AL2

3470 Words
CHAPTER2 Alessia's POV It is already 2 in the morning but I'm still here in my room trying to concentrate to do my homework. Hindi ako makapag focus at na didistract ako sa di ko malaman na dahilan kaya napag desisyunan ko nalang na bumaba at kumuha ng champagne. Habang bumababa ako sa malaki at mahabang hagdan ng sarili kong bahay halos ume echo ang kada hakbang ko, halatang walang laman ang bahay na ito. Napangiti naman ako Before I wish to have a life like this, and now it is in my hand, I still feel empty and lonely. Ano nga ba ang silbi ko talaga sa mundong ito? I don't even someone to talk to that I consider as a friend to share my thoughts with, is this the life I really want? *RING*  Ching calling... "Why?" Bungad ko habang nag hahanap ng maiinom dito sa beverage room, bakit ba puro brut kadalasan ang nandito? inubos ata nila nakaraan noong bumisita sila dito. "Where are you?" Naririnig ko ang mga tawanan sa background niya. "Why?" Paulit kong tanong at kinuha ang rose champagne na nakita ko. "Umuwi na ang lolo ni Caelan" "What?" Kalmado pero sa kalooban ko ay kinabahan ako. "Yep, Atticus told me to tell this to you kasi may emergency siya sa Cebu"  "Ok then?" Boring kong respond "Obviously his grandfather wants to see you and Caelan, he set a lunch appointment tomorrow"  "Ok" at binabaan ko siya ng tawag. I'm fcked up, really really bad. Third Person's Pov' Tulalang nakadungaw si Alessia sa bintana ng SUV niyang sinasakyan habang si Kanos ay nag dadrive ng kotse at ang dalawang kotse sa harap at sa likod nila ay nakaalalay sakanila. "If you don't want to then don't go" Alalang sabi ni Kanos. Umiling naman si Alessia. "No, I'm good" Kalmadong tanong nito at tinanaw ang pag bukas ng malaking gate para makapasok ang mga kotse nila. Pagkalipas ng kalahating minuto sa pag mamaneho papasok sa mismong main house nila Caelan ay bumungad agad si Caelan at ang kaniyang ama at lolo sa mata ni Alessia. Mag kakamukha silang lahat, parehas mga singkit, matangkad, matangos at katamtaman lang ang kapal ng labi- ang pinag kaiba lang nila ay ang istilo ng buhok. Pag ka tigil ng kotse ay agad nag labasan sila sa kanya kanyang kotse, samantalang si Kanos ay dumeretso sa pintuan kung nasaan si Alessia at pinag buksan ito. "Good day Alessia" Pag bati ng chairman ng Xu Yao, ang lolo ni Caelan. Yumuko naman si Alessia at kanyang mga kasama. "Good day chairman" Pormal na sabi ni Alessia, habang si Caelan ay titig na titig sa kanya. "So why are we standing here? Come in, let's have our lunch" Singit naman ng CEO ng Xu Yao, ang tatay ni Caelan.  Ngumiti naman ng tipid si Alessia at sumunod sakanila. Sa mahabang lakad ay nakaupo din sila sa kanilang mga upuan, apat lang sila samantalang bente ang upuan pero lahat ng espasyo ng table ay puno ng iba't ibang pagkain. "So how is your life?" Pasimula ni chairman sa usapan habang nag lalagay ng mga pagkain ang mga katulong sa kanilang plato at iba't ibang uri ng inumin sa kanila. "So far so good, actually I absent just for this lunch" Seryosong sabi ni Alessia trying to hide her emotion "Really? So this is a special lunch eh?" Nakangiting sabi ng chairman, tipid naman na ngumiti si Alessia at napatingin sa lalaking nasa gilid niya na nag lalagay ng favorite niyang wine sa baso nito. "Let the maid do that" Utal ni Alessia at kinuha ang baso niya at iniwas ito kay Caelan pero kinuha uli ito ni Caelan at tinuloy ang pag lagay ng wine sa baso niya. Tumawa naman ang chairman. "I guess Caelan is just trying to be gentleman Alessia, let him" Ngiting ngiti na sabi nito. Hindi nalang pinansin ito ni Alessia. "Why do you call me here by the way?" Kalmadong tanong ni Alessia at tumingin sa chairman, ngumiti naman ito. "We found your dad's real family, I mean the family with your real surname" Nakangiting sabi ng chairman kaya napatigil si Alessia sa pag kalikot sa baked