamang siya ngunit sobrang biba niya. Favorite niya ang stuff toy kaya iyon ang naisipan kong bilhin mamaya sakanya sa mall malapit lang ang condo ko sa isang malaking mall dito sa maynila. Regalo sakin ng kuya simon ko ang condo na ito. graduation gift niya sakin. Kahit na mahal ang napili kong condo ay okay lang sakanya no choice siya eh. Mismong centro na ito kung susumahin. Dalawa kaming pumili sa location ng condo ko na siyang tinutuluyan ko dito sa maynila. Very convenient din ito at very accessible sa mga bilihan. Samantalang Si kuya mark ang nakatuka na magregalo sakin ng sasakyan at siya ang nagbigay sakin ng sasakyan ko ngayon. Natawa pa nga ako noon dahil ang graduation gift nila ay dadaanin sa bunutan. Si kuya simon ang nabunot bahay at si kuya Mark naman kotse at si lolo julio ay Vacation package. Daig ko pa nga ang nanalo sa lotto noon. May hiwalay na elevator ang building namin patungong basement parking area...isa rin ito sa purpose ko sa building na ito hindi ako mahihirap umakyat sa floor ng unit di tulad sa ibang condo building malayo ang papuntang parkingan... naghanap talaga ako ng ganito tulad sa mga kdrama na lagi kong napapanood. Mabilis lang ang naging byahe ko papuntang mall. Una akong nagpunta sa sikat na toy store pumili ako ng bunny at pony na stuff toy kulay pink at purple ang pinili ko. Isinunod ko ang book store kung saan ibibili ko din si lotty ng mga coloring books at coloring set. Matapos akong pumili ng pasalubong sa pamangkin ko ay naisipan kung tumingin ng mga libro baka sakaling may matipuhan ako dahan-dahan akong naglakad sa hilera ng mga shelves habang nakatingala ako para pumili ng libro ngunit bigla kong nabangga yung mga bulto ng mga kahon sa may kanan ko dahilan para mawalan ako ng balanse pero buti na lamang at mabilis akong nakabig ng lalaking na aking likuran. Tumama ang buong mukha ko sa matigas niyang dibdib. "bakit sobrang bango niya, sarap mong amuyin kahit ganito na lang tayo" pagpapantasya nang utak ko. Biglang Gulat ko nang mapagtanto kong ako ang nakayakap sakanya gamit ang kaliwa kong braso samantalang siya naman hawak niya ako sa kanang braso at kaliwa niyang kamay sa aking ulo dahilan upang masubsob ako sa dibdib nito.Dahan-dahan konh Inangat ang aking ulo para tignan siya. Ngunit nagsalubonh ang aming mga mata dahilan para matulala ako sa mga titig niya. Sobrang lapit na aming mukha ramdam ko ang bulta-boltaheng daloy ng kuryente sa aking katawan. "makalaglag panty ka sa sobrang gwapo nito para siyang thai actor na si Luke plowden" "nasa langit na ba ko lord, nagliwanag ang paligid ko" saad ko sa isip. "napakaamo ng mga mata niya nakakaakit jowain mo ko kuya please oppa ka nang taon" sabi ko sa isip. "ikaw na ba si mr. right? " bulong ko na sobrang mahina sa sarili na tila may mga nagliparan sa loob ng tyan ko sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. "Miss are you okay? " baritonong boses nito upang mabalik sa realidad ang diwa ko mula sa pagkatulala ko sa kanya. Pero bago pa ako magpantasya sa lalaking ito. Umarte akong itataboy siya. Halatang malakas ang epekto niya sa akin dahil nagbaga ang aking mga pisngi. Kumawala ako sa pagkakadikit namin dalawa at tinulak siya, ilang hakbang paatras din ang ginawa ko , sapat lang para makita ko ang buong anyo nito. Kinikilig ako dahilan para pumungay ang aking mga mata..."fairness sayo kuya...napakagwapo mo asawahin kaya kita..." sabi ko sa sarili. Pero bago pa ako malukaret ay umarte na lang akong painnosente. "Ano ba naman yan ... napango na ata yung ilong ko eh" sabay hawak sa ilong ko. Pero tila itong tuod na nakatayo lamang at walang mababatid na kahit na anumang ekspresyon sa mukha nito. "wag kang nanghahablot kuya" "snatcher ka