Confused.
That is what i'm feeling this past few days. I can't explain my feelings. All i know is when he's near my heart beats so fast and i feel so conscious about my self.
My whole life I never felt insecure about myself but since the day i met him, I always feel insecure and i'm starting to hate him for making me feel insecure unconsciously.
After that night nahihiya na ako tuwing nagkakasalubong kami. Sa klase I always try my best not to look at him. Di ko alam, basta nahihiya ako at kinakabahan tuwing malapit siya. O kahit nga makita ko lang siya sa kalayuan.
"Excuse me." Napatalon ako sa gulat at kumabog ng matindi yung puso ko ng may biglang nasalita sa likuran ko. Nakaharang pala ako sa pintuan kaya nakatingin sakin yung mga kaklase ko.
"You, okay?" napatingin ako kay keiro ng tanungin niya ko paglabas namin. PE namin ngayon at papunta kaming gym. Ako lang mag-isa, ewan ko nasan yung tatlo. Sabay-sabay ba namang umabsent? Pinagplanuhan siguro nila at baka nakaligtaan ko dahil sa pagiging lutang nitong nakaraang araw.
"Uh, yeah ofcourse, i am." nakatungong sabi ko. Hindi parin ako makatingin sa kanya dahil sa hiya at kaba na nararamdaman.
Simula ng gabing yun parang may nag-iba sa kanya. Lalo na sa turing niya sakin. Hindi ko alam pero medyo, medyo lang naman, bumait na siya sakin kahit na mailap parin siya sa iba.
Nakakapanlumo lang kasi dati gustong-gusto ko na palagi niya akong pansinin at kausapin pero ngayon naman na ginagawa na niya kahit hindi lagi pero atleast diba? Pero yun nga lang, ako naman yung naiilang sa kanya. Hay, mundo!
Pagdating namin sa gym sinalubong naman agad kami ng teacher namin at nag-discuss lang siya sandali tapos yung remaining time pinalaro niya lang kami. Dahil hindi ako killjoy, sympre sumali ako.
May mga naglalaro nga basketball sa gitna at may nagba-badminton sa right side ng court at kami dito sa left side nag-vo'volleyball.
"Ako, ako." sabi ko ng nag set yung setter namin at hinampas ko yung bola pakabila. Naka score kami dahil hindi nila nasalo yung tira ko.
"Ang galing mo talag triana."
"Oo nga, mero ka pa bang hindi nalalamang gawin?"
"Maganda na, matalino at talented pa. Sana all nalang talaga triana."
Natawa namang ako sa mga pinagsasabi nila.
"Kayo talaga, naka chamba lang yun nu." sabi ko nalang at nagpaalam muna sa kanila na iinom ng tubig.
Lumapit ako sa bench kung saan nakalagay yung mga gamit namin. Natanawan ko na may naka upo roon at nagbabasa na naman ng libro niya.
Nagdalawang isip pa ako kung lalapit ba ako o ano kaso uhaw na uhaw na talaga ako at nasa labas pa yung water dispenser.
Teka? Bakit ba kasi ako nahihiya, wala naman akong ginawang nakakahiya ehh. Bala na nga.
Lumapit ako sa bleachers kung saan naka lagay yung tubig at towel ko. Nahihiya akong lumapit dahil doon talaga siya umupo sa tabi ng mga gamit ko.
"Bakit hindi ka sumasali sa boys?" kaswal na tanong ko. Hindi ko pinahalata ang pagkailang baka tuluyan na talaga akong mapahiya.
Tumingin siya sakin, tumitig pa nga. Iniwas ko yung tingin ko dahil sa naiilang nga ako.
"Ayoko." Bumalik na naman siya sa pagiging tipid niya sa salita. Tumango nalang ako. Gusto ko pa sanang umupo at magpahinga sandali kaso nandito siya.
Bumalik na siya sa pagbabasa niya. Habang umiinom ng tubig hindi ko maiwasang pagmasdan siya. Ang ganda ng mga daliri niya ang puputi at ang hahaba.
May napansin ako na parang kulay blue sa dulo nga daliri niya. Tinta siguro ng ballpen. Ang kinis talaga ng balat niya parang mas makinis pa siya kesa sakin ehh. Tinignan ko yung mukha niya walang ka pores-pores sa mukha. Ang tangos pa nung ilong at tuwid na tuwid. Yung bibig niya ang nipis-nipis at pinkish. Ang mga mata niya kung titignan mo lang napa ka lambot pero once na siya na yung tumingin sayo makakaramdam ka talaga ng kaba at takot. It's not his eyes but the way he will look at you that can makes you shiver in coldness that his eyes holding.
Nagulat ako ng sinalubong niya yung tingin ko. Kumalabog ang dibdib ko, hindi ko alam kun kaba, takot o ano. Ngayon na nakatingin ako sa mga mata niya parang ayaw ko ng umiwas pa. Napakasarap sa pakiramdam ang hinahatid ng kanyang mga tingin. Na parang sa lahat ng problema mo ay kaya ka niyang e'comfort sa tingin palang.
Nagtitigan kami ng ilang sandali. Seryoso lang lang ang emosyon na makikita mo sa mukha niya pero ang expression na makikita mo sa mga mata niya ay napakadami at naghahalo ngunit lumalamang ang lambot ng kanyang tingin. It's like he's looking at something fragile.
"TRIANA!" napaiwas agad ako ng tingin ng makaramdam ng hiya. Tumingin ako sa tumawag sakin. Si Calliyah, class president namin.
"Cally?"
"Tawag ka ni sir sa office niya. May itatanong daw siya sayo." Nginitian ko siya at tinanguan.
"Okay, salamat."
Tumalikod na ako ng tuluyan sa kanya at pumunta na sa office ni sir. Kumatok muna ako bago pumasok. Nakita ko si sir na nakaupo sa sa swivel chair niya behind his table.
"Goodmorning sir, pinatawag niyo daw po ako?" bati ko sa kanya. Agad naman siyang tumingin sa akin at ngumiti. Tinanguan niya ako at giniya yung upuan sa harap niya.
"Goodmorning, yes triana. Actually gusto ko lang itanong sa'yo if willing ka bang sumali sa volleyball team ko? Alam mo na sa batch niyo medyo kulang yung players natin." Naalala ko na coach rin pala si sir sa volleyball. Every grade level mayroong coach at siya yung coach sa grade 12.
"Uh, sir alam niyo naman pong hindi talaga ako nag lalaro ng volleyball. Maalam lang po ako pero hindi po talaga ako magaling." nahihiya na sambit ko.
"Last year mo naman na ito sa high school kaya lubus-lubosin mona. At saka nakita na kitang maglaro at masasabi kong may potensyal ka. Sumali kana triana kahit ngayong sportfest lang dito sa school." nahihiyang ngumiti ako kay sir at sinabing pag-iisipan ko muna.
Kailangan ko rin kasing mag focus sa acads ko lalo na't graduating rin ako and running for valedictorian.
Medyo natagalan ako sa office ni sir kaya paglabas ko ay wala na yung mga ka klase ko.
My eyes widen at natulos sa kinatatayuan ko ng makita ko si keiro. Nandoon parin siya naka upo sa bench. Katabi ng mga gamit ko. Hinintay niya ba ako? Or binantayan niya lang yung gamit ko? Or both?
OMG! No erase, erase. Napaka assuming mo naman triana.
"Uh, thank you sa pagbabantay ng gamit ko. Sana hindi kana nag-abala at nauna na sa room. Hindi naman mawawala yan dito." Plastik na tumawa ako ng mahina para itago yung hiya ko.
"No, i was waiting for you." Napatingin ako sa kanya. Tama ba yung narinig ko? Hinintay niya ako? Why? Teka.
"Huh?" tanong ko ulit. Naninigurado lang ang hina kasi ng boses niya. Hindi ako sigurado aa narinig ko dahil pabulong lang niyang sinabