MAXINE P.O.V ?
Lumipas ang isang linggo mula ng maging kami ni Ezekiel. Halos araw araw ay magkasama kami nito dahil gusto daw niyang lagi akong makasama.
Kung hindi sa bahay niya ay sa bahay namin kami tumatambay kasama sina Beka, Leslie at Elaine na mas kinikilig pa sakin pag may kasweetan na gagawin si Ezekiel.
"Ahhm Babe? What do you want to eat?" Pagkuwan ay tanong ni Ezekiel sakin.
Nandito kami ngayon sa bahay nya at nasa kusina kami dahil ipag luluto daw nya ako. Lagi kase namin itong tinuturuan nina Beka na magluto para incase na mag isa lang ulit ito sa bahay ay makakain parin kahit hindi na kumain sa labas o magpadeliever.
"Hmm? Adobo?" Patanong kong sabi dito na agad nyang tinanguan.
"Sure! Wait me there after 10minutes okay?" Masayang sabi nito na kina ngiti ko.
Nanatili akong naka upo sa may hapag habang pinapanood ko siyang magluto. Kahit na naka apron lang ito ay napaka hot nyang tignan dahil sa mga mucles nyang pumuputol sa laki idagdag pa ang napaka lapad na balikat.
Napaka cute nyang tignan habang naghihiwa ng sibuyas at bawang. Mahahalatang hindi maalam sa pagluluto dahil sa gawi ng pagkaka hawak nya sa kutsilyo at mga hinihiwa nya.
Sinusiguro kase nito na hindi tatamaan ang mga daliri nya pag ipapadaan na nito ang kutsilyo doon kaya lihim akong natatawa.
"I see you Babe!" Nagugulat kong dinig sakanya kaya nag iwas ako ng tingin.
Ang talas ng pakiramdam ah?
Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na din siya. Nagutom ako bigla sa amoy ng niluluto nya kaya kahit naka salang pa iyon sa kalan ay pinipilit kong matiman iyon ngunit sinusuway nya ako at maghintay nalang daw ng ilang saglit.
Matapos nitong maisalin sa isang bowl ang nilutong adobo ay inilapag na niya sa mesa kaya ako naman ay dali daling tumungo sa cabinet para kumuha ng mga plato at kubyertos na gagamitin namin.
Matapos kong makuha ang mga plato ay pina upo na nya ako at siya na ang nagsandok para sakin dahil ayaw daw niya akong napapagod.
Bine-baby ako ?
"What do you think?" Pagkuwan ay tanong nito matapos kong sumubo.
"Hmm Masarap siya ah? Marunong kana" Komento ko dito ng malasahan at malunok ang unang sinubo ko.
"Really? So pwede na tayong magpakasal?" Bigla ay sabi nito na kina samid ko.
Dali dali nya aking dinaluhan at binigyan ng maiinom saka nya hinagod ang likod ko.
"Hey! Hinay hinay kase, tayo lang naman ang kakain nyan" Anito na kina ngiwi ko.
"Hindi naman dahil dun" Naka nguso kong sabi na kina ngisi nya.
"Doon sa kasal?" Ngising tanong nito na tinanguan ko nalang dahil nahihiya ako.
"Doon din naman tayo pupunta. Hindi pa nga lang ngayon" Patuloy nitong sabi saka hinila ang silya nito at umupo sa tabi ko.
Napaiwas ako ng tingin sakanya dahil sa sinabi nito. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang sitwasyon at lagay ko kaya nalungkot ako bigla.
"What's wrong?" Bigla ay tanong ni Ezekiel sakin ngunit hindi ko siya magawang tignan dahil natatakot akong mabasa nya ang lungkot sa mga mata ko.
"W-wala. K-kumain na tayo" Ilag kong sabi saka na nagpatuloy sa pagkain.
"Hindi kita minamadali Max. Alam kong naninibago ka dahil ngayon ka palang nagka boyfriend at bago palang tayo, pero sigurado na akong ikaw na ang huli at babaeng pakakasalan ko" Pagkuwan ay sabi ni Ezekiel kaya napatigil ako sa pag subo saka ko siya tinitigan sa mata.
Sinsero at seryoso ang mababasa mo sa mukha nya kaya napa buntong hininga ako.
"It's not like that" Tanging nasabi ko nalang saka tumungo.
"You can't tell me again right?" Tanong nito na tinanguan ko agad.
"Kahit naguguluhan na ako dahil sa dami ng sinisikreto mo sakin ay pipilitin ko paring intidihin ka dahil nirerespeto kita at mag hihintay ako na sabihin mo sakin ang lahat ng mga bagay na di mo masabi sabi sakin"
Mahabang lintaya nito sa mababang tono at malungkot na boses. Hinawakan nito ang kamay kong nakapatong sa mesa saka pinisil yon at nginitian ako ng tipid.
Nakokonsensya ako. Gustong gusto ko ng sabihin sakanya ngunit wala akong lakas ng loob, natatakot din ako na baka magbago ang lahat sakanya at iwan ako dahil hindi ako ang babaeng makakasama nito hanggang pagtanda.
Paano pag nalaman nya na may sakit ako at may taning na ang buhay ko? Baka hiwalayan nya ako at maghanap ng ibang babae na kayang ibigay ang lahat sakanya na hindi ko kayang ibigay.
Matapos naming mananghalian ni Ezekiel ay umuwi na muna ako. Mag gagabi na din kase at baka hanapin ako ni Mama.
Nasa may teresa ako ngayon at hawak ang gitara na lagi kong kasama sa tuwing malungkot ako. Tanging musika ang pumapawi sa lahat ng mga isipin ko mula ng malaman kong may sakit ako.
? Masasayang mga araw na kasama kita?
?Paglalambing at kulit mo na hindi nakakasawa?
?Punong puno ng ligaya ang ating pagsasama?
?Na parang wala ng sisira ng lahat...haaa?
?Bakit pa dumating ang oras na ito?
?Nabalitaan ko..nawala kana?
Natigilan ako ng ituloy ni Ezekiel ang kinakanta ko. Hindi ko man lang siya namalayan na nakapasok siya dito.
?Hindi ba't sabi mo hindi moko iiwan?
? Hindi pababayaan na ako'y mag isa?
?Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda..bakit bigla ka nalang nandyaan...?
?Sa kabilang buhay....?
Napa hagulgol ako ng iyak ng kantahin niya ang korus ng kanta. Parang piniga ang puso dahil kahit hindi naman nya ito emosyonal na kinanta ay parang nakikita ko ang sakit sa mga mata nya.
Ngali ngali nya akong dinaluhan. Nag aalala at nagtataka sa biglaan kong pag iyak. Ngunit tanging pag yakap at pag iyak lang ang ginawa ko na hinayaan nalang niyang mailabas ko sa mga bisig niya.
"I'm sorry Kiel" Hagulgol kong sabi sa pagitan ng hikbi at iyak ko.
"Shh! Kung ano man iyan ay tatanggapin at iintindihin ko" Pag aalo nito sakin saka nito hinagod ang likod ko at hinalikan ako sa may ulohan
Nagpatuloy akong umiyak sa mga bisig nya. Iniisip ko din kung sasabihin ko na ba sakanya at tanggapin ang magiging desisyon nito pag nalaman ang kondisyon ko o hahayaan ko nalang ito at ilihim hanggang sa mamatay ako.
Sa kakaiyak ko ay nawalan ako ng malay. Hindi na kinaya ng katawan ko ang lahat ng mga nararamdaman at iniisip ko. Ilang araw ko na din na iniinda ang sakit ko dahil habang tumatagal ay lalong lumalala ang lagay ko.
"Dadalhin natin siya sa america" Dinig kong sabi ni Kuya Marky ng magmulat ako ng mata.
"Hindi na siya papayag anak dahil alam nating wala naman kasuguraduhan kung gagaling sya don" Umiiyak naman na sagot ni Mama dito kaya napatayo ako.
Napagtanto ko na nasa hospital pala kami at nandito sina Mama, Kuya at si Ezekiel na naka tungo sa may kama ko at natutulog
"Max..." Tawag ni Mama sakin ng makita ako nitong itinatayo ang sarili ko mula sa pagkakahiga
Nagising naman si Ezekiel kaya dali dali niya akong inalalayan na maka upo
"Kumusta ka? Anong masakit sayo?" Sunud sunod na tanong ni Kuya ng makaupo ng ayos.
"Ayos na ako kuya. Umuwi na tayo. Ayaw ko dito" Sagot ko dito sa naiiyak na tono saka ko iginala ang paningin sa kwarto.
Simula ng magkasakit ako ay parang nagka phobia na ako sa kwarto ng hospital. Pakiramdam ko ay sinasakal ako dahil humihigpit ang paghinga ko.
"No! You need to be here. Oobserbahan kapa ni Doc Guillermo" Sagot ni kuya na agad kong inilingan.
"Magaling na ako! A-ayoko dito! Please Kuya iuwi nyo na ako" Umiiyak ko ng sabi na kina buntong hininga nya saka ako tinanguan.
"Calm down Babe! Baka mapano kapa nyan" Pag aalo naman ni Ezekiel sakin kaya sakanya naman nabaling ang tingin ko.
Mababasa ang pag aalala at lungkot sa mga mata nya. Kita din ang pagod at puyat sa mukha nya kaya hinaplos ko ang pisngi nito saka ko siya hinalikan sa noo at may binulong.
"Mag uusap tayo mamaya" Bulong ko dito na agad nyang tinanguan saka nya ako niyakap.
Desidido na ako. Gusto ko ng sabihin sakanya ang lahat, tatanggapin ko nalang ang lahat ng magiging desisyon nya pagkatapos kong aminin sakanya ang lahat ng itinatago ko.
"Lalabas na muna kami para makausap si Doc Guillermo" Pagkuwan ay sabi ni Mama na agad na sinang ayunan ni Kuya saka na sila sabay na lumabas ng kwarto.
Tingin ko sa mga kinikilos ni Mama ay gusto nya kaming bigyan ng oras ni Ezekiel, kaya tingin ko ay ito na ang pagkakataon ko na masabi ko na ang lahat sakanya.
Kumalas ako sa yakap nya saka ko hinawakan ang mukha nya sa magkabila kong palad. Dinampihan ko ito ng halik sa labi ngunit agad nitong tinugunan kaya naging malalim ng ilang sandali ang halikan namin.
Ramdam ko ang pag iingat nya sakin kaya lalo akong nahihirapan at hindi ko alam kung saan ako mag sisimulang magsabi.
Sabay kaming kumalas sa halik ng kapusin kaming dalawa ng hininga. Hinihingal na idinantay ko ang noo ko sa noo nya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko na kina noot ng noo nya.
"Why are you crying? May masakit ba sayo?" Tanong nito saka niya pinunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi ko.
Mabilis akong umiling iling saka ko ipinikit ng mariin ang mga mata bago ko ibinuka ang mga labi ko para simulan ang pag amin ko sakanya.
"Kiel?" Tawag ko sakanya na tinugunan nya ng ungol"Hmmm?"
"Pagkatapos ng sasabihin ko sayo ngayon ay iintindihin ko kung ano man ang magiging reaksyon mo at magiging desisyon mo... Tatanggapin ko din kung hihiwalayan mo ako---"
"Shh! Don't say that! Hindi kita iiwan at hinding hindi ako makikipag hiwalay sayo ano man ang sabihin mo sakin ngayon" Pagputol nito sa mahabang intro ko.
Muling bumuhos ang mga luha ko hindi dahil sa sakit na nararamdaman ko o takot sa maaring mangyari pagkatapos ng pag amin ko kundi dahil sa sinabi nitong hindi nya ako iiwan at hihiwalayan ano man ang sabihin ko sakanya.
Humugot muna ako ng hangin, pampalakas ng loob saka ko siya tinitigan sa mata at ganon din ang ginawa nya.
"Kiel? M-may s-sakit ako" Nahihirapan kong pag amin dito ngunit hindi man lang siya umimik at parang naghihintay pa ng susunod kong sabihin.
"May taning na ang buhay ko" Pagpapatuloy kong sabi na kina gulat niya base sa panlalaki ng mga mata nyang nakatitig sakin.
Ilang segudo o minuto ang lumipas na katahimikan. Naka awang ang bibig nya na animo'y may gustong sabihin ngunit nag dadalawang isip.
Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko dahil pakiramdam ko ay nanghihina ako dahil sa naging reaksyon nya feeling ko ay ito na ng huling pag uusap namin dahil pipiliin nyang layuan ako pagkagapos ng nalaman nya.
Mas mabuti na din siguro na ngayon palang ay malaman na nya habang hindi pa lumalalim ang relasyon namin. Mas madaling labasan iyon kesa sa patagalin pa kung sa huli naman ay iiwan din nya ako at maghahanap ng babaeng pupuna sa mga bagay na hindi ko kayang gawin para sakanya.
Dumating sina Mama at Kuya kasama si Doc Guillermo ng wala paring imik si Ezekiel. Tulala parin ito ngunit hindi na nakatingin sakin kaya lalong sumisikip ang dibdib ko dahil sa isiping ito na ang huli naming pag sasama at pagkikita.
Nagpaalam si Ezekiel kina Mama at Kuya na lalabas sandali pero hindi na nya ako binalingan na lalong nagpadurog ng puso ko ng walang sabi sabi na syang lumabas ng kwarto.
Madaming pinapaliwanag si Doc sa lagay ko ngunit isa man sa mga sinasabi nito ay wala akong maintindihan dahil nasa pinto ang paningin ko at nakay Ezekiel ang atensyon ko.
Ito naba ang huli? Iiwan mo naba ako?...