ba? bilis mong himablot ha" sabi ko sabay irap sakanya. Wala man lang ito ginawa kung hindi tumitig. Literal na nakatayo lang at ibinulsa pa ang parehong kamay sa pantalon nito. Humingi ako ng paumanhin sa nangyari ngunit Nairita na ako dahil hindi man lang ako sinagot pabalik. "excuse me... sir nalunok mo na ba yang dila mo" nakatitig lang ito sa akin tila ba robot na kailangan pang pihitin para gumalaw . "nakikinig ka ba sakin sabi ko pasensiya na sa nangyari, tatanga-tanga kasi ako! nag-aadict ba itong lalaking ito sayang gwapo pa naman kaso may saltik" maratay ngunit mahina kung sabi habang pinupulot ko yung mga items na nahulog ko para kay lotty "huh...bahala ka nga dyan... bingi-bingihan ka? maiwan na kita dyan" bulalas ko sa kanya tsaka ako pumila para magbayad sa counter. Nasa harap na ako ng counter nang mapansin kong palabas na ito sa store. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad ito. Matangkad ito, nakabrush up ang buhok niya. Ngayon ay nakasuot na ito nang shades , Nakasuot ng gray na long sleeves shirt , denim pants and white sneakers...bakat din ang kanyang malapad na balikat...at muscles sa braso sa oanyang suot "hot like fire...ito siguro daks" ang huling naisip ko. Nagulat ako nang may tumikhim sa harap ko. "ma'am 1080 pesos po lahat" Tumikhim yung kahera sa akin. Naputol yung iniisip ko , inabot ko yung pambayad ko pero hindi mawala sa isip ko yung anyo niya para siyang demogod. Paglabas ko sa bookstore napansin kong nakatayo ito sa harap ng isang boutique na tila ba may hinihintay. Naisip ko na baka girlfriend niya yung kausap. "Sayang naman kong nagkataon Jojowain ko pa sana" Saad ko sa isip. Nataranta ako nang bigla itong kumilos paharap sakin dahil nakashades na ito na mas lalong nagpagwapo sakanya ngunit di ko malaman kung ako ba ang titignan niya ngunit agad rin itong tumalikod papasok sa boutique na tila nagmamadali. Nagkibit balikat na lamang ako at dali-daling tinungo ang parking lot para iwan sa kotse ang mga pasalubong ko kay lotty at mabilis ring bumalik sa loob para maggrocery. Kasalukuyang nasa supermarket na ako ng mall para mamili ng stocks namin ni Dana. Medyo marami akong napamili halos paubos na kasi yung ibang needs namin. May mga pagkain , pampaganda , de lata at madaming chitchiria.Bagong sahod ako ngayon kaya marami akong pinamili para samin ni Dana. Sa tagal na kasama ko ang bestfriend kong si Dana masasabi kong masyado ang pagmamahal niya sa pamilya niya. Siya ang nagpapa-aral sa mga kapatid niya at nagbibigay maintanance nang kanyang lolo sa diabetes nito. Kaya hindi ko na siya inuobliga pang magbigay ng share sa condo kahit na may mga pagkakataon na ayaw na din niya na ako nalang lagi ang nagproprovide sa condo. Pero ayos lang naman saakin yun mas nakakaluwag-luwag ako at hindi maipagkakaila sakanya.Kung tutuusin ayos lang iyon sa akin magkababata kami at pareho kaming lumaki sa hacienda. Katiwala kasi nang mga magulang ko ang magulang ni Dana sa hacienda. Kaya tila kapatid na rin ang trato namin sa isa't isa. Mabilis lamang ang pamimili ko at agad umalis sa mall. . . . ------------------------------------------- . . . Dala-dala ang mga pinamili ko na nakasilid sa eco bag galing supermarket. Iniwan ko sa may sasakyan yung mga pasalubong ko since aalis na man ako iniwan ko nalang para kaunti lang ang bitbitin ko mamaya pababa. Pagpasok ko sa loob ay dali-dali kong inayos ang mga grocery na binili ko. Biyernes ngayon. humingi ako ng oneday leave sa boss ko sa trabaho pauwi kasi ako sa hometown ko death anniversary ng lola margarita o mas gusto kong tinatawag na mama margie. Habang abala ako sa pagsasalansan nang mga pinamili ay naisipan kong tawagan si Dana dahil lunchbreak naman siguradong wala siyang ginagawa. Sinuksok ko ang earbuds sa magkabilang tenga ko at agad na tinawagan siya. Nakadalawang ring lang ito ay sinagot na niya agad. "hello! bakit bhe?" sagot niya sa kabilang linya. "bhe di ka ba talaga sasama? wala akong kasama sa byahe?" pamimilit ko sakanya. "sarre bhe... may date ako kay paul alam mo na monthsary namin..." malandi nitong sagot saakin. "talaga ngang bf first before bff na pala talaga ha" pagmamaktol ko ...kahit na alam kong hindi ko talaga siya mapipilit sa pagkakataong ito. " landi mo talaga...hoy wag masyadong makati...bka maging gabi ka niyan teh" dagdag ko pa kay Dana. "ay grabe siya...gabi lang hindi na lang higad mas makati yun bhe" pang-aasar niya saakin. "mag-jowa ka na kasi hindi puro kdrama ka nalang wala kang oppa na makukuha madami kang kaagaw kay park seo joon" mabilis na turan nya saakin. tuloy lang siya sa pagdaldal nya. . "ano ka may jowa na ko noohh di ko lang alam pangalan?" sagot ko sakanya habang nakanguso ako. "...malantod ka talaga...ikaw talaga Dana ...mas marupok ka pa kay Nabi wag mong iniiba yong topic" sabi ko sakanya at natawa ako. " jowa your face! tsaka ba't napasok si na Nabi sa usapan? nasobrahan ka nanaman sa kdrama bawas - bawasan mo nga bhe...sakin si song kang" sambit ni Dana habang humahagikgik ito. Natawa na lang ako sa sinabi niya.Kasalukuyang nasa kwarto na ako at abala sa ginagawang pag-eempake hanggang sa biglang lumakas ang boses nito at kinagulat ko. Nangati iyong tenga ko, naghulugan na ata yung mga tutuli ko sa tenga. "hoy lukaret...napipi ka na ba ha" dagdag ni Dana.... " go on daldal ka lang ..daldal ka lang dyan...hanggang ala una..." udyok ko sakanya at pinagpatuloy niya ang pagsasalita ... rinig ko pa nga pag lumalagok ito ng tubig. Mas bata siya saakin ng dalawang taon pero mas marami siyang alam. Lalo na sa Galawang hukage. Natatawa na lang talaga ako sa kadaldalan nya minsan.Bigla kong pinutol yung kwento niya sa kabilang linya. " pero wait lang daldalita... dala mo ba yung susi mo ng condo... ilolock ko itong condo baka di mo dala matutulog ka sa guard house niyan" biro ko sakanya. " dala ko madam... alam ko namang paalis ka at bago ka pala lumabas...iunplugged mo yung mga appliances pati aircon na din at yung mga gripo... bka bumaha dyan di pa naman ako uuwi.....ng condo mamaya... sosolohin ko si paul my labs"..saad niya sakin sa tono niya ay landi talaga ang mababatid. "alam ba nila tatay na di kauuwi? teka ano kamo...my labs yucks...lantod mo...di naman daks" pang-aasar ko sakanya. "grabe ka...daks kaya...bhe ikaw na lang magsabi sa amin...busy kamo " hirit nito sa akin. "yan tayo eh...pagtatakpan ulit kita dating gawi...bubudulin ko ulit sa pagkain eh noh oh siya daks na kung daks daizz...baba mo na tapos na kung magempake madam" saad ko sakanya. "pasalubong ha...ingat ka sa pag-dridrive wag na naman parang fast and the furios...di ka si michelle rodriguiz ha at lalong wag kang basagolera bye...lab yu " pahabol pa siya sakin at binaba agad. "lab....binabaan ako ng telepono ng makiri..." nailing na lang ako at napangiti kay Dana. Samantalang okay na yung mga dadalhin ko. Mabilis akong naligo at gumayak sinigurado kong maayos ang condo bago ko ito isara. Mahirap na wala pa naman kaming dalawa. Apat na taon na kaming magkasama ni Danita.. sa condo pareho kaming nasa internship pero sa magkaibang trabaho at kompanya .Ako ay sa isang private company samantalang sa government internship program si Dana. Hila-hila ko ang maliit na trolly bag ko na may nakapatong na hand carry bag sa ibabaw nito. Isinuot ko yung Black drawstring hoddie na regalo sakin ni Dana nung sumahod siya at denim 3/4 pants with matching white rubber shoes na binagayan ko ng salamin na walang grado na