Chapter 13: They Kissed Again

1179 Words
Nagreklamo ang mga kaklase nina Magnolia at Carlo nang magpaalam na sila sa mga ito. "Pasensya na, nangako kasi ako kay Daddy eh," sabi ni Magnolia sa mga ito. Ang totoo ay pupunta lang sila ni Carlo sa Harbour Square. Tatanaw lang sa madilim na dagat at kalangitan. Hindi niya alam kung ano pa kaya ang pag-uusapan nila. "See you next time, guys," paalam ni Carlo at nagmamadaling hinila ang kamay niya papunta sa kotse nito. "Lasing ka yata," puna niya nang mapansing bahagyang namumula ang mga pisngi nito na lalong nahalata dahil mestizo ito. "Hindi, nakainom lang talaga ako. Don't worry, I still can drive," sabi nito. Muli itong lumabas at nakita niyang kausap nito ang driver at bodyguard niya. Umalis na ang mga ito pagkatapos. "Bakit mo pinauwi sina Mang Jose at Mang Erwin?" "Hayaan mo na. It will be better if we can have our private moment. We have to talk." "Pero baka mapagalitan tayo ni Daddy." "Just trust me. Ako ang bahala," pinal na sabi nito at pinaandar na ang kotse. Katulad kanina ay tahimik ang buong biyahe nila. Nang tangkain na naman niyang buksan ang stereo ay pinigil na naman nito ang kamay niya at pinagsabihan siya. Bakit daw hindi na lang niya enjoyin ang tahimik na pagbiyahe nila o ang tahimik na moment nilang dalawa. Nang makarating sila doon ay mabilis nitong ipinarada ang kotse. Katulad kanina ay ito ang nag-alis ng seatbelt niya bago ito nagmamadaling bumaba para ipagbukas siya ng pinto. Nakakapanibagong wala na namang tao roon maliban sa kanila at dalawang magkapareha na malayo sa kanila. Muli ay tahimik lamang silang nakaupo at nakatanaw sa kalangitan. Maliwanag ang sinag ng buwan at mga bituin. “Beautiful,” mahinang usal niya. “Yes, beautiful,” anito na nakapagpapitlag sa kanya dahil dama niya ang hininga nitong tumama sa kanyang pisngi. “Carlo…” Gulat siya paglingon niya sa tabi dahil malapit na malapit na ang mga labi nito sa kanya. Para siyang naestatwa sa kinauupuan dahil titig na titig lang ito sa kanya. Inaasahan na niya ang susunod na gagawin nito pero napasinghap pa rin siya nang sakupin ng mga labi nito ang mga labi niya. “Carlo…” Iyon lamang muli ang salitang lumabas sa kanyang bibig dahil sa pinaghalong gulat, kaba, at pakiramdam na parang sasabog sa kanyang kaibuturan. Mabilis ang paraan ng halik nito, mapangahas, at mariin. Sinubukan niyang kumawala pero tila bakal ang mga bisig nitong nakayakap sa kanyang katawan. Bahagya siyang nasaktan sa ginagawa nito hanggang sa bumagal ang paghalik nito na parang iniimbitahan siyang tumugon. Banayad iyon, puno ng pagsamo, at mas matamis pa sa asukal kahit nalalasahan niya ang beer. Saglit lamang ang kailangan nitong hintayin bago niya nakuhang tumugon dito. Hindi niya na namalayang nakakulong na sa mga kamay niya ang mukha nito. “Baby…” bulong nito na parang kinakapos ng hininga pero lalo lamang nitong pinalalim ang halik. Sinalakay ng dila nito ang kanyang bibig na nagdala sa kanya ng milyong boltahe. Parang may bahagi siyang natutulog na ginising nito at nagmamadaling kumilos. Tinugon niya ng kaparehong alab ang mga halik nito. Pakiramdam niya anumang sandali ay maglalaho ito kapag tumigil sila. Kailangan niyang halikan din ito dahil gusto niyang madama na kahit sa ilang minuto lang ay kanya ito. Wala naman sigurong masama dahil paalis na siya at walang siyang intensiyong manggulo. Pareho silang hinahapo nang maghiwalay. Parang walang nangyaring tumingin lang muli ito sa dagat habang pinipisil ang kanyang kamay na maya’t maya ay hinahalikan nito. Hindi niya maiwasang titigan ito. Mahal na mahal niya talaga ito. Marahil alam na nito ang kanyang nararamdaman pero wala na siyang pakialam. Muli itong tumingin sa kanya at ngumiti. “Don’t look at me like that. I might kiss you senseless.” “K-kiss me again.” She did not have to repeat herself because he moved as swiftly as a lightning and claimed her lips for another heartstopping kiss. It was burning with an inexplicable fervor, which was enough to engulf the whole place in fire. It was a bit creepy albeit very passionate and romantic. As she opened her mouth to let his tongue explore her inner self, she felt a tiny intangible balloon burst inside her heart. That would be the last night they would see each other and she wanted to make it special. No, it was already special because he was with the man she loved for a long time. That man was kissing her like there was no tomorrow, and she could not ask for more. At that moment, she was certain that something within her had completely changed. She knew she would never be the same. That thought alone was enough to scare her. How could she fall in love again when she knew even at a very young age that her heart and soul would forever belong to Carlo? It was poignant, to say the least. It was as if she was bidding him goodbye and doing something she would never do again. It would be their secret, and it would be hidden in her heart. Nang muli silang maghiwalay ay nanatiling nakapalibot sa katawan niya ang mga bisig nito habang nakakulong sa mga kamay niya ang buong mukha nito. “What now?” Parang naguguluhan ang hitsura nito. Mahapdi sa pakiramdam na parang sa reaksiyon nito ay naisip na naman nitong mali iyon. How could something so beautiful be wrong? How could he brush it off like a piece of dirt? Pero agad na nabura ang kanyang pagtatampo nang ngumiti ito. “What now?” Muli na naman itong nagtanong na parang masasagot niya ito. “K-kiss me again. L-last na,” her lips quivered. Sa pagkagilalas niya ay malakas na humalakhak ito at muling dumampi ang mga labi nito sa kanya. This time, he did not move. It was as if he was asking her to initiate the kiss. She did but he did not respond. She cupped his face and deepened the kiss, but he remained immobile. When she licked his lips, she felt him smile. His shoulders move while suppressing his laughter. “K-kiss mo na ako.” He did and it was sweeter than their previous kisses. Kung may paligsahan siguro sa paghalik malamang ay naging champion ito. Pakiramdam niya ay mas nagiging matamis at masarap sa pakiramdam kapag hinahalikan siya nito. Para bang may record itong binubura sa bawat paghalik nito. Oh it was so addictive. His razor blade thin lips were soft yet commanding, so sweet yet so powerful, so delicate yet so passionate. Nang magsawa sila sa ginagawa ay pareho na lang nilang tinanaw ang dagat at kalangitan. Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa kanila bago ito nagsalita. “How do you feel right now?” “I’m h-happy.” “Do you like me?” “C-Carlo…” “Do you like me, Magnolia.” “I don’t know.” “I’m asking you because I like you. I like you very much. I like kissing you. It’s the best kiss I’ve ever had.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD