CHAPTER-15

1968 Words
EZEKIEL P.O.V ? Isang linggo na ang lumipas simula ng lumuwas ako ng maynila para personal na magawa ang mga trabaho kong natambak. Halos lahat kase ng share holders ng kumpanya ko ay nagsisi back out na kung hindi pa daw nila ako personal na makita at makausap. Pinuntahan ko din ang ilan sa mga kaibigan ko at magagaling na doktor para sa lagay ni Maxine. Hindi parin ako makapaniwala sa nalaman tungkol sa lagay nya. Nang gabing malaman ko iyon ay siyang uwi ko dito sa maynila dahil sa emergency na nangyari. Hindi ko na tuloy nakausap si Maxine tungkol sa lagay nito. Pinipilit kong maayos ang lahat ng gawain dito para kaagad na makabalik ng probinsya. Gusto ko siyang i comport para malaman nito na kahit anong maging lagay nya ay wala akong pakialam at sasamahan ko siya hanggang sa huling hininga dahil ganon ko siya kamahal at seryosong seryoso ako sakanya. "The hell Gab! Wala nabang ibang pwedeng gawin para sa sakit nya? How about surgery?" Napapataas ko ng boses sa kausap ko sa kabilang linya dahil sa ibinalita nito tungkol sa kaso ni Max. "I'm sorry bro! Kung tinaningan na ang buhay ng tinutukoy mong pasyente ay wala na tayong magagawa." Paghingi ng paumanhin nito dahil sa kawalan ng magagawa. "How about cemo? Na try na ba niya iyon? but i don't think i susuggest pa ng doktor nya iyon kung may 6 months nalang siyang natitira. baka nga hanggang doon nalang talaga" Muli ay sabi nito sa napapabuntong hininga na animoy nae-stress na din sa kaso na pinaparesolba ko sakanya. "No! That can't be! Hindi pwede!" Histeryang sabi ko saka ko hinihilamos ang isang palad sa mukha ko. "Sino ba kase ang pasyenteng yan? At bakit nagpapaka stress ka ng ganyan" Kuryoso na nitong tanong. "She's... She's the one that i love Bro" Maiiyak ko ng sagot dito na kina tahimik nya sandali bago sumagot sakin. "Mukhang tinamaan kana" Tanging nasabi nalang nito saka na nagpaalam dahil may surgery pa daw siyang aasikasuhin. Pinilit kong tapusin lahat ng paper works ko sa araw na ito dahil balak ko ng bumalik bukas sa probinsya para maalagaan si Max at masamahan ito. Lahat ng meetings at gaddering na kailangan kong puntahan sa susunod na araw ay pina cancel ko. I don't f*****g care kung magsi atrasan lahat ng share holders ko basta ang importante sakin ay makita at makasama kong muli si Max. I want to spend my whole time with her. I want to be with her no matter what happen. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sakin baka ikamatay ko din dahil siya na ang pinangarap kong makasama habang buhay na sa tingin ko ay hindi na mangyayari dahil sa inamin nitong lagay nya. Napabaling ang tingin ko sa isang pulang box na naglalaman ng gold ring. Balak ko na sanang mag propose sakanya nung isang araw bago mangyari ang pagkawala nito ng malay at pag amin nito sa totoong lagay nya. Alam kong mabilis ang lahat ng pangyayari para saming dalawa. Oo nga't bago palang kami pero masisisi nyo ba ako kung sakanya ko talaga nakita at nahanap ang totoong pagmamahal na hindi ko nakita sa mga babaeng dumaan sa buhay ko? Sa labis na pagmamahal na nararamdaman ko sakanya ay binalak ko ng yayahin siyang magpakasal na naudlot lang dahil sa lagay nito AUNTIE LUCIA CALLING.... "Yes Auntie?" Sagot ko dito. "Nasa hospital ulit Max anak. Isinugod sya kaninang umaga" Nasa tono nito ang pag alala. Mabilis akong natigilan sa ginagawa dahil sa sinabi nito. Natuod ako sa kina uupuan ko dahil sa nalaman na nasa hospital muli si Max. "I'm on my way there Auntie" Wala sa sariling sagot ko dito saka na ibinaba ang tawag nya na hindi na hinihintay ang sasabihin pa nito. Mabilis akong lumabas ng opisina ko at tinungo ang mesa ng sekretarya kong si Lucy. "Lucy cancel all my apointments today and to 3 months left" Bungad ko dito na kina gulat nya. "What Sir? Paano ko po iyon gagawin?" Nagtataka nitong tanong na kina pikit ko ng mariin. "I don't care kung paano mo iyon gagawin. Gawan mo nalang ng paraan dahil aalis ako at matagal akong hindi babalik. i Email mo nalang sakin lahat ng dapat kong gawin" mahabang lintaya ko na tinanguan nya agad dahil sa takot. Mabilis ang naging lakad ko paalis ng kumpanya. Umuwi muna ako ng bahay para makakuha ng ilang mga gamit ko. Nadatnan ko si Mommy sa may living area at parang hinihintay talaga ang pagbaba ko galing ng kwarto ko. Tangay ang isang maleta ay bumaba na ako at dinaluhan ito para makapag paalam. "Are you leaving? Where are you going?" Takang tanong nito ng makita ang dala kong maleta. "Going home to province Mom. My girl is in the hospital" Sagot ko dito na kina noot ng noo nya. "Your what?" Takang tanong nito muli. "I'll explain it to you some other time Mom. For now, i have to go" Sagot ko nalang dito. "How about your work?" Muli ay tanong nya. "I don't care anymore! If you want ibigay mo sa iba! Basta ako aalis ako" Napapataas ko ng boses na kina gulat nya. Nang hindi na ito naka imik ay mabilis na akong lumabas ng bahay at tinungo agad ang sasakyan ko. Alastres na ng hapon kaya gabi na ako makakarating sa probinsya. Kulang nalang ay paliparin ko ang pag andar ng sasakyan ko para makarating lang agad sa pupuntahan. Nagsisisi tuloy ako na iniwan ko si Max para sa emergency sa kumpanya. Hindi na sana ito muling isinugod sa hospital kung naalagaan ko lang ito at nanatili sa tabi niya. Pagdating sa probinsya ay dumiretso na ako sa hospital kung saan nagtatrabaho si Marky. Alas otso na ng gabi ng makarating sa tapat ng pinto ng kwarto ni Max. Si Joyce, Tita at isang may edad na lalake ang nabungaran ko sa kwarto. Nang makita nila ako ay nagulat si Tita, kunot noo naman ang lalake habang si Joyce ay nanlikisik ang mga matang naka titig sakin. "Ang kapal naman ng mukha mong magpakita dito!" Gigil na sabi ni Joyce sakin at akmang susugurin nya ako ng mabilis siyang pigilan ni Tita. "I'm sorry. M-may emergency lang kase kaya kinailangan kong umuwi" Paliwanag ko dito na inirapan lang nya. "Ang sabihin mo naduwag ka dahil sa nalaman mo! Duwag!" Muling singhal ni Joyce sakin na kina tungo ko. "Tama na yan ija. May dahilan siguro siya kaya sya umalis" awat ni Tita dito kaya nanahimik na din si Joyce. "Siya ba si Ezekiel?" Pagkuwan ay tanong ng lalake kaya napaangat ako ng tingin dito. "Oo siya nga" Nakangiting sagot ni Tita dito. Tumayo ang lalake at nilapitan ako saka nito inilahad ang kamay sa harapan ko para magpakilala. "Im Maximore Mendoza. Papa ni Maxine" Pakilala nito na kina gulat ko kaya mabilis kong kinuha ang pakikipag kamay nito para magpakilala. "Ezekiel po. Ezekiel Vendelton" Magalang na pakilala ko dito na tinanguan nya saka ako nginitian ng tipid. "Kilala na kita ijo. Simula ng maging kayo ng prinsesa ko ay palagi ka nyang ibinibida sakin" Pagkuwan ay kwento nito na kina ngiti ko ng palihim dahil sa nalaman. Pasimpleng kinilig dahil sa nalamang ikinukwento ako ng babaeng mahal ko sa Ama nito. "Pwede ko bang malaman kung bakit mo iniwan ang anak ko matapos mong malaman ang totoong lagay nya?" Muli ay sabi nito saka ako pinalabas sa kwarto para masinsinan nya akong makausap. Medyo kinabahan dahil sa presensya nya pero pinilit kong magpakatatag para masabi dito ang totoong dahil ko ng pag alis. "To be honest po ay nagulat ako sa nalaman ko. Hindi ako agad nakapag isip dahil hindi po matanggap ng utak ko na may sakit siya and worst is may taning na ang buhay nya. Umuwi po ako ng maynila dahil sa emergency sa kumpanyang pinapalakad ko. Gusto ng magback out ng mga share holders ko dahil hindi na nila ako personal na nakikita at nakakausap" Mahabang lintaya ko dito na kina tango tango nya at parang naghihintay pa sa sasabihin ko kaya nagpatuloy pa ako sa pagsasalita. "Kinausap ko din po ang mga kakilala ko na magaling na mga doktor para mabigyan ng solusyon ang lagay ni Maxine ngunit lahat po ay sinasabing wala ng magagawa kaya halos mabaliw ako dahil sa frustration na nararamdaman. Mahal ko po ang anak nyo sir at hindi ko po kaya kung mawala siya" Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko dahil lang sa pagsasabi ng dahilan ko ng pag alis. "Tinawagan po ako ni Auntie Lucia kanina at sinabing isinugod daw po ulit si Max dito kaya kahit tambak pa ang trabaho ko ay iniwan ko na para lang makarating agad dito. I'm Sorry po" Humahagulgol kong patuloy na sabi. Tinapik nya ako sa may balikat na nagsasabing malalagpasan din namin ito. Kita sa mga mata nya na nasasaktan din ito sa lagay ng anak nya pero gaya ko ay wala na ding magawa. Nang makalma ang sarili ay sabay kaming pumasok sa loob ng kwarto ni Max. Inabisuhan ko na sila na umuwi at ako na ang bahalang magbantay kay Max. Sa una ay ayaw pa ni Tita ngunit ng makausap nito si Tito ay napapayag na din kaya ngayon ay ako nalang ang bantay nito. Nang makalapit sa kama ni Max ay pinasadahan ko ito ng tingin. Muling naglandas ang mga luha ko dahil sa itsura nito. Ang dating maputla na nitong mukha ay lalong pumutla, maging ang mga labi nito ay wala ng kulay, nalagas na ng tuluyan ang buhok nya pero hindi parin iyon nakabawas sa angkin nyang ganda. "I'm sorry Babe" Umiiyak kong bulong sakanya saka ito hinalikan sa noo at isinikop ang kamay ko sa kamay nitong nakadantay sa higaan. "Hinding hindi na kita iiwan. I'm really sorry" Muli ay paghingi ko ng tawad saka ko hinalikan ang kamay nyang hawak ko. Bigla nitong pinisil ang kamay ko kaya gulat akong napabaling sa kanya na ngayon ay naka mulat na ang mga mata. Napangiti ito ng maaninagan ako kasabay ng pagpatak ng luha sa pisngi. "I know you'll comeback" Paos nitong sabi na tinanguan ko. "Hinding hindi na kita iiwan" Umiiyak kong sabi dito saka siya niyakap ng mahigpit. "Promise?" Napapa ngiti nitong tanong na tinanguan ko ng sunod sunod "Promise! Cross my heart" Sagot ko dito na sabay naming kinatawa. Inalalayan ko itong maka upo para mapakain ko siya at mapainom ng gamot. Sa una ay wala daw siyang gana dahil sa nakakabit na swero sakanya ngunit pinilit ko parin itong kumain para magkaroon siya ng lakas at enerhiya. Napakatamlay kase ng itsura at katawan nya kaya pinilit ko lalong kumain siya. Maging ang gamot at tinanggihan nya nung una dahil wala na daw bisa yon pero pinilit ko parin hanggang sa mapapayag siya. "Where do you want to go paglabas natin dito?" Pagkuwan ay tanong ko sakanya habang nanonood kami ng movie sa flat screen tv na nandito sa kwarto nya. "Gusto ko sa bahay mo at magkulong kasama ka" Pilya nitong sagot na kina ngisi ko. "Ikaw huh? Nagiging naughty kana" Biro ko dito na pinamulaanan nya sa kabila ng pamumutla ng mukha nya. "I want to experience something new to me before i go" Muli ay sabi nito na mabilis kong inilingan. "Shh! Don't say that okay? And to your dreams? We will fulfil all of that paglabas natin dito" Sabi ko dito saka siya ginawaran ng halik sa labi na nagtagal lang ng ilang sigundo. Inalalayan ko na siyang mahiga para makapag pahinga na, na agad nyang sinunod. May dumating na isang nurse at may itinurok na gamot sa I.V nito na nagpatulog na sakanya. Isinikop kong muli ang kamay namin saka na natulog sa tabi nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD