Kumakain sa cafeteria si Magnolia kasama ang si Liberty. Naiilang siya sa paraan ng pagtitig nito. “B-bakit?”
“Okay ka lang ba?”
“Oo naman, bakit ba?”
“I heard the news. Carlo is courting your sister.”
“Ahh oo, nasa amin nga sila last weekend para sabihin iyon.”
“And?”
“And what?”
“How do you feel now?”
“Ha? Okay naman ako. Bakit ba?”
“Stop pretending. You’re my friend and I know how you feel.”
She sighed. “You know, Kalay, some things are just not meant to be. There are a lot of uncertainties in this world. But one thing is for sure, life goes on.”
Napangiti ito at marahang tinapik ang kanyang kamay. “If you want to talk about it, I’m here. But, I’m happy that you are okay. Don’t worry, you’ll move on in time. There’s someone waiting for us. Maid of honor natin ang isa’t isa ha.”
“Eh paano kapag may asawa na ang isa sa atin?” Natawa siya dito.
“Basta, pareho tayong ikakasal in time. Kahit ano pang sabihin nila, we deserve the best. We deserve to find someone who will make us feel loved and happy.”
“Hear, hear,” natatawang sabi niya rito.
“Can I join you, girls?” Napatigil sila ni Liberty sa pagtawa nang pumuwesto sa tapat nila si Carlo.
“Oh pinsan, bakit?”
“I just want to talk to Magnolia.”
“Oh I see. Sige, tapos na rin ako sa kinakain ko. Mauuna na ako sa next class natin,” paalam nito na pinigilan niya. “Bakit?”
“Dito ka na lang. Samahan mo na kami.”
“Hindi na. May kakausapin din ako sa library,” pagdadahilan nito at nagmamadali nang lumabas.
“Magnolia, I know I never had a chance to talk to you before. But, I would like to thank you.”
“For what?”
“For not telling your parents about me and Rose right away.”
“That’s not for me to tell,” simpleng sabi niya at nagkibit-balikat.
“But it means a lot. We don’t need to keep our relationship secret anymore. You gave me a chance to prove myself to your folks.”
“If that is so, then I’m glad. And you’re welcome. Pupuntahan ko na si Liberty,” paalam niya dito at tatayo na sana nang pigilan siya nito. Nagtatakang tiningnan niya ito.
“Can we talk?”
“About what?"
"About you."
“About me?”
“Yes. How are you?”
“Listen, I approve of your relationship with my sister. And we don’t have to engage ourselves with small talk. I’m not comfortable with that. But since you’re asking how I am, well, I am fine. How about you?”
“I’m doing well.”
“Well, that’s good. Pupuntahan ko na muna pala si Liberty.”
“Will you please sit down?” Halatang naiinis ito nang pigilan siyang muli. “I want to talk to you.”
“Ano ba kasi talagang pag-uusapan natin?”
“About you and me.”
“Me and you? Teka, pakilinaw nga muna.”
“Okay naman tayo, hindi ba?”
“Oo naman, pakilinaw nga Carlo.”
“I just want to make sure that you really don’t like me. I just want to make sure that you’re okay.”
Narealize niyang iniisip pa rin nitong gusto niya ito. Totoo naman pero hindi na dapat malaman. “Oo, okay naman ako.” Napangiti siya dahil na-appreciate niya ang concern nito kahit paano. “Ano ka ba? Hello, hindi kita talaga gusto noh,” nakaingos pa niyang sabi.
“That’s good. Well, if you don’t mind, I would like you to help me and my friends make a surprise for Rose.”
Kaya naman pala, nakakainis din talaga itong lalaking ito minsan. Ilang taon pa akong ini-snob para lang kausapin at kumustahin ako. May pabor palang hihingin. Parang gusto tuloy niyang magtampo rito. Bakit ka pa magtatampo? Close ba kayo? Kahit na. Kapag naaalala niya na ginawa pa nitong katatawanan ang nararamdaman niya ay gusto niyang mainis. Pero wala eh. Bayaw na hilaw niya ito kumbaga. At kung malapit ito sa buong pamilya niya, kailangan niyang pakitunguhan ito nang mabuti. “Sige,” simpleng tugon niya.
“Thank you talaga,” nakangiting sabi nito.
“Maiwan na kita dito. May mahalaga pa kasi kaming pag-uusapan ni Liberty eh,” pagsisinungaling niya rito. Tumango lang ito nang nakangiti sa kanya kaya nagmamadali siyang tumalikod at lumabas ng cafeteria. May namuong bikig sa kanyang lalamunan pero hindi siya iiyak, at least sa school mismo dahil wala siyang balak gumawa ng eksena.
Nagmamadali niyang pinuntahan si Liberty na nakaabang lang pala sa bench malapit sa cafeteria. “Oh okay ka lang ba? Ikaw naman kasi, in denial ka pa. Oh ayan na, namumugto na iyang mga mata mo,” nag-aalalang sabi nito. “Tara na muna sa CR dahil hindi pwedeng makita ka ni Carlo o ng kapatid mo na ganyan ang hitsura mo. Alam mo naman iyung kapatid mo eh inggitera at iyang pinsan ko ay mapang-alaska minsan,” naiinis na sabi nito.
“Hayaan mo na, Kalay. Kapatid ko pa rin iyon.”
“Kapatid mo pero kung tratuhin ka, akala mo kaaway ka. At isa pa, bakit napakabastos niyan kung sagutin ka? Kapag ako talaga nainis, makakatikim iyan sa akin ng sample para matuto. Naku emmwan ko ba sa pinsan kong hari ng kayabangan kung minsan, iyung kapatid mo ang pinansin sa halip na ikaw. Palibhasa maraming judgmental dito sa mundo lalo na dito sa school natin. Dahil lang mahiyain ka, weird o snob na ang tingin sa iyo," naiinis pa ring sabi nito.
"Ano ka ba? Okay na iyon, Kalay." Kahit paano gumaan ang kalooban niya. Mabuti na lang at may kaibigan siya sa school, isang taong hindi siya hinusgahan, isang taong tinanggap siya bilang siya.
Ganoon naman talaga sa larangan ng pag-ibig. Hindi laging panalo. Pwede niya bang pilitin ang isang tao na mahalin siya? Kung pwede lang, matagal niya nang pinilit si Carlo na mahalin din siya. Kaya lang din ay nasa kapatid niya ang lahat ng atensiyon nito. Wala siyang balak na lalo pang maging magulo ang sitwasyon. Kung pwede nga lang na lumayo siya ay ginawa na niya. Kaya nagulat pa siya nang makatanggap ng email mula Massachusetts Institute of Technology na subukan niyang kumuha ng exam dito. Hindi siya makapaniwala sa nabasa. Malamang na naendorso siya sa nasabing paaralan ng isa sa mga judges doon sa drafting competition nila, o maaaring napansin ang gawa niya sa exhibit sa Singapore at kinuha ang kanyang email address. Kinabukasan ay nakumpirma niya ang nabasa dahil pinatawag siya ng principal at sinabi sa kanya ang tungkol sa email.
Pagkauwi niya ay sinabi agad niya sa mga magulang ang tungkol sa email. Sinabi naman ng mga ito na kung gusto niya ay subukan ang mag-exam. Tuwang-tuwa at buhos ang suporta ng mga ito sa kanya na lalong ikinainis ni Rose. Napansin niyang lalo siya nitong iniinis at isang beses ay nahuli niya itong sinabotahe ang isa sa mga sketch niya. Mabuti na lamang at naayos niya pa iyon. Mas mabuti din na nakatago ang mga gawa niya na puro si Carlo ang subject.
Ilang araw niyang pinag-isipan kung mag-e-exam hanggang pumayag siya. Pagkalipas ng dalawang buwan ay muli siyang nakatanggap ng email mula sa paaralan at sinabing pasado siya. Ibinigay ng mga ito ang requirements at mga kailangang bayaran. Dahil mataas din ang marka niya sa entrance exam, pasado siya sa scholarship program. Malaki ang mababawas sa tuition fee niya. Gayunpaman ay may kamahalan pa rin ito, idagdag pa ang miscellaneous fee.
Nang magtanong ang mga magulang niya sa entrance exam, napilitan siyang sabihin ang totoo. "Pasado po ako," nakangiting sabi niya.
"Wow, anak! Totoo ba iyan?"
"Opo, daddy."
"Nakakatuwa naman. Kaya mo ba kahit mag-isa ka lang doon o gusto mong pasamahan ka namin kay Manang Isay?"
"Daddy, hindi na po kailangan. Dito na lang po ako. Pasado naman po ako sa UP."
"Pero mas maraming opportunities kung doon ka sa Massachusetts Institute of Technology. Ayaw mo ba doon, anak?"
"Ahh m-mahal po kasi doon daddy at mommy."
"Hayaan niyo na siya, daddy, kung gusto niya rito. At least nandito pa rin siya at mababantayan ako habang kasama ko si Carlo," nakangiting sabi nito pero alam niyang sinasadya nito iyon. Biglang nag-ring ang cellphone nito at sinagot iyon. "Daddy, mommy, pupunta raw po si Carlo dito."
"Okay, sweetie," nakangiting sabi ng daddy niya at muling bumaling sa kanya. "Don't worry about the expenses, my child," malambing na sabi nito. "My question is, kaya mo bang mapalayo sa amin or hindi? I want the best for you."
"But, daddy, I want Ate Lia here," nagpoprotestang sabi ni Rose.
Pinakatitigan niya ang kanyang kapatid. Bakit ba ganoon na lang ang galit nito sa kanya? Bigla niyang naisip si Carlo. Hindi kaya mas magandang lumayo siya? Baka pagkatapos niyang mag-aral at bumalik sa Pilipinas, Wala na ang pagmamahal niya rito. "Sige po, daddy, pag-iisipan ko po."
"Anak, whatever your decision is, we are here for you," nakangiting sabi ng daddy niya.
"That's true."
"Thanks, daddy and mommy. I owe you a lot," naluluhang sabi niya sa mga ito. Niyakap niya ang mga ito at muling nagpasalamat dahil sa kabutihan ng mga ito.