Dahil sa kahihiyang naramdaman, nakatungo lang ako habang kumakain even though I heard him chuckled sometimes.
He knew that I am lying, obvious na obvious na naman na dahil ang mamahal ng pagkain rito tapos alam nya ring wala akong ka pera pera!
"Careful" aniya dahil sunod sunod akong sumubo.
Gusto ko na kasing umuwi dahil nahihiya ako! Ang kapal kapal pa ng mukha kong magsabi na may pera ako!
Wala akong imik hanggang bumalik kami sa companya! Hindi rin naman sya umimik pero halata sa mukha nyang masaya sya.
Nga naman, ang saya kayang makita ang isang taong nagsisinungaling.
"Goodbye po sir at salamat" nahihiya kong paalam dahil out ko na.
"You're always welcome. My driver is waiting" mahinahon nyang sabi.
"Wag na po-"
"Yan ka na naman sa 'po' mo" putol nya sa akin. I sigh.
Oo nga pala!
"Okay, ughmm...Kaya ko namang mag commute kaya okay lang" Ani ko.
"No, delikado na sa daan kaya sige na" Aniya.
I sigh. Ganitong ganito yong nangyari nong nag o-orient pa lang si Ms Celia sa akin! Ayoko ng maulit yong kahihiyang ginawa ko dahil babalik pa ako rito bukas.
"Salamat! Uuwi na ako" paalam ko. He nod and smile.
"Be safe, see you tomorrow" aniya.
Habang pababa patungong parking lot, lumipad na naman ang isip ko sa mga kinikilos ni Sir Dylan.
Normal pa ba itong pinaggagawa nya sa akin na empleyado nya lang?...Isasama sa comfort zone nya, isasama sa dinner at lunch nya tapos e hahatid dahil sa kadahilanang delikado na sa daan?
Normal pa ba na ganon?...Ofcourse hindi! Dahil amo mo lang sya! And I am just his servant who needs to follow whatever he mandate pero bakit sya ganon?
Naramdaman ko kasi na his trying to please me! He wants me to like him! His showing me his good side! Wala namang masama sa mga pinapakita nya pero ang epekto non sa akin! Yon ang kinababahala ko.
What if, itong mga pinapakita nya ay dahil wala lang sa kanya, naawa lang talaga! Edi kawawa ako! Pero kong itong pinapakita nya sa akin ay dahil gusto nya ako, edi masaya pero impossible eh! Dahil iwan!
Hindi ko talaga nakikita na ang isang katulad nya na magkakagusto sa akin na cute lang!
Mabilis lang akong nakarating sa bahay, malaking pagpapasalamat ko kay Kuya Driver dahil sa paghatid nya.
"Wala yon man! At ang swerte po ni Sir sa inyo" nakangiti nyang sabi.
"Luh? Kuya! Anong swerte pinagsasabi mo?" Ani ko at tumawa.
Grabe si Kuya! Mana sa amo nyang pa fall! Jusko!
"Naku ma'am, ngayon ko lang nakitang ganon si Sir!" Aniya.
"Bakit lahat ng halos ng mga tao na kilala si Sir Kuya, parang sinasabing ang pangit ng ugali non?" Curios kong sabi.
"Naku ma'am! Kung alam nyo lang talaga! Pero sa nakikita ko kay Sir ngayon, mukhang may magpapasaya na sa buhay nya"
Napakamot ako ng ulo sa sinabi ni Kuya! Ang epal lang!
"Kuya! Huwag nyo na akong paasahin! Maawa naman kayo sa akin" pagmamakaawa ko. Tumawa naman si Kuya.
"Kayo ho talaga ma'am! Pumasok na po kayo sa bahay nyo, gabi na" masayang sabi ni Kuya.
"Ayy! Sige Kuya! Mag-ingat kayo" I said with enthusiasm.
Pagkapasok ko sa bahay, tulog na sina Mama at Papa, mukhang napagod sa kaka trabaho, 10:30 na rim kasi ng gabi, ang dalawa ko namang kapatid na nonood na lang mg TV.
Dumiritso ako sa kwarto ko at naglinis ng katawan at ngayon ko lang naramdaman na pagod ako pero hindi kagaya nong nasa fast food chain ako na ubos na ubos talaga ang energy ko!
Pagkatapos kong gawin ang night routine ko na tinuro ng mga kaibigan ko, humiga na ako sa kama ko at kinuha ang phone.
Pagbukas ko ng phone ko....nanlaki ang aking mata nang makitang may message si Sir Dylan.
From My Crushiecake:
I have a business meeting tomorrow in baguio. I will fetch you by 3:30am...so Sleep early. Good night and have a sweet dreams
Nabalikwas ako sa pagkakahiga at paulit-ulit binasa ang message!
Luh? Pupunta kaming baguio? Tapos susunduin ako rito? Tapos my pa good night at sweet dreams pa?
Sumigaw ako ng walang boses at masayang sinalampak ang sarili sa higaan.
I don't know kung anong oras ako nakatulog, nagising na lang ako dahil ginising ako ni mama dahil may naghahanap sa akin.
"Ma naman ang aga-aga pa eh!" Reklamo ko nang lumabas sa kwarto.
Kinusot ko ang mata ko at inayos-ayos ang buhok.
Feeling ko, isang segundo ko lang pinikit ang mata ko! Letche naman kasi yong message ni Dylan! Hindi ako pinatulog.
"Didn't I tell you, I will fetch you?"
Parang nagimbal ang pagkatao ko nang narinig ang boses ni Dylan.
I slowly open my eyes at nakita si Dylan na nakahulukipkip na nakasandal sa may pintuan namin.
Nanaginip ba ako? O bunga lang to ng pagkapuyat ko?
Why is he here? Base sa nakikita ko sa labas, gabi pa ah? Or madaling araw?
Baka si Mama toh! Nasisiraan lang talaga ako ng bait dahil si Dylan ang nakikita ko! Kakaisip ko siguro sa kanya kaya ganito ja ako ngayon, para ng baliw!
"I message you that we will go to Baguio today"
I snap my hand nang nag sink in lahat sa akin!
Tinignan ko ang alarm clock na 3:35 na ng umaga kaya nanlaki ang mata ko at napa facepalm.
"Sandali lang!...Ano! Umupo ka muna! Magbibihis lang ako! Madali lang ako" taranta kong sabi.
Hindi ko pa alam kung anong uunahin ko, bibigyan ba sya ng upuan o papasok na ako sa kwarto para magbihis.
"Take your time, I'm waiting" aniya.
"Sandali lang po!" Ani ko at kumaripas ng takbo papasok sa kwarto ko.
Dahil wala na akong time maligo, pinunasan ko na lang ng wipes ang mukha ko at katawan tapos nag lotion, at niligo ang pabango!
I simply wore a jeans, tapos nag tuk-in ang may colar na white t-shirt and then sinuot ang hoddie na jacket since giniginaw pa ako!
I ponytail my hair and put liptint on my lips tapos pulbo! Dali-dali ko namang nilagay sa shoulder bag ang mga kailangan kong dalhin.
"I'm done! Tara na!" Ani ko pagkalabas.
He tilted his head and look at me head to foot and then stood up.
"Let's go, and...where's your mother?" Aniya at nagpalinga-linga sa paligid.
Hinanap rin ng mata ko pero wala na akong time tawagin si Mama super late na ako.
"Naku! Bumalik yon sa pagtulog! Ang aga pa kasi...kaya tara na?" Ani ko.
Eh t-text ko na lang si Mama mamaya kong nasaan ako! Hindi kasi ako nakapagpaalam.
"If you say so" aniya.
Mahina kong pinapagalitan ang sarili ko habang nagtutungo kami sa kotse nya.
Bakit hindi tumunog ang phone ko? Bakit nakalimutan kong may lakad kami ngayon? At bakit ang tagal kong natulog kagabi? Ang tanga tanga ko talaga kahit kailan!
"Sir paano mo nalaman na doon ang bahay namin?" Bangang ko pang sabi.
He opened the door of his sports car before he look at me.
"My driver...Are you still sleepy?" Kunot noo nyang sabi.
Oo! Dahil hindi ako pinatulog ng message mo kagabi! Shutangina! Ang sarap isumbat!
"Hindi naman, giniginaw lang ako" Ani ko na lang.
"I have coffee there and a food, you can eat them" aniya at sumenyas na pumasok ako.
Nakanguso akong pumasok sa loob, agad kong hinanap ang kape at pagkaing sinabi nya pero natatakot akong kumuha baka sabihin nya pang ang feeling ko, dapat sya mismong mag bigay.
Pagkapasok nya sa loob, kumunot ang noo nya. He look at me and the food and then he sigh.
"Here's the coffee para hindi ka na masyadong giniginaw" aniya.
I look at him shyly, nilahad nya sa akin ang kape pero ganon na lang ang pagngiwi ko dahil Starbucks ang logong nakalagay sa baso.
"Okay lang po ako! Sanay na naman akong ganito sa madaling araw." tanggi ko.
"Here you are again, just get it, binili ko talaga yan para sa atin" Aniya. Napakurap ako sa sinabi nya.
Wala lang yan Riza! Awa lang yan kaya huwag mong bigyan ng meaning!
I convince myself. Nahihiya kong kinuha ang kape.
"Salamat, gumastos ka pa" mahina kong sabi.
"Your welcome" aniya at pinaandar ang kotse.
Nakanguso kong binuksan ang kape! At unti-unting ininum dahil nilalamig talaga ako! Ang sarap sarap ring matulog lalo nat ang lambot ng inuupuan ko.
"Just spend your time with me, and I spend the money" mahina nyang sabi kaya muntik ko ng mabuga ang kape na iniinum ko.
"Are you okay?" Aniya.
"Ah oo! Mainit pala" hilaw kong sabi. He look at me kaya nagkunwari akong hinihipan ang kape.
"Be careful" aniya.
Did I heard him right? He wants me to spend my time with him? Or hallucination ko lang yon dahil puyat ako ngayon?...Iwan!
Pagkatapos kong inumin ang kape, imbis na mawala ang antok ko, mas lalo lang nahuhulog ang mata. I tried to fight it pero wala talaga!
Nagising na lang ako nang naramdaman kong tumigil ang sasakyan, I opened my eyes at sumilip sa bintana.
"Nasaan na tayo?" Antok kong sabi.
Nang walang sumagot, tumingin ako sa driver set na wala palang tao!
"Amputa!" I mumbled at inayos ang sarili habang nagpalinga-linga sa paligid.
Nasaan na ba kami? Hindi na kasi pamilyar ang lugar sa akin! At nasaan na ba si Sir Dylan! Bakit ako iniwan rito?
Nang dumapo ang mata ko sa mga pagkain, dumampot ako ng isang fries na hindi na crispy pero masarap pa rin.
"Gutom na ako" I mumbled at kumuha na naman ng isa.
Hindi naman nya siguro mahahalata na kumuha ako ng fries! Hindi nya naman siguro to binilang!
Susubo pa sana ako ng isa nang nakita ko syang lumabas sa isang kainan kaya agad kong binalik at tinignan ang sarili sa salamin baka may bakas na kumain ako ng fries nya. Tumikhim ako at umayos ng upo.
"Sorry nakatulog ako" agad kong sabi. He look at me and give me the foods, kinuha ko naman yon at nilagay sa lap ko.
"It's okay, I know you're hungry, we will eat bago tayo magpatuloy" aniya.
Conscious na conscious ako habang kumakain kami, sya kasi ang sosyal tignan kahit nasa kotse nya lang kumain habang ako, awkward na awkward.
"You have class tomorrow?" He asked kaya muntik ko ng mabuga ang kinakain ko.
"Ugh...Oo, aabutin ba tayo ng bukas?" Tanong ko rin pabalik.
"Nope but I am sure, madalinga araw na tayo makakauwi" aniya.
Napatango naman ako! Edi puyat na naman ako non or a-absent na lang ako para makapagpahinga!
"Ah...okay" Ani ko.
Nang natapos kaming kumain. Agad nang nag drive si Dylan, ako naman na awkward na awkward ang nararamdaman, natulog na lang.
Wala naman syang reklamo kaya natulog lang ako pero minsan kapag hihinto dahil sa traffic o may bibilhin sya, naalimpungatan ako.
Almost 1:00 na kaming nakarating ng baguio pero parang 6:00 am pa dahil hindi sumisikat ang araw tapos ang lamig lamig ng hangin.
Niyakap ko ang sarili ko pagkalabas ko ng kotse! Kahit naka jacket na ako, ang lamig lamig pa rin!
"You okay?" Aniya.
I nod.
Sulyap sya ng sulyap sa akin habang naglalakad kami papasok sa isang building, hindi ko na tinignan ang paligid dahil lamig na lamig na talaga ako!
"May aircon pa" I mumbled nang nakapasok kami.
Dylan look at me, I smile a little but he sigh at bigla akong hinatak palapit sa kanya at pinalibot ang braso sa akin.
My eyes widen in fraction.
"Your freezing, I am not heartless" aniya.
Grabe ang kalabog ng puso ko pero binabaliwala ko na lang yon dahil nilalamig talaga ako, nagkulunwari na lang akong hindi nya hinahaplos ang balikat ko.
Pinagsaklop ko ang kamay ko and rub it para uminit init ito!
Hindi talaga ako pwede sa malalamig na lugar dahil ito ang mangyayari sa akin! Mas gusto ko pang sa mainit na lugar dahil mas mag e-enjoy pa ako sa ganon.
Dylan sigh at sinakop ng isa nyang kamay ang dalawa kong kamay.
"I will book a room, my heater doon" aniya.
Hindi na ako nakapagsalita dahil sa pinagagagwa nya sa akin.
Though nakatulong ang ginagawa nya dahil nakaramdam ako ng init sa palad nya pero tangina! Para namang mag s-shut down amg systema ko! Gaga!
Habang may iilang bumabati sa kanya na mukhang ka meeting nya ako naman nahihirapan ng huminga!
Gusto kong lumayo dahil hindi ko na alam ang nararamdaman ko pero may part din sa akin na ayaw lumayo dahil gusto ko! Iwan.
Nang maayos na ni Dylan ang kwarto pumunta kami roon at tyaka pa ako nakahinga ng maluwag dahil may init na akong nararamdaman.
"You feel good now?" Casual nya lang sabi.
Parang may kung anong gumuho sa akin! Parang wala lang sa kanya yong paghawak nya sa akin! Awa lang siguro! Mukha na siguro akong mamatay kanina kaya nagawa nya yon.
"Oo, salamat" sabi ko sa kanya nang hindi sya tinitignan.
"Just make yourself comfortable, I will be back" aniya.
Hindi ko sya pinansin dahil sa nararamdaman ko ngayon.
I know from the very beginning na hindi nya ako pupulutin, I know na hindi nya ako magugustuhan, I know na awa lang kaya sya ganito sa akin!
Why does that causality of his voice hurt me? Why that expression of him, down me?
Why!?... Ang liit na bagay lang! Ganito na ang nararamdaman ko.
Nang narinig ko ang pagsarado ng pinto agad kong nilapitan yon at nag lock.
"Ang tanga ko kasi!" Paninisi ko sa sarili ko.
Nag expect ako, nag assume, nag conclude nang kung anu-ano! Kaya ito ako ngayon! Parang nasira lahat ng ideang nabuo sa utak dahil sa ganon lang!
Ganito ga ang pagmamahal? Na kunting bagay lang masasaktan ka kaagad? Na kunting pagbabago lang ng kilos, pansin mo agad? Yong expression na ipinapakita nya sayo na iba, mag o-overthink kaagad? Is this how love works? Dahil kung oo tangina!? I am so dommed!
Bakit ba ako napunta sa posisyong to? I am just wishing for a boyfriend na tanggap ako! Pero ito ako ngayon parang nilakumos ang puso dahil parang wala lang kay Dylan yong ginawa nya kanina!
Ang sarap ng umuwi, ang sarap ng tumigil sa trabaho na to! Hindi nga mahirap, hindi nga sumasakit araw araw ang katawan ko, hindi ako napupuyat pero nasasaktan ako.
Two days pa lang! Ganito na ang nararamdaman ko! How much more kung tatagal pa? What will happen to me?
Pero kapag umalis naman ako sa trabaho kong to! Saan na naman ako pupulutin? Ano na naman ang gagawin ko sa buhay?
This work help me a lot! Marami na akong time mag aral, makakatulog ako ng maayos, hindi ako pagod na pagod!
"Patay na talaga ako" no m-mroblema kong sabi.
Bakit ba sa lahat ng tao sa kanya pa ako nagkagusto! Obvious naman na hindi sya magiging akin tapos hinayaan ko pa ang sarili kong mahulog sa kanya! Ang tanga talaga!
Nakatunganga lang ako sa bintana, nag-iisip kong papaano i-isasalba ang sarili sa sitwasyong to!
I sigh!
"Alangan namang iwasan ko sya ng iwasan eh secretary nya ako?" nakabusangot kong sabi.
What I will gonna do?...Siguro maging patatas na lang!
When the clock strike 3:00 bumuhos ang malakas ang ulan kaya mas lumamig ang lugar! Buti na lang talaga may heater dito dahil hindi ko gaanong nararamdaman ang lamig.
Lumipad naman ang isip ko kung nasaan ngayon si Sir Dylan, hindi pa sya bumabalik mula pa kanina at! Hindi rin nya nabanggit kung anong oras ang meeting nya!
"Patay na nga ako sa pag-ibig, patay pa ako sa trabaho ko!" I mumbled at lumabas ng kwarto.
Hinanap ko ang mata ko sa bawat sulok ng building at nagtanong tanong rin ako sa mga tao pero wala silang masagot sa akin.
I even tried to call him pero hindi sya sumasagot.
"Baka iniwan na ako non dito!" I mumbled at tinignan ang labas na ang lakas lakas ng ulan.
"Ma'am, kailangan nyo po ng payong?" Tanong ni manong guard.
I nod dahil hahanapin ko sya siguro sa malapit na pangmayamang kainan, baka nandoon yon may ka meeting.
"Salamat kuya" I politely said.
Baka talaga iniwan na ako nong Dylan na yon dahil ang perwesyo ko! Paano na ako makakabalik sa amin? May klase pa naman ako bukas tapos wala pa akong pamasahe! Shutangina!
Bakit kasi hindi sya nagsabi!? At bakit hindi rin ako magtanong? Jusko naman! Kapag ako talaga iniwan non dito! Uncrush ko na sya!
Pagkatapos kong buksan ang payong, nag-isip na kaagad ako kung saan ko sya hahanapin!
Desidedo na sana akong maglakad nang natanaw ko ang sports car nya.
Nakasimangot akong nakatingin roon!
Nag balak talaga sigurong tong iwan ako dito! Pero bumalik dahil napaka lakas ng ulan, delikadong bumyahe kaya no choice kung hindi bumalik!
Kahit lamig na lamig na ako, sinundo ko sya dahil umuulan, wala syang payong!
At bakit ba ganito umakto ngayon? Parang kanina lang probelmado ako kung paano ko e sasalba ang sarili ko na lunod na lunod na sa kanya!
"Bakit lumabas ka pa?" Kunot noo nyang salubong. Binababa lang ang bintana ng sasakyan.
"Mababasa ka at tyaka kanina pa kita hinahanap" Ani ko at niyakap ang sarili dahil sa lamig ng hangin.
Tumaas ang kilay nya at tinago ang ngiti habang pinapatay ang makina ng sasakyan.
Napaka pa fall talaga! Shutangina! Dapat paninindigan nya ako!
Ang sarap isumbat talaga! Letche!
"I just bought something...Usod ka muna, I will open the door" mahinahon nyang sabi.
Umatras naman ako at nilagay ang kamay sa bulsa ng jacket ko dahil kumukubot na ang mga ito sa lamig.
Pagkababa nya, agad akong lumapit para mapayongan sya! Nga lang, tumingkayad pa ako dahil ang taas taas nya.
"Your really are worried?" Natatawa nyang sabi ay kinuha sa kamay ko ang payong.
"Huh?" Parang tanga kong sabi dahil kumalabog ang puso ko sa tanong nya
"Your worried of me" he softly said while looking at me gently.