Sinuguro ni Magnolia na kumpleto na ang lahat ng kailangan niya. Nang mailagay sa bag ang mga damit at props ay binitbit na niya iyon at dahan-dahang lumabas ng kuwarto. Pero hindi niya pa nailalapat ang pinto nang lumabas din ang daddy niya. "Oh hija, where are you going at this hour?" "Ahh daddy, babalik lang muna ako sa condo unit ko?" "Hindi ba pwedeng ipagpabukas iyan? It's almost ten in the evening." "May kailangan lang po talaga akong gawin doon, daddy. Don't worry, bukas nandito na ulit ako. I'll stay here hanggang next week po." "Ipapahatid-sundo na lang kita kay Jose para sigurado," sabi nito. "But, daddy, I can manage po, please." Yumakap pa siya sa braso nito para maglambing dito. Pumayag din ito bago dinampian ng halik ang kanyang noo na parang bata pa siya. "You