may silver frame...liptint at moisturizing cream lang ang nilagay ko sa mukha para fresh fresh lang ang datingan since naka kotse na man ako di na kailangan pang magmakeup... nagsuot din ako ng itim na cap habang ang buhok ko ay nakasukbit sa adjuster ng cap para tila nakatali ito. Nakasling bag rin ako na tanging cellphone at maliit na wallet kasya lamang ang mga ID at atm ko at kunting cash incase di sila tumatangap ng card bilang bambayad. Mabilis na tinungo ko ang elevator na papuntang basement parking area. Pagdating sa parking area ay agad kong naglakad sa direksyon ng kotse ko kasabay ng pagpindot sa car key para agad na bumukas ang likurang bahagi ng sasakyan ko at isinakay ko ang mga dala kong bagahe mabilis na sinara at sumakay agad ako sa kotse. Nasa driver seat na ko bago ko pihitin ang susian ay sinipat ko muna ang oras saking cellphone 2:30 pm. " para tayong gagabihin self , arat na bhe" sabi ko sa harap ng manubela at agad na isinuot ko ang seat bell tsaka pinasak ang ear buds sa parehong butas ng tenga ko at nilagay sa harapan ang cellphone ko...at agad na pinaandar ang kotse palabas sa lugar. . . . ------------------------------------------- . . . Inabutan ko ang mahabang pila sa toll plaza papuntang south. "aabotin tayo ng siyam-siyam sa may toll plaza self " sambit ko ulit sa sarili. Traffic palabas ng maynila ...sinipat ko ang orasan sa cellphone 4:35 pm. May pinindot akong number sa cellphone gumawa ako ng voice message...nagsalita ako gamit ang ear buds na suot ko. " uhm....bka gabihin na ko sa daan...traffic palabas ng syudad... mauna kayong magdinner hahabol ako..." agad na pinindot ko ang konektor sa ear buds ko...para tapusin ang vouce message. Rrelax lang na nakamasid ako sa hilera nang mga sasakyang kasabayan ko sa daan , iIang minuto pa ang nakalilipas nang biglang nag-ring ang phone ko " Daddy " ang pangalan na nakalagay sa screen. Agad ko itong sinagot. " uh... bakit? nasa byahe na ko ?" sagot ko sa tumatawag "MJ... how many times do I have told you... agahan niyo ang pagbyahe...padilim na... the road is dangerous at night lalo na't pauwi kayo." nag-aalaa nitong saad saakin ng ama ko na mejo may pagkainis sa boses nito. "sorry...I'm on the now by myself...Danita didn't accompany me...Meron siyang appointment this weeknend.eh" paliwanag ko kay das sa kabilang linya.. "sana pala pinasundo niyo ako dapat sa tutubi niyo para hindi traffic" Dagdag kong biro. "... i am sorry. dad...relax lang kayo...ioopen ko na lang yung gps capsule ko okay...don't worry too much...on the way pa lang ako imonitor niyo nalang ako sa tracker niyo." bilin ko kay dad. "okay iupdate mo ako o si john from time to time mainit ang pulitika ngayon dito hija..." dagdag nito sakin. Tumango na lamang ako sa kanya. Kasalukuyang nakalabas na ko sa toll plaza at binabaybay na ang daan patungong timog. habang nagmamaneho ay kausap ko parin si dad. "okay.... don't worry kargado ako dad" paniniguro ko sa kanya napabuntong hininga na lamang ito sa kabilang linya. "Dad...okay lang ako...I'll be safe... uuwi akong buo okay" paniniguro sakanya bago niya tinapos ang tawag. Naalala kong muli kung paano naging interesado ako sa mga baril at sa target shooting. . . . FLASH BACK 8 YEARS AGO . . . Nakamasid lamang ako sa mga nakaharap na kalalakihan sa firing area sa may kampo. Sinama ako nang aking ama at ng talto ko pang mga kuya si Simon, Mark at John dahil wala akong kasama sa bahay at dahil kasalukuyang nasa amerika ang aking ina kasama ang aking lola na si doña margarita. tanging si lolo lang ang naiwan...teenager pa lamang ako noon. "dad,i also want to learn that? " sabay turo ko sa lalaking namamaril sa shooting booth. "That is not for you hija..it is too dangerous...baka