brie na nasa plato niya at agad na napatingin sa chairman bago kay Caelan na nakatitig lang sa kinakain nito. "How?" May halong gulat na sabi ni Alessia. "There is no room for impossible things in Xu Yao Alessia" Nakangiti nitong sabi at sinenyasan ang isa sa nag babantay sakanila. Inabot naman nito ang isang envelope kay Alessia. Binuksan niya ito at tumambad sakanya ang iba't ibang picture ng bagong mga mukha sa paningin niya. "The first one is your great-great-grandfather, luckily he also has a share on some of our businesses in China, Japan, Singapore, and here in the Philippines. And based on my mans research he has more business in Europe than in Asia" Napatitig si Alessia sa picture ng isang matandang naka coat na nag lalakad habang pinapayungan ng mga bodyguard nito. "The next one is his child, that is your grandfather real siblings, your grandfather is the youngest" Sa pangalawang picture ay dalawang babae at dalawang lalaki na mga naka pormal na suot. "The next one is your grandfather real mother, she lives Guangdong now, living her simple and happy life but she died giving birth on her 6th child" Pagpapatuloy niya. "The next 9 pictures are your uncles and aunties" Halatang mga elegante ang mga ito.  "Where are they right now?" Tanong ni Alessia. "Some of them are in China and Japan while the other is in Luxembourg including your great-great-grandfather. The last time they went here is when they are trying to find your grandfather I think it is 2005"  "Anong kapalit nito?" Deretsong sagot ni Alessia. Napatawa naman ang chairman samantalang agad naman na hinawakan ni Caelan ang kanang kamay niya para ikalma ito. "Work with us again, simple as that" Nakangiti nitong sabi, napataas naman ang isang kilay ni Alessia. "But if you want to work with your real family then it's fine" Mapaglarong sabi nito. "What do you mean?"  "Let's say it is like great-great-granddaughter like great-great-grandfather. Me, you, and them are all in the same field." Hindi naman sumagot si Alessia at inubos ang wine na nasa harapan niya. "With all respect, I have some things to do and I need to go now" Sabi ni Alessia at tumayo. "So this is how one of the possible heiress of Tan's family act I guess" Hindi siya pinansin ni Alessia at yumuko sa chairman at sa tahimik na tatay ni Caelan bago umalis.  "Alessia wait!" Sigaw ni Caelan at hinablot ang braso nito. "What do you want? you want to convince me to work with your family again?" Malamig na sabi ni Alessia. "No, I just want to ask you something" Mahinahon na sabi ni Caelan, taka naman siyang tiningnan ni Alessia. "Really Caelan? You will ask me in the middle of this mess?"  "I mean, I just want to ask you to call me when you need someone to talk with" Sabi ni Caelan na nag patigil kay Alessia kaya hinawakan niya pa ang isang braso ni Alessia, lalapit sana ang isa sa mga tauhan ni Alessia nang itinaas ni Caelan ang kamay niya na nag sesenyas na tumigil ito. "Yeah, I will call someone who messed up my life, what a great idea" Sarcastic na sabi ni Alessia at buong pwersa na kumawala sa hawak ni Caelan. Ching's Pov' "What is wrong with her?" Usisa ni Zhask. Nag bibilyar kami ngayon dito sa HQ, lahat kami ay nag kakatuwaan samantalang si Alessia ay tulala lang. "I don't know, we are not allowed to enter in the dining area of the family earlier so hindi namin alam kung anong pinag usapan nila" Sabi ni Ying "Do you think it is about Caelan grandfather?" Gatong na tanong ng kapatid ko. "Shut up, hayaan niyo siya, normal lang naman na ganyan siya, mas nakakatakot nga lang ngayon" Sabi ko  "By the way, di ba may sinet si Atticus na mini vacation sa saturday?" Singit ni Yujan. "Yep, free time nating lahat yon" Sabi ni Atticus. "Sama natin sila Harper" Sabi naman ni Steve. "Great idea, libre mo ba ang private jet?" Palabirong tanong ni Ying kay Steve. "Yeah sure basta di ka kasama" At nag tawanan kami lahat. "Pahinga lang ako" Paalam ni Alessia na nag patigil saamin sa pag uusap. "Samahan kita"Presenta ni Kanos. "I want to be alone"  Alessia's Pov' Habang nag iisip ako sa kawalan dito sa kwarto ko sa HQ ay bigla kong naisip si Caelan and I don't know what triggers me to call him. "Alessia?" Third Person's Pov' Napahagulhol si Alessia nang marinig niya ang boses ni Caelan, ang boses na kabisadong kabisado niya, ang boses ng lalaking nag simula ng lahat. "Alessia? Where are you?" Bakas ang pag alala na sabi ni Caelan. "I feel lonely, I feel empty- I feel like I'm dead" Puno ng sakit na sabi ni Alessia. "Where are you? Let's meet"  "I don't know who I am anymore Caelan, every time I look in the mirror, I see a girl who doesn't even know who she really is" Pigil na hikbi na sabi ni Alessia "Alessia..." "You know, every time I look at my family, every time I'm with them I realize how nonsense my life is. I work hard, I work hard to achieve everything I had now but I can't use it to help my family" "I'm sorry..." "Every time my mom struggling with what we will going to eat most of the time, I feel like I'm not a good daughter. Alam mo yon, damn, I can even buy our whole barangay or everything my family's want but I can't" "It's my fault" "And lately I realize, the problem is not you or anyone else, it is me- it is me who decided to be like this, it is me who decides who I will be going to be right?" "Look, don't think like that" "And then every time I want to express my thoughts or need someone to talk with, wala, wala akong makapitan- Bakit ano ba sasabihin ko? na isa akong kriminal? na isa akong walang kwenta?" "No, you are not" "Yes, I am Caelan. Itong negosyo ko, itong mga ginagawa ko, naging trabaho ko sainyo noon- kung ano ako ngayon. f**k, I donate almost half of my money to people who need it but I can't even help my family. They think I'm just a normal daughter, they--" "Stop Alessia" "No Caelan, no, everytime we watch news or movies at sinasabi ng dad ko na mga salot sa lipunan ang mga kagaya ko, sobrang nasasaktan ako Caelan, mas lalo kong kinamumuhian ang sarili ko. I'm their daughter, but they didn't even know who I really am" "A--" "I feel empty, I feel lonely Caelan" "Alessia I'm outside your house, I'm here" Alessia's Pov' "Goodbye class see you on Monday" Hayst salamat at weekend nanaman, pero di ako nag papasalamat dahil wala akong gagawin sa weekend- nag papasalamat ako kasi makikita ko nanaman mga pinundar ko. Pagkauwi ko sa unit kung saan kami namamalagi ng bunso kong kapatid ay agad kong niligpit ang mga kalat. Uuwi kami ngayon sa bahay namin sa Bulacan, ganon naman ang nakasanayan namin then monday babalik uli kami dito sa Manila para mag aral. Habang nag aantay ng FX ay tanaw ko si Kanos sa kabilang parte ng kalsa habang hawak hawak ang skateboard niya na nakatingin saakin at sa dala kong mga gamit ng kapatid ko na ngayon ay nag cecellphone sa gilid ko. Tinanguan ko siya at tinanguan din naman niya ako. *RING* Caelan is calling... "Hello, where are you?" Mahinahon nitong unang bungad. "Pauwi na, bakit?" "I was just thinking na pupunta ako sa fairview tomorrow at ako na susundo sayo papuntang Makati" "How did you know about my appointment in Makati?" "Atticus, and please don' tfire him or what- Ako ang nag pumilit at binantaan siya" "Ooh, so ang lumalabas dito ay mas takot sayo ang assistant ko kesa saakin, ganoon ba?" "No, it is not why I meant" Alanganin niyang sabi, tumawa naman ako. "Pick me up later around 2pm sa fairview" Buti nalang at maaga ang uwian ngayon kaya mabilis byahe namin "Bakit saan ka pupunta mamaya?" "Wala, I will just stay in my condo there. I will hang up na, bye." Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag ako pero hayaan na. Third Person's Pov' Habang nag aantay si Alessia sa presensya ni Caelan sa isang favorite niyang restaurant sa isang mall ay patingin tingin siya sa mga dumadaan na mga studyante na may kanya kanyang group of friend or partner. Napangiti siya, "I don't know if I wish for a friend or I'm just lonely." tugon niya sa isip niya dahil hindi mawala sa kanyang isipan ang lahat ng nangyare sa buhay niya. "Sorry napatagal" Biglang singit ni Caelan na mabilis na pumasok sa restaurant at dumeretso kung saan siya nakaupo. Nilingon niya ang buong tao sa restaurant at halos lahat ng tao ay nakatingin sakanya pati ang waitress na kumukuha ng bill niya. "I guess hinaras ka nanaman sa daan? or natyempuhan ka ng mga pulis?" Nakangiting tanong ni Alessia kay Caelan. "The first one" At natawa naman silang dalawa. "By the way, may dadaanan ka pa ba or what?" Tanong ni Caelan habang tinatanggap niya ang sukli sa waitress na halos mag laway kay Caelan. "Yep, tawid tayo sa kabilang mall may bibilhin lang ako for my condo" Sabi ni Alessia at tumayo na kaya tumayo din si Caelan, mag lalakad na sana si Caelan ng makita niyang tiningnan siya ni Alessia mula sa paa ang hanggang ulo niya. "Be honest with me Caelan, kinuha mo ba yung limited edition ko ngayon na sapatos kay Atticus" Sabi ni Alessia habang nakatitig sa oversized nitong t shirt at jeans pababa sa sapatos niyang ayaw niya ibenta. "Yep, don't worry binili ko siya times three sa original price so di ka na lugi, tsaka it is my size" Pang asar na sabi ni Caelan, nag buntong hininga nalang si Alessia at naunang lumabas ng restaurant. Habang nag lalakad sila papunta sa isang store kung saan mamimili si Alessia ng gamit niya sa kanyang condo ay natanaw niya ang mga dati niyang kaibigan kasama ang mga dati niyang schoolmate na makakasalubong nila. "Come" Seryosong sabi ni Alessia at agad na hinila si Caelan sa isang boutique na malapit sakanila at tumalikod sa banda kung saan dadaan ang kanyang mga dating kaibigan. "Who are they?" Tanong ni Caelan na nasa likod niya at tinatakpan siya. "Bakit mo ako tinatakpan?" "Kasi nag tatago ka at tatakpan kita because obviously I'm 6'--" "Ok whatever, wala na sila tara na" Sabi ni Alessia at nag lakad na siya papalabas sa boutique ng may biglang humarang sakanyang tatlong babae na mga naka uniform pa. "What?" Seryosong tanong ni Alessia habang nakatitig sa nakangiting mga babae. "Pwede mag pa picture?" Mauubusan na sana siya ng pasensya ng ma realize niya na nakatitig ang mga babae sa kasama niya. "He is not an influencer or a celebrity so can you please move" Seryoso at may diin nitong sabi. "Taray" Singhal ng isa, hindi niya nalang ito pinansin at nag lakad na, sinundan naman siya ni Caelan. "Ganito ba talaga dito? Bakit feeling ko celebrity ako sa mga studyante dito" Natatawang sabi ni Caelan. "Shut up" Asar na singhal ni Alessia. Pagkatapos ng isang oras ay natapos na silang mamili at nag aantay nalang ng turn nila sa cashier ng may tumawag sakanya. "Ching is calling, sagutin ko lang" Paalam ni Alessia at kinuha ang phone niya sa bag niya at sinagot ito nang hindi lumalayo kay Caelan. "Speak" Bungad ni Alessia. "May nahuli mga tauhan na inassign mo ngayon na mag bantay sa pamilya mo na nag mamatyag sa bahay niyo" Napatigil si Alessia at napatingin kay Caelan na nakatitig lang sakanya. "Asan na sila ngayon?" "Nasa QC sila ngayon on the way here sa HQ" "Ok, susunod kami jan, make sure di sila makakaalis" Sabi ni Alessia at pinatayan ng tawag si Ching "Who is that?" Tanong ni Caelan sa gilid niya. "Ching, may nahuli sila" Simpleng sagot ni Alessia at tiningnan ang babae sa likod ni Caelan na naririnig ang usapan nila. "How?" "Sa bahay" Dalawang salita lang pero agad na naintindihan ni Caelan. "Saan ka ba naka park?" Tanong ni Alessia habang nilalagay ni Caelan ang mga binili ni Alessia sa isang cart. "Sa kabilang mall pa, wait me outside kuhain ko lang and I will pick you up" Sabi ni Caelan at inandar ang cart at kinuha ang bag na dala dala ni Alessia at nilagay din doon. Habang nag aantay si Alessia kay Caelan ay natanaw niya sa malayo ang mga dati niyang kaibigan na papunta sa sakayan ng jeep at pumila dito. Napangiti siya, dahil kumpleto parin sila at masaya. "Hi" Napatingin siya sa nag salita at isa itong lalaki na naka uniform parehas sa mga dati niyang kaibigan at may mga kasama itong tatlo pang lalaki. "Can I ask kung anong name mo sa sss or number?" Dagdag pa nito. "No" Plain nitong sabi at tiningnan ang mga tumatawid na tao. "How about bigay ko sayo number ko?" Pag babakasakali pa ng lalaki. "Why would I accept it?" Seryoso nitong sabi habang tinatanaw ang kotse ni Caelan na nag aantay na humupa ang mga tumatawid na nakatingin sakanila. "Ahh name ko nalang?" Hindi nalang pinansin ni Alessia ang lalaki dahil natanaw niya na ang isang old cadillac na papalapit sa kanya. "Uh--" Mag sasalita pa sana ang lalaki ng bumusina si Caelan. Open ang roof ng kotse nito kaya makikita ang loob kabilang na si Caelan na papalabas na ng kotse niya para puntahan si Alessia. "Move" Singhal ni Caelan at kinuha ang mga pinamili ni Alessia at nilagay sa likod ng kotse niya samantalang pumasok naman na agad si Alessia sa kotse. Parang tutang umurong ang mga lalaki at pagkatapos titigan ang mamahaling kotse na nasa harapan nila ay agad din silang tumakbo papaalis. "Kilala mo sila?" Bungad ni Caelan nang makapasok na siya sa driver seat at in-start na ang makina at pinaandar ang kotse. "No" Zhask Pov' Tanaw na tanaw namin mula sa malayo ang papadating na pamilyar na kotse ni Caelan na kakaparada palang sa harapan ng main house. "Kelan pa sila nag bati?" Pabiro ni Ying sa gilid ko, tumawa naman kami. Sinalubong ni Ching at ang kanyang kapatid kasama ang mga tauhan na nakahuli sa tatlong spy sa bahay ni Alessia sa pintuan ng main house. Bumaba naman kami mula sa veranda ng kwarto ni Atticus kung saan kami nakatambay ngayon at sinalubong din sila. "Nakausap mo na sila?" Tanong ni Alessia kay Kanos habang si Kanos ay titig na titig kay Caelan, habang si Caelan naman ay buhat buhat ang bag ni Alessia. "Ayaw nila mag salita" Sabi ni Kanos at binawi ang tingin kay Caelan ng tingnan siya pabalik nito. "Ok, walang papasok, ako lang" Sabi ni Alessia nang nasa harapan na kami ng pintuan kung saan nasa loob nito ang tatlong lalaki. Tumango naman kaming lahat samantalang si Caelan ay umupo sa malapit na sofa. Pagkatapos ng kalahating oras na titigan sa labas ng kwarto kung nasaan si Alessia ay sa wakas lumabas na din ito. "Anong nangyari?" Salubong ko. "Where is Atticus?" Tanong niya habang nakatingin kay Caelan. "Nasa meeting siya ngayon ng dad niya, sinama siya" Sagot ni Ching. "Ok, call Dimitri" Utos niya saaming lahat, kumilos naman si Ying agad. "Why do you need to call him?" Tanong ni Caelan. "I have a proposal to him" Sagot niya at dumeretso sa elevator ng HQ, sumunod naman kaming lahat. "Sumagot mismo saakin si Damitri, he said give him 3days to prepare including his flight from Russia to here" Sabi ni Ying habang kumakain kami ngayon. Nandito kaming lahat ngayon- sila Kanos, Alex, Daniel, Finn, Harper, Ying, John, and Kurt sa kanan habang si Caelan, Ako, Igor, Pabel, Ching, Fai, Lim, at Zhen sa kaliwa. Habang si Alessia sa gitna namin lahat. "Asan si Atticus?" Seryoso niyang sabi at tumingin kay Kanos. "Wala kaming update sakanya, gusto mo ba pasundan natin kela Li?" Tanong ni Kanos at tumingin kay Caelan. "No, call him sabihin mo kailangan naming mag usap ngayon din" Halata ang pag ka seryoso at inis sa tono na sabi ni Alessia. "Ano bang nangyari? Bakit bigla mong pinatawag si Dimitri at ngayon urgent na makausap mo si Atticus?" Curious na tanong ni Finn. "I will make him pay" Maikling sagot ni Alessia, nag katinginan naman kaming lahat. Ano ba ang nangyayare? "Kumain na tayo" Dagdag pa niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD