3.1
(Tunay na kaibigan)
NASA common area ng boarding house sina Lorraine at Mira.May coat na tinutupi si Mira bagay na nakakuha ng pansin ni Lorraine dahil hindi ito pamilyar sa kanya.
" Hoy...kanino 'yan?," usisa ni Lorraine sa kaibigan na napa-upo sa sofa mula sa pagkakahiga nito.
" Ito...sa guest sa hotel.Hindi ko pala naikwento sa'yo ang nangyari nun," sagot ni Mira.
Sa dami ng nangyari sa event na iyon, sakabay pa na natanggal sila sa trabaho nawala na sa isipan ni Mira ang tungkol sa mabait na guest.
Tila nasabik si Lorraine tungkol sa guest na binanggit ni Mira.
" So, ano na?...ikwento mo na ngayon," sambit ni Lorraine na handa ng makita sa ikukwento ng kaibigan.
Hinampas ng unan sa braso ni Mira ang kaibigan." Ikaw, alam ko kung anong inisip mo," anito.
" Ano ba 'yan.Eh, ikukwento mo lang kung anong nangyari paano napunta sa'yong 'yang coat, noh....hindi ako nag-iisip ng kung ano, baka ikaw...," katwiran ni Lorraine na may kasama pang panunukso sa huling sinabi nito.
"Anong ako???..ikaw talaga...," saway ni Mira.
" Sige na, i-chika mo na sa'kin," pangungumbinsi ni Lorraine.
"Nang iwan kita sa hotel room nakabangga may nakabangga akong guest.May hawak siyang red wine at ayun namantsahan ang uniform ko.Ang akala ko nga papagalitan ako pero nag-sorry pa siya sa'kin at pinahiram 'yung coat niya," kaswal na kwento ni Mira.
"Ano ba naman 'yan?...ang tamad mong magkwento,ni hindi man lang kinikig," tila reklamo ni Lorraine.
"Ba't naman ako kikiligin?," balik-tanong ni Mira.
" Syempre, ang gentleman niya, hindi 'ata lahat ng lalake mag-o-offer ng coat nila," katwiran ni Lorraine.
"Sigurado ako, gwapo," dugtong ni Lorraine.
Hindi kaagad nakasagot ni Mira.Naisip nito ang mabait na guest.
" Gwapo ba?," ulit muli ni Lorraine sa kaibigan.
" Mabait," sagot ni Mira.
" Gwapo ba?," ulit muli ni Lorraine dahil ayaw sagutin ng kaibigan ang tanong nito.
" Oo na.Gwapo siya.Matangkad,maputi, matangos ang ilong,maganda ang mata, para siyang artista o model," sagot ni Mira.
"Uy....bumigay na rin siya," panunukso ni Lorraine.
" Nababaitan lang...
crush kaagad," tangging sagot ni Mira.
" Weh...e, kung ilarawan mo siya, wagas," pansin ni Lorraine.
" Hindi ganun, mabait lang talaga siya.Hindi katulad ng ibang mayayaman na nakikita natin sa party mga mata-pobre," paliwanag ni Mira.
"Sa bagay tama ka dun.Minsan lang talaga ang mayayamang talagang mabait sa mga katulad natin," pag-sang-ayon ni Lorraine rito.
Sa kalagitnaan ng usapan ng magkaibigan biglang dumating ang landlady nila para maningil ng upa.
" Aba, hindi 'ata busy kayong dalawa...hindi ko alam kung mabuti ba 'yan o hindi.....pero ang importante kailangan ko na ang mga bayad niyo....ang mga upa niyo....,".
" Si Aling Marsha talaga hindi magawang ma-late maningil ng upa," biro ni Mira.
" Ganun talaga...daig ng maagap ang masipag," sagot ni Aling Marsha na feeling confidently beautiful sa curlers niya.
" Aling Marsha ang ganda niyo po 'ata ngayon....bagay na bagay ang curlers niyo sa inyo....," complement ni Lorraine sa landlady.
" Oo nga Aling Masha....ang fresh ng aura niyo ngayon," dagdag ni Mira.
" Alam ko 'yun...huwag niyo na akong bulahin pa...ikaw talaga Lorraine...at dumagdag ka pa Mira," sagot ni Aling Marsha na hindi nadaan sa biro ng dalawa.
" Si Aling Marsha hindi maisahan...," sagot ni Mira na napakamot na lang ng ulo.
Pumasok sa kwarto ang dalawa para kunin ang kani-kanilang pambayad.
" Ito po Aling Marsha," sabay abot ng mga ito sa kani-kanilang pambayad.
" Mabuti naman.Kaya mas gusto ko ng mga babaeng boarders ko hindi magulong magbayad.
" Malapad ang ngiti ni Aling Marsha ng matanggap ang bayad ng dalawa, " Sige bye....pagpapa-parlor pa ako...," paalam nito na kulang na lang gawing pamaymay ang pera.
Kinagabihan parehong nag-aayus ng higaan ang dalawa ng tumawag ang ina ni Lorraine sa kanya.
"Hello!, Ma," sagot ni Lorraine.
" Opo..sige po....gagawa ho ako ng paraan," mangiyak-ngiyak na sagot ni Lorraine sa kausap nito sa cellphone bago matapos ang usapan.
Kaagad na nag-alala si Mira sa kaibigan.
" Anong nangyari?," tanong nito.
" Si Tatay kasi...inatake na naman...kailangan nila ng pang-ospital...hindi ko alam kung saan ako hahagilap ng pandagdag para ipadala sa kanila....eh kasi kababayad ko lang kay Aling Marsha ng renta, wala na akong extra pang pera....bakit ba kasi sunod-sunod ang mga kamalasang nangyayari sa'kin???...," sagot ni Lorraine na punong-puno na sa problema.
" Huwag kang mag-alala pwede naman kitang pahiramin,," hindi nagdalawang-isip na nag-alok ng tulong si Mira sa kaibigan.
" Pero kakabayad mo lang din ng renta kay Aling Marsha, alam kong wala ka na ring extra'ng pera pa, kaya okay lang," tanggi ni Lorraine dahil ayaw din nitong idamay si Mira sa problema niya.
" Okay lang 'yun.Isa pa may ipon naman ako.Kaya sige na,huwag ka ng mag-alala pahihiramin kita," insist ni Mira na gustong tulungan ang kaibigan.
" Salamat talaga Mira, talagang maaasa ka.Huwag kang mag-alala babayaran kita kaagad sa oras na magkatrabaho na ako," labis ang pasasalamat ni Lorraine kay Mira ng tanggapin nito ang alok na tulong.
" Wala 'yun....magkaibigan tayo...ano ka ba?...," nakangiting sagot ni Mira para pagaanin ang nararamdaman ng kaibigan.
" Buti ka pa.Kinakarma na siguro ako dahil sa ginawa ko," sambit ni Lorraine.
" Huwag mong isiping kinakarma ka, kasi wala ka namang ginawang masama.Talagang nangyayari lang ang mga ganitong bagay," paliwanag ni Mira.
Tipid na ngumiti si Lorraine dahil walang kaalam-alam ang kaibigan sa ginawa nito.Ang karmang ibig sabihin ni Lorraine ay ang ginawa nitong panggagayuma sa isang guest na naging isang hayop.Hindi na alam ni Lorraine pa kung anong nangyari rito, bagay na kapag na-iisip niya labis siyang nakokonsensya.
************
ISANG tawag ang mula sa hindi kilalang number ang rumehistro sa cellphone ni Mira habang nasa kalagitnaan ng pagsisipilyo ito.Dali-daling sinagot ni Mira ang tawag na nakalimutang may bula pa ang bibig niya.
" Hulloohhh.....ay sandali lang," hindi maintindihang sagot nito.Nagmumog muna si Mira para maintindihan.
" Hello!...Good morning, ito po ba si Miss Mirabella Santiago?," bating-tanong ng tumawag kay Mira.
" Opo, ako nga po," sagot nito.
" Miss Santiago, I am Alfred Paderno, secretary from Olivarez company...gusto ko lang po sana i-confirm kung isa po kayo sa mga waitress na nag-serve sa party ni Mr. Lopez sa isang hotel?," tanong ni Alfred.
Nagtaka si Mira, " Yes po.Isa nga po ako sa crew na nag-serve sa party ni Mr. Lopez, Bakit po?," sagot sabay tanong nito.
Nang makumpirma na ni Alfred na tamang tao ang tinawagan nito hindi na siya nagdalawang-isip pa.
" Miss Santiago, isa sa mga guest sa party ni Mr. Lopez ang boss ko at may ilang katanungan siya sa'yo tungkol sa nangyaring insidente sa party, may hindi kasi inaasahang nangyari nun at isa ka sa mga natatandaan niya," paliwanag ni Alfred.
Napa-isip si Mira.Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kausap.
" Sandali lang ho...ano po bang insedente ang tinutukoy niyo?," tanong nito.
" Miss Santiago mas makakabuti po sanang magpunta na lang po kayo dito sa opisina para mabigyang linaw ang lahat," sagot ni Alfred na ayaw magbigay ng kung ano mang detalye tungkol sa tunay na pakay nila kay Mira.
" Sige po,walang problema," sagot ni Mira.
Wala man sa plano ni Mira ang biglaang lakad, kinailangan nitong puntahan ang opisina para bigyan linaw ang concern ng naging guest kahit na tanggal na siya sa trabaho.Mahirap ng masabit sa gulo hindi maganda record iyon para maghanap ng manibagong trabaho.Kaagad na tinapos ni Mira ang pagsisipilyo at nagbihis para umalis.
" May lakad ka?," tanong ni Lorraine kay Mira ng makitang nakabihis ito.
" Oo, may tumawag kasi sa'kin, secretary daw siya ng guest natin, eh gusto daw akong makausap dahil may kung anong insidente sa party, e wala naman akong matandaan pero pupuntahan ko na lang din para walang problema," paliwanag ni Mira.
" Okay, sana hindi problema 'yan," sagot ni Lorraine.
" Sana nga...pero hindi na kita masasamahang maghulog na pera para sa mga magulang mo," dugtong ni Mira sabay paumanhin sa kaibigan.
" Ayus lang.Importante 'yan," sagot ni Lorraine.
" Okay, pero iiwan ko na sa'yo ang pera," ani Mira.
Sa kwarto nilang dalawa.Isang makapal na libro ang kinuha ni Mira na ang totoo ay isa pa lang sekretong lalagyan.
" Wow, ayus 'yang libro mo," napabilib si Lorraine ng malamang may ganun paandar pala ang taguan ng pera ni Mira.
" Para hindi obvious," paliwanag nito.Nang buklatin ni Mira ang notebook laking gulat ni Lorraine sa dami na pera sa loob nito.Makapal na puro papel ang nandoon, tig-100, 200, 500, at 1000 ang domination na perang nakatago dun.Hindi alam ni Lorraine na may ganun pala karaming perang naipon ang kaibigan kaya pala hindi ito gaanong nag-aalala si Mira ng masisante sila.
" Mukhang malaking pera na 'ata ang naipon mo," pansin ni Lorraine na may halong pagkabilib sa kaibigan.
" Hindi naman.Kasi wala akong pamilya na inaalala tulad mo,solo lang ako sa buhay, alam mo naman sa bahay-ampunan ako lumaki," paliwanag ni Mira.
" Pero sa dami niyan magkano na ba 'yang naipon mo?," tanong ni Lorraine.
" Hindi ako sigurado pero nasa ninety thousand na rin ang huli kong bilang ," hindi sure na sagot ni Mira.
NINETY THOUSAND PESOS.....PESOS...parang nagpantig ang tainga ni Lorraine ng marinig ang halaga na nasa loob ng secret book ni Mira.Malaking pera na 'yun kung tutuusin pwedeng-pwede ng makapagsimula ng maliit na negosyo ang kaibigan pero nagtitiyaga pa rin ito sa ganun klaseng trabaho.
" Mira, alam mo malaking halaga ang perang 'yan...hindi mo dapat basta-basta hayaan ang pera mo dito sa kwarto dapat nga ibangko mo 'yan, mahirap na ang panahon ngayon," payo ni Lorraine.
" Naisip ko na 'yan pero para sa'kin mas nakakapagpursige ako kapag nakikita ko 'yung pinaghirapan ko, isa pa maraming dapat gawin kapag sa bangko ilalagay 'to, " katwiran ni Mira.
" Pero hindi mo ba naisip na magsimula ng negosyo sa laki ng perang 'yan?.Marami ka ng magagawa diyan," tanong muli ni Lorraine.
" Ang totoo niyan gusto ko kasing magpatuloy ng pag-aaral kasi gusto ko talagang maging teacher kaya pinaghahandaan ko muna," paliwanag ni Mira.
Mas lalong humanga si Lorraine sa kaibigan
" Tama 'yun.Bagay sa'yong maging teacher.Pero bakit gusto mong maging teacher?," tanong nito.
" E, kasi sa bahay-ampunan ako lumaki.Kapag may bumibisita tapos may nagtuturo sa'min natutuwa kami.Gusto ko ring magturo gaya ng mga taong nagpalaki sa'min sa bahay-ampunan," paliwanag ni Mira.
" Push mo 'yang pangarap mo," dugtong ni Lorraine.
Sampung libong piso ang pinautang ni Mira sa kaibigan si Lorraine kahit limang libo lang ang sinabi nitong halagang hihirapin, " Mira, sobra-sobra na 'to baka mabaon na ako sa utang sa'yo," medyo na hihiyang sabi ni Lorraine sa kaibigan.
" Ayus lang 'yan.Isa pa limang libo lang ang bayaran mo 'yung limang libo tulong ko sa pamilya mo," paliwanag ni Mira.
Gustong maiyak ni Lorraine sa bait ng kaibigan sa kanya.
" Salamat talaga ng marami dito, Mira, hah,".
" Wala 'yun, para saan pa't magkaibigan tayo di ba," sagot nito.
"Salamat talaga," pasalamat ulit ni Lorraine na niyakap ng mahigpit ang kaibigan.
Gerona J.R...
Author's
Thanks sa pagbasa sa part na 'to.Hoping na sana you proceed sa next part....And if pwede ..beke leng nemen...pa-vote and pa-comment na rin...thanks again...????
Abangan.....
Anong mangyayari sa pagpunta ni Mira kompanya ni Emman?....
At basahin ang susunod na gagawin ni Lorraine....