mahirapan ka lang Anak" paliwanag ng aking ama. " hindi ako natatakot dad..i am sure magagamit ko yang skills pagdating ng panahon.... gusto kong subukan... nathri-thrill akong subukan" pagdadahilan ko " please...just this once please" dahil sa kakulitan ko ay pinayagan ako ni dad. Nagkibit balikat na lamang ito at pinayagan na ako ngunit nilihim namin sa aking ina hanggang sa nag-18 na ko. Labing anim na taon gulang palang ako nang mawili ako sa paghawak ng baril. Bago pa ako matuto sa pamamaril ay marunong na ko sa self-defense at judo kasabay ng mga kapatid ko. Requirement kasi ito ni Dad samin incase na kailanganin namin. "MIA pull the trigger ang hold it tightly, don't put pressure on it, relax ka lang" anas ng couch na kinuha ni dad. "paano po ba? ganito ba? " sunod-sunod na kinalabit ko ang baril nitong hawak... Walang bahid ng takot at pag-aalinlangan, kinalabit ko ang trigger ng baril kong hawak. Nakakabingi man sa una ay nasanay na din ako at tila ba nagugustuhan ko talaga ito lalo na pag sumasabak kami sa drills at shooting exercises sa kampo dati. Matapos ay tinuloy-tuloy ko at ng mga kapatid ko ang pag-iinsayo sa paghawak ng baril.... . . . END OF FLASH BACK . . . ------------------------------------------- . . . Habang binabagtas kong ang kalsada patungong hometown ko ay biglang kumulo ang aking tyan nakaramdam ako ng gutom dahil kung tutuusin ay wala pa akong normal na kain tanging loafbread at milktea lang ang nalalaman ko sa tyan mula pa kaninang tanghali. Lumagok ako ng tubig upang maibsan ang aking gutom. Kasalukuyang nasa provincial area na ko. Limang bayan palang ang nadadaraan ko.Sumabay Pa ang mahinang ulan na lalong nagpahirap sa pagmamaneho ko. Naisipan kong magstop-over sa sunod na bayan kung saan maraming restaurant and hotel. "Apat na bayan pa bago tayo makarating sa bahay self...chibugan muna bago ulit byahe.." sambit ko sa loob ng kotse ko habang nagmamaneho. 7:40 na ng gabi dinner na nga, kailangan ko na rin kumain mabilis akong naghanap ng makakainan ngunit wala akong mapaparkingan. "thank god its friday daiz...hirap maghanap ng parking daming tao..." pagtitimpi ko sa sarili..lahat ng restaurant na gusto kong kainan ay punuan meron akong na daanang restaurant kaso wala itong sariling parkingan kaunti lang ang tao. Biglang nag-ring ang aking phone at si Kuya Simon ang tumatawag. "hello sir, bakit?" tanong ko sakanya. "Mj, sabi ni dad, on the way kana daw? anong location mo? " maotoridad na tono ng kapatid ko. "ha! uhm...papasok pa lamang ako nang probinsya.Bakit?" pagdadahilan ko ....kasi siguradong ipapamonitor nanaman ako nito sa mga pulis at checkpoint sa bawat bayan. Gobernador ng lalawigan si Kuya Simon...nasa mid-40s pa lamang ito pero malayo na ang naging posisyon niya naalala ko pa dati ay kapitan lang siya ng poblacion. Nagsalita ulit ito. "Kumain kana ba? dadaan ka ba ng syudad?"tanong nito sa akin. "Tapos na..." pagdadahilan ko "Di ko pa sure eh! Tatawag ako kung makakadaan ako sayo eh, Wala ka ba sa hacienda?" saad ko sa kanya. Close kami ni Kuya Simon kaya Lang ayoko na over protective niya sakin, pinakamatigas ang ulo kaya laging niya kong binabantayan noon. "Nasa syudad ako ngayon, okay tawagan mo ko if ever nasa province ka na baby girl" may lambing sa tono nito. "okay...baba mo na kuya, lab you" sagot ko sakanya. Pinasadahan ko lahat ng mga restaurant at resto bars kaso punuan ang paradahan kaya no choice ako kung hindi pumarada sa malapit na parking for rent. Bago ako bumaba chenick ko muna yung gps at navigator ko ganun din ang dash cam ko sa harap at likod turo sakin ng kuya Mark ko ito. Incase looban ang sasakyan ko o may masamang mangyari sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD