Nang magising siya ay nagulat siya dahil nakasiksik siya sa dibdib ni Carlo habang yakap nito. Hindi niya alam kung dapat bang gisingin ito dahil malakas ang hilik nito. Siguro ay sa pagod at puyat sa pagbabantay. Nasa loob ng private room sina Magnolia at Carlo kasama ang mag-asawang Joseph at Liberty. Natutulog pa ang kaibigan niya gawa ng matinding pagod at hirap sa panganganak. Tulog pa rin si Joseph na ipinagpasalamat niya. Masaya siya para dito dahil kitang-kita niya naman ang pag-aasikaso ng asawa nito sa kanya. Naalala niya nang makita niyang magka-holding hands ang mga ito sa loob ng classroom ni Ms. Esguerra at nahuli sila. Parang malayo kasing ma-develop ang mga ito dahil parang masyadong civil lang dati ang dalawa at hindi nagpapansinan. Hindi niya tuloy mapigilang mapahagikgik

