Abala ako sa paggawa ng visual aid sa aking kwarto para sa pagtuturo ko sa mga bata parte ito sa magiging grado ko sa kabuuan kaya ginaganda ko at sisiguraduhin kong may matutunan ang mga estudyante saakin.
Ilang oras pa ang nakalipas ng napagpasyahan kong ligpitin na ang mga kagamitan na ginamit ko ng makarinig ako malakas na kalabog mula sa baba agaran ang pagtayo ko at lumabas ng aking kwarto.
"P-papa." tawag ko sa lasing kong ama.
Halos matumba na siya sa paglalakad palapit sa malaking portrait ng aking ina he hold my mother's face as if he was holding it real, I feel pain seeing my father really hurting and not moving on I feel how much he loves my mother I wonder how they met and what stories they have during those times that I wasn't born yet.
"Papa." muli kong pagtawag at sa pagkakataong ito bumaling siya saakin nasa pang huling hagdan akong nakatayo suot ang bestida ni mama.
When he look at me there is anger build upon his eyes, his reddish teary eyes made my whole body shivers para bang may nagawa akong mali sa pagtawag lamang ng kaniyang pangalan.
"Bakit mo suot ang damit ng asawa ko?" mahinahon ngunit bakas ang pagtitimpi sa kaniyang boses.
"P-papa, b-bigay niyo po ito saakin." nanginginig kong sagot.
Huli niya akong sinaktan nung hindi ako nakapagsaing ng maaga at akala ko iyon na ang huli pero ngayon ihahanda ko na ba ang sarili ko?
"Ang ganda naman ng anak ko." masayang sabi niya habang palapit saakin humakbang ako paatras pero naabutan niya pa rin ang palapulsuhan ko.
"P-pa ano po bang nangyayari?" lakas loob kong tanong.
"Akyat na anak may pasok ka pa bukas." anito at hinaplos pa ang mukha ko bago bitawan.
Kailangan ko siyang intindihin dahil siya na lang ang meron ako ang pagkaka alam ko hindi tanggap ng pamilya ni mama si papa kaya hanggang ngayon hindi ko pa nakikilala ang mga lola ko sa side ni mama pero may konting impormasyon ako tungkol sa kanila.
'Pa, hindi na kita kilala.' sabi ko sarili bago tuluyang natulog ng mahimbing.
Time flies like a whirlwind the day has, come wearing a white long floral dress made me look like a fairy I set my curly black hair free as I walk down the stairs it moves like dancers suot ko rin ang kulay brown na flat sandals ni mama sa tingin ko nga magkapareho lang kami ni mama nung dalaga siya halos kasya pa saakin ang mga damit niya.
Bago ako pupunta sa Mansiyon ng Montenegro binisita ko muna ang alaga kong sisne maaga kasi ang labas namin ngayon kasi hindi naman dumating ang dapat na prof namin sa huling subject.
"Oh, Ria bantayan mo yung bahay aalis muna ang maganda mong amo." natatawa kong sabi sa alaga ko.
"Roseanne! ang ganda mo naman tiyak na magugustuhan ka ng anak ng mga Montenegro." sabi ni mang kaloy na nasa likod ng kanilang bahay.
"Naku po malabo ho iyan, kasama ko si papa doon."
"Naku, si samuel talaga sana hayaan ka na lang niya magka nobyo! napaka inosente mo sa magandang paraan at ang ganda sayang ang lahi...tapos ang bait pa."
Ngiti na lang ang isinagot ko sa kaniya pagkatapos pakainin si Ria inayos ko muna ang buhok ko bago tuluyang nilisan ang tahanan mula sa amin naglakad lamang papuntang mansiyon kaya naman ang inabot ko ay busangot na mukha ni Papa.
"Alam mo bang pinahihintay mo ako." galit niyang sabi.
"Aba'y kay gandang dalaga pala ang iyong anak Samuel!" puri ng isang kasamahan ni papa na nasa paligid rin ng napakalaking bakuran ng mansiyon.
"Kaya ayaw kitang dalhin rito!" asik niya.
"Pa, pinupuri lang naman ako."
"At gustong-gusto mo naman iyon?" sabi niya at tinalikuran ako.
Nakarating kame pinaka likuran ng mansiyon may mga nagtatawanang matatanda ang naroon.
I feel ashamed seeing how elegant the people sitting and talking wala naman ang kaedaran ko rito ako lang yata ang babaeng dalaga naririto may mga ilang lalaki na nakaupo sa kabilang mesa.
"Samuel!" isang matandang lalaki ang tumawag kay papa tantiya ko siya yata ang Montenegro ata sa tabi niya ay siguro ang kaniyang asawa maganda rin ito.
"Sir Javier."
Sunod sunuran lang ako kung saan si papa pupunta yun ang bilin niya sakin na huwag ako makipag kwentuhan sa kahit kaninong lalaki.
"Ang ganda pala ng anak mo Samuel." Puri ng isang ginang.
Tumingin ako sa isang grupo ng kalalakihan all of them looks like a rich guys simple outfit but you can see how people like them socialize pero natigil ang mga titig ko sa isang lalaking nakatingin na palasaakin he was staring coldly on me but it gives something inside me he looks like a bad guy who can take your innocence away there's also a part that he will protect you from danger. from thin line lips it slowly curve and form a sexy smile.
"Anong pangalan mo hija?" tanong ni Sir Javier na ambang hahawakan ang braso ko ng hinarangan iyo ni papa.
"Bawal siyang hawakan." biglang sabi ni papa.
Pare-Pareho silang nagulat sa ginawa ni papa kahit si sir javier hindi rin makapaniwala.
"R-Roseanne po." sagot ko para mawala ang tensyon.
"U-umupo na kayo kung ganoon." pilit na ngiti ang sinukli ni sir javier saakin.
Pamilya nila at mga tauhan lamang ang naroon sa ginawang handaan ng mga Montenegro I heard they introduce their son as the one who'll manage the whole land they have here in the province.
Tahimik akong umupo sa tabi ni papa nakayuko lamang ako dahil alam kong nagtataka pa rin sila kung bakit ayaw ako ipahawak ni papa hindi ko rin siya maintindihan.
"Ah- Pa C-cr muna ako." Paalam ko.
"Dalawang minuto." sabi niya.
Nalito pa ako kung saan ang banyo sa laki ba naman ng bahay na ito hindi ko alam kung nagki-kita kita pa ba sila rito.
"Saan ba yun?" tanong ko sa sarili.
"What are you looking for?" biglang may nagsalita sa likod ko kaya naman lumingon ko at umatras na bahagya.
Siya yung lalaking nakatingin sakin may tattoo pala siya sa may leeg nya kita iyon dahil naka gray V-neck shirt siya.
"S-saan po yung Cr?" tanong ko ng hindi man lang tumitingin sa kaniya.
how disrespectful Roseanne!
"Why don't you look at me?" he ask.
"Maghahanap na lang po ako."
Aalis na sana ako ng hawakan niya ang braso ko and that makes my whole system awake that feeling when a handsome guy holds you pero mali ito, binawi ko ang braso ko at tumingin sa paligid feeling ko may mga mata si papa sa paligid.
"Magagalit si Papa." tanging nasabi ko.
"I know, nakita ko ang ginawa niya kay dad."
Siya pala ang anak nila.
"Son!"
Mula sa sala narinig ko ang boses ng isang babae siguro ang ina niya.
"K-Kailangan ko ng umalis."
"Roseanne?"
Tama nga ako si ma'am eva nga iyon, kilala ko sila dahil sikat sila sa lugar namin.
"Pasensya na po sa ginawa ni papa." Sabi ko.
"I understand." she said and smiled.
"This is my son Zay-"
"Roseanne!" si papa.
Agad akong nagtago ako sa isang pasilyo na hindi ako kita ayokong makita niya ako nakikipag usap.
"Ma'am nakita niyo po ang anak ko?" dinig kong tanong ni papa.
Please mag rason kayo.
"Hindi pa ba bumabalik?"
Walang nagsalita.
"Are you that scared of your father?"
Nilingon ko ang nagsalita isang pulgada na lamang ng layo namin halos magkadikit na rin ang aming katawan.
Sorry Papa.
"I guess, ipapahanap ko na lang siya." dinig kong sabi ni Ma'am eva.
Our eyes still staring each other kahit pa matagal na ang tinginan hindi pa rin ako kumukurap ang ganda ng kanyang mata hindi nakakasawa.
"I see you like my eyes huh."
naitulak ko siya ng malakas at iniwan siya kung saan ako nagtago at bumalik na lamang kung saan ang celebrasyon.