MIA's POVs
Mabangong amoy nang fresh brewed coffee , sinangag at bread toast ang gumising sa akin. Tinatamad akong naupo sa sofa nang sala namin, dito ako inabutan nang antok kagabi. Medyo malayo ang dining namin sa kinaroroonan ko, may sliding glass door din sa pagitan ng living room. Kinusot ko ang aking mga mata at nag-inat nang sandali. Sinipat ko ang aking cellphone 5:30 ng umaga. Batid sa labas ng bahay namin na Medyo madilim pa. Nakaramdam ako ng gutom sa amoy ng sinangag , nagpasya akong tumayo, dinampot ko ang aking cellphone at sipilyo na nakapatong sa lamesitang katabi ko.
Pahikab pa akong tumayo , patungo ng dining area.Naabutan ko si kuya simon at si dad sa harap ng hapagkainan. Hindi pa man ako tuluyang napasok sa dining area. Muntik nang maibuga ni kuya yung kapeng inom nito.
"Missy!" Sambit ni kuya.
" Good morning everyone do you miss me" masigla kong bungad sakanila.
" Good morning hija!" Walang reaksyong bati ni dad habang ang focus niya ay ang news sa tablet na nakapatong sa gilid katabi ng kape niya.
"Missy, look at you , para kang bruha, mag-ayos ka nga" iritableng sabi ni kuya simon sa akin. Nagflip ako nang buhok sakanya " eh di baleng bruha ...pinakamagandang bruha naman diba dad" pabiro kong sabi sakanya. Nalingon lang sakin si dad. Pero inasar din ako.
"Pinakagwapong bruha...to be precise" seryosong saad ni dad sa akin. Tumawa silang dalawa. Pinagkaisahan nila ako.
"Bala kayo... kampi kayong dalawa..hmmmp" tinungo ko ang wash room bago magkitchen.
Nakasimagot akong pumasok sa pinto ng wash room dahil inis ako kay kuya at dad. Kakauwi ko pa lang puro na pang-aasar ang inabot ko. Inayos ko ang aking itsura.
Pinusod ko pataas ang aking buhok in a messy look bun. Nagsipilyo at naghilamos ako. Nasa bungad ng kitchen sina mommy , dala ang iba pang breakfast. Palabas na rin ako mula sa banyo" good morning mom" bati ko sakanya.
" good morning sweety, kain na tayo" aya niya sakin agad ko siyang hinalikan ito sa pisngi habang nakayakap ako sa kanyang tagiliran.
"Mom paluin niyo nga po si kuya at dad" palabi akong tumingin sa aking mommy.Palapit na kami sa mesa.
" inaasar nanaman ako... bad sila"
Sumbong ko sakanya.
" kayong mag-ama... lubayan niyo mga si Mj... umagang-umaga ha...inaalaska niyo na."
Sita ni mom sakanila. Nagpeace sign si kuya sakin. Si dad naman walang imik pero may pilyong ngiti.
Taimtim kaming nagdasal sa harap ng hapag. Nag-umpisa na kaming kumain. May nakahain na tinapay, scrambled egg, bacon , sinangag, spam at prutas. Pinagtimpla rin ako ni mommy nang kape na may gatas. Natigil ako sa pagsubo nang tinawag ni dad ang atensyon ko.
" your kuya...told me you were with him last night..." seryisong tanong ni dad.
" opo nag pasundo po ako" sagot ko at tinuloy ang pagnguya. Naisip ko bigla ano naman kaya ang sinabi ni kuya sa daddy namin. Tumingin ako kay kuya na puno nang couriosity. Subalit tumango lang siya. Ibig sabihin na nothing to worry about. Ngumuso lang ako sakanya. Muli akong sumubo ng sinangag.
" napagod ka raw sa pagmamaneho mo... saan ka sinundo ng kuya mo kagabi? " seryosong tanung sakin nang hindi niya ko linilingon at nagpatuloy sa pagkain.
"Sa san pascual po dad..."-mia
"We ate in a chinese restaurant near the beach cove" confident kong sagot , ngunit ramdam ko ang sobrang kaba. Tumango naman si dad.
"But next time...i won't allow you to travel or even drive by yourself...ipapasundo ka namin... Naintindihan mo ba hija" maotoridad na tono ni dad sakin.
Sumang-ayon na lamang ako. At nagpatuloy sa pagkain.
Tapos na kaming mag-almusal. Tumikhim ako at nagumpisang magsalita.
" dad? " tawag ko sa ama ko.
" bakit?" inangat niya ang kanyang tingin sakin.
" dra. charm invited me to have a get together mamayang hapon? with aivee..." paalam ko sakanya.
" alright, you can have mang efren to drive you there" bigay permisso niya.
" but dad, pwede ba akong umalis mag-isa? I mean magmamaneho mag-isa?" Dahilan ko. Nangunot ang noo niya. Nalingon naman ako kay kuya simon at mom. Tahimik lang sila.
Nakikiramdam kay dad, dahan-dahan ibinaba ni dad ang hawak nitong tablet. Sobrang seryoso niya akong tinitigan. Nakakapaso at intimidating tapos wala pang imikan. Jusko para akong batang anumang sandali ay paparusahan. Tumikhim siya.
" ano ba ang schedule mo today hija?...you are a grown up already MJ.. I wanna remind you iba ang probinsiya...always stay away from violence and fights?" Paalala niya sakin at pinagbigyan ako.
" i know dad... kaya ko naman ang sarili ko ang don't worry "
" I will keep myself away from danger"
" Gusto kong dalawin ang puntod ng mga magulang ko, then mag-mamall lang ako after lunch didiretso na ko sa meeting place namin." Sabi ko sakanila.
" alright... may tiwala ako sayo hija"
" icontact mo ang mga kuya mo incase may mangyari ...naintindihan mo ba" dagdag niya sakin. Tumango ako. At nilapitan siya para yakapin. " Thanks daddy".
.
.
.
----------------------------------------------
.
.
.
Pasado alas otso na nang umaga. Nakaupo ako sa relaxChair sa may terrace sa ikalawang palapag ng bahay. Nasa gawing likuran ito.Nakaharap sa malawak na lupain ng aming pamilya.Tanaw ko ang malawak na taniman ng tubo. Tanaw din ang mga kambing at baka sa kalayuan. Nalamig at sariwang hangin ang dumadampi sa aking balat. Nakaka-relax tinatangay ako nang antok. Habang ako ay nakasandal na upo sa relax chair ramdam ko na may makatayo sa aking likuran. Nagmulat at Tumingala kong sino ang nakatingin. Si kuya john at Mark nakangiti na nakadungaw sakin. Napatayo ako at niyakap nila akong dalawa.
" welcome home little missy" duet nilang sabi. Hinalikan ni kuya john ang buhok ko.
" na-miss ko kayo" bulong ko nang mahina.
" hmmmp... bantot ng buhok mo" bulong ni kuya john sakin, nagngiwi pa nang mukha.. Humiwalay ako sa pagkakayakap nila sakin.
Sad face akong tumingin sakanila. Tumalikod ako at tsaka pasimpling inamoy ang buhok ko. Mabango naman bulong ko sa isip at ngumuso ako." naligo na ko..." singhal ko.Tsaka ako humarap sakanila , pinag-ekis ko ang aking mga braso. Tumingin ako sakanila nang matalim.
" bro...wag mo na ngang asarin..lumalaki iyong butas ng ilong niya baka masinghot ka" dagdag ni kuya mark at may pilyong ngiti pa.
"Pati ba naman ikaw...mang-aasar rin... agahan niyo ba ang mang-asar...sana pala di na lang ako umuwi...kuta na ko sainyo, si kuya simon , si dad , tapos kayong dalawa... pinauwi nyo ba ko para asarin lang ha" maktol kung sabi at linampasan silang pareho. Papasok na ko sa loob . Lumingon pa ko sakanila na mau matalim na tingin, nagtuturuan silang dalawa dahil sa ginawa nila sakin. Nananahimik kasi ako eh. Bulong ko sa isip ko. Nagpapadyak akong pumasok sa akingsilid.
.
.
.
----------------------------------------------
.
.
.
.
.
.
Bitbit ko ang silver paper bag na merong laman na slip on sandal at maliit na pink classy shoulder bag.Pababa na ko nang hagdan nang mabungaran ko ang dalawa kong kapatid si john at mark. Araw nang sabado wala silang trabaho sa office. Silang dalawa ang katuwang ni dad sa pamamahala sa kompanya ng pamilya at sa azukarera ng hacienda. Lalagpasan ko na sana sila nang tawagin nila ako.
" hey missy, going any where?" -john
" sa lugar kung saan wala ka " umirap ako nang matindi. walang gana akong lumingon sa direksyon nila.
" sungit ah... " lumapit sakin si kuya john ,mahigpit niya akong niyakap . matangkad si kuya john 5'11. Ako 5'6" lamang.
" sorry na baby " tinulak ko siya bilang tampo pa ko sakanya ngunit hinigpitan niya ang pagkakayakap.
" galit ka pa ba" nasa ibabaw ng ulo ko ang baba niya at himas niya yung buhok ko astang sweet, well galit parin ako sa loob ko.
" pasensya kana missy" si kuya mark with matching flying kiss pa ang bugok. Inirapan ko ulit silang pareho.
" sige na alis na ko " humiwalay ako kay john.
" bye " mabilis akong naglakad at iniwan sila sa tapat ng dining area. Tanaw lang ako ni kuya john at napapahilot sa kanyang batok habang nasa direksyon ang tingin niya kay mark.
Nadaanan ko si mommy sa patio nang garden niya. Humalik ako at nangpaalam. Nasa farm daw si dad para sa gaganaping anibersayo ng kamatayan ni lola. Tumango ako sakanya bilang pang-sang ayon.Tinawag niya si aling cedes , isa sa mga gardener ni mommy sa hardin nito.
Sakay na ko nang sasakyan. Binaba ko ang bintana sa gawi ko. Inatras ko yung sasakyan ko. Para imaneobra. Kinawayan ako ni aling cedes mula sa malayo sabay taas ng dalawang basket ng bulaklak at mga prutas na request ko para sa lolo ni Dana. Sumenyas ako.. sakanya upang lumapit kasama si tonyo na bitbit ang basket ng prutas. Bumaba ako sa sasakyan at binuksan ang likuran ng sasakyan para ilagay ang mga bulaklak at prutas. may kasama pa itong dalawang baso ng kandila.
Nagpasalamat ako at agad na umalis.
Pasado alas nuwebe imedia nang umaga dumaan ako sa bahay nila Dana. Huminto ako sa tapat nang gate ng bahay nila. Agad akong pinagbuksan ni lola gloria. Nag-mano ako at binati ang mga matatanda.Nasa labas din ni aling tina, mama ni Dana.
" heto po pala... para po sainyo lalo na kay lolo." Sabay abot ng basket ng prutas.
"Salamat apo...nag-abala ka pa." Ani lola gloria.
"Wala po yon para po kay Dana at para sainyo 'la..'lo" Ngiti kong saad.ngiting-ngiti si lolo danilo at patangu-tango pa.
" Naabala ka pa tuloy apo...may pupuntahan ka ba ? apo..." usisa ni lola gloria.
" uhmmm...opo dadalaw ako sa puntod nila mama." Sabi ko. May lungkot akong natanaw sa kanilang mga mata. Tinapik ko lang ang balikat ni lola gloria at ngumiti ako habang tumatango.
Pinisil ni lola gloria ang aking kanang kamay. Tanda na nakikisimpatiya siya sakin.
Matapos ang maikling kamustahan ay nagpaalam na ko sakanila.
.
.
.
---------------------------------------
.
.
.
Nasa kabilang bayan ang memorial park, Inabot ako ng trenta minutos bago makarating dito. nasa tapat na ko ng musileyo nang mga magulang ko " montecarlos " ito ang nakalagay sa tapat ng gate.
.
.
" Ma. Mirasol A. Montecarlos"
" Fernando S. Montecarlos"
.
.
"Hi ma,pa... kamusta na ? Natagalan bago ko kayo nadalaw, sana wag kayong magtampo. Okay na okay naman ako ma,pa"
Parang may bumara sa aking lalamunan at napapalunok ako taimtim kong sinindihan ang kandilang dala ko.
" ...namimiss ko na kayo mama , papa..." tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha. At garalgal ang aking boses
" alam niyo po , mahal na mahal ako nila kuya simon , kuya mark at kuya john... lagi nila akong inaasar...para silang sira..." pagsususubong ko pa. Naupo ako sa harap nang kanilang himlayan. Nag-indian set ako. Muli akong nagsalita habang abala ang aking daliri, paikot ikot lamang ito sa marmol na sahig.
" Masakit parin sakin na lumaki akong wala kayo sa tabi ko... hinahanap hanap ko parin kayo...
na balang araw mabubuo pa yung pamilya natin... hindi man nagkulang sina tito manuel at tita sonia...umaapaw pa nga yung pagmamahal nila sakin at nang buong hacienda. Pero kulang, may kulang ma, pa kayo ang kulang sa buhay ko... minsan lungkot yung kalaban ko kahit di ko na kaya...kinakaya ko parin. Yung lungkot at sakit... na wala na kayo... na iniwan niyo kong dalawa... " matamlay akong tumitig sa larawan nila sa may lapida. Hinaplus haplos ko rin ito. At sige parin ang agos ng luha sa aking pisngi.
"Ma,pa masaya ako kasi magkasama kayong dalawa sa heaven... kahit papaano tanaw niyo ko mula dito sa baba... kasing ganda na kita ma...mahal na mahal ko kayo. Sana iguide nyo rin ako sa tamang taong iibigin ko at mahahalin ako..parang kayong dalawa. Lang... " binalot nang katahimikan. Ang paligid umiyak lang ako nang umiyak dala nang sobrang pananabik ko na mayakap ang mga magulang ko ...masakit isipin na kahit gaano pa ang pangungulila ko sakanila ay imposible ko na silang mahagkan.
" Hindi na kasi kayo babalik pa sakin kahit kailan" yumuko ako ay umiyak nang umiyak na tila wala nang katapusan pa.
Nakaupo parin ako sa sahig na marmol, yakap at nakapatong ang aking noo sa aking mga tuhod at patuloy na umiiyak. Naramdaman kong may yumakap sakin mula sa likuran ko.Hindi ako kumibo at sa aking posisyon.
"It's okay missy...mahal ka namin di ka namin pababayaan" boses ni kuya simon iyon. Agad akong tumayo at yumakap nang mahigpit sa kuya ko. Yumakap din si kuya john sakin , si kuya mark tapik ako sa braso. Lalo akong umiyak siniksik ko ang aking katawan sa kanilang dalawa.. Narinig ata ako nila mama at papa.bulong ko sa isip ko. Biglang dumating ang mga kapatid ko.
" taha na baby...papangit ka niyan lalo" biro ni kuya john sakin. Binatukan ni kuya mark si kuya john. Nailing na lang ako habang yakap parin ako ni kuya simon. Humiwalay ako at yumakap din kay kuya mark.
Pinalis ni kuya mark ang luha ko.hinawi din niya ang buhok ko sa mukha.
Humihikbi at malalim na paghinga ang pinapakawalan ko para gumaan ang aking dibdib.
Nasa likuran ko naman ang dalawa ko pang kuya.
" bakit kayo nandito? Why? How come you all here?" Tanong ko habang nakaakbay si kuya mark sakin.
Si kuya mark ..." naguilty kasi yung bugok diyan."
Si kuya john ..." pati rin kamo ikaw " asar niya rito.
" they told me, sundan ka raw namin..and nagulat kami nang makita ka naming iyak ka nang iyak" paliwanag ni kuya simon." we can't help it...to see you crying" formal na tono ni kuya simon.
" it was our first time seeing you cry so hard, I personally ! nasaktan ako. Unexpected missy" dagdag ni kuya john.
" may I ask you this baby! It wasn't your first time to do that? Aren't you?" Si kuya mark
Umiling ako sakanila. May lungkot sa kanilang mata at awa sakin. They all knew what i have been through. The saddest part of my mem'ries is tough.
"Halika ka nga dito" yakap ako ni kuya john. Hinalikan pa ko sa noo.
Hindi maipagkakaila ang pighating dulot sakin nang malagim na insidente noon.Sumailalim ako sa psychological treatment noong bata palang ako 6 months of disstressing dahil sa insidente na aking naranasan.
It takes a year and a half for me to recover and 3 months of evaluation.With the help of the people around me. I took the courage to face the reality habang lumalaki ako ay dahan-dahan na pinaunawa nila lola margarita ang nangyari sa aking mga magulang. They let me join practices and enrolled me in different activities. To gain my social awareness and lessen my worries and doubts. Natuto ako ng self defense, archery , kick boxing , judo at taekwondo. Kahit sa target shooting nagustuhan ko rin. Naging reverse psychology ito. They let me face the things that scares me the most.
Kaya siguro naging boyish din ako dahil sa mga tinuturing kong kapatid despite na adopted child lamang ako ng pamilya ni tito manuel.
.
.
.
-----------------------
.
.
.
Kasalukuyang si kuya simon na ang nagmamaneho sa sasakyan ko. Kasunod namin si kuya john at si kuya mark na dala ang kanya-kanyang sasakyan. Papunta kami ngayon sa isang river farm restaurant. Sabi ni kuya simon masarap daw ang hipon at liempo nila doon. Kaya doon kami papunta.
Dumaan din kami sa milktea cafe. Omorder ako nang iced cold matcha coffee plus extra mint.
Latte silang tatlo. Naging masaya ang lunch naman. Nagsend ng photos si john sa mga magulang namin na may date kaming apat.
" #siblinggoals" Tumawag si mommy sonia , nainggit sa paglabas namin. " eka nga nila na ang lakad na biglaan at wala sa plano natutuloy kesa sa lakad na planado biglang atrasado mas worst kanselado."
Kakaiba ang araw na ito lalong pinaramdam ng mga lalaking ito na my kapatid talaga silang babae.
Naging enjoyable ang bawat moment kasama sila. Natapos na ang aming lunch.
Magkasama si kuya john at mark sa iisang sasakyan pabalik ng hacienda samantalang si kuya simon ay may aasikasuhin sa kabesera nang probinsiya.
.
.
.
Nagtungo ako sa mall para bumili nang dress na maisusuot mamaya sa get together namin.
Alas dos na nang hapon wala parin akong mapili na isusuot. Nakailang pasok na rin ako sa mga stores sa mall. Natanaw ko ang isang boutique sa di kalayuan. Mamahalin ang isang ito.
Pinasadahan ko ang ilang rack at mga estante. Pumili ako nang tatlong option dresses puro above the knee. Isang white off shoulder na sleeves na may sequence sa dibdib na hand knitted / light pink casual style dress / white off shoulder with sleeves above the elbow with small floral print design. Isinukat ko ito isa isa, nakalugay din ang aking mahabang buhok. Nagandahan ako sa off shoulder na puti na may floral design. Nagpasiya akong ito na lamang ang bibilhin.Matapos ko itong bayaran . Nagtungo ako sa lady comfort room upang magbihis. Isinilid ko ang pinagbihisan ko sa dala kong silver paper kanina. Suot ko ang dala kong slip on kanina , na bumagay sa damit kong napili. Isinukbit ko rin ang aking bag na bumagay naman sa damit ko. Nagpaayos ako, sa salon sa loob ng mall .Pinakulot ko ang dulo nang aking mahabang buhok at Nagpaayos na din ako nang kilay sa salon. Inalok din nila akong makeup'an kaso tumanggi ako. Naglagay lang ako powder cream lotion ng kilalang brand. At naglagay ng liptint sa labi ko. Sinipat ko ang aking buong anyo sa malaking salamin.Napanganga na ang mga staff ng salon sakin. Panay papuri ang natanggap ko. Panay naman ako tanggi sa papuri.
" ma'am ang ganda niyo naman"
" Sana all...fresh madam" bulalas ng nag-ayos sa buhok ko.
" ano ka ba hindi naman" ani ko ramdam ko rin ang pagbaga ng aking nga pisngi. Nagpasalamat ako sa mga staff at nagbayad na.
Hindi ako komportable sa akin suot, too sexy for me. Ano pa kaya kung swimsuit na , diba. Hindi naman ako iyong conservative sa pananamit kaso pakiramdam ko para akong nakahubad. I parked my car inside the resort and resto bar na pinareserve ni dra. Charm. Maaliwalas ang ambiance nito. Mula sa kinakatayuan ko ay tanaw ang kalmadong dagat sa ibaba ng parking area kung nasaan ang sasakyan ko kita ang beach cottages na yari sa cemento at nipa. tanaw mula sa dalampasigan. Sa pinaka baba mismo sa buhanginan. Makikita angmini table na may upuan na tila unan. At may maraming ilaw na nakasabit sa paligid nito.
Nasa front desk ako ngayon, para iconfirm ang reservation namin. Alas singko pa daw ang reservation namin. Kaya nagpasya akong magpalipas ng oras sa mini bar malapit sa dalampasigan. Umupo ako sa upuan harap ng mismong counter at umorder ng lemon cucumber cocktail. Umikot ako paharap ng dagat. May mga foreign and local guest na nasa dagat. Masayang nagbobonding medyo mainit pa magAalas kwatro na nang hapon. Nang maubos ko ang inumin ko nagpasya ulit akong maglakad sa may dalamapsigan, hinubad ko ang aking sandals.
Bitbit ang aking sandal. At ginawang bodybag ang aking bag nagaptuloy ako sa paglalakad habang linilipad ang aking magandang buhok.
Nakakasalubong ko rin ang ilang turista , kumakaway sila sakin at ngiti lang ang tungon ko. Kakaiba ang pakiramdam habang pinagmamasdan ang payapang dagat. Nakaharap ako sa dagat at umupo sa buhangin hindi na mainit at sobrang sarap nang hangin na tumatama sa aking balat napapapikit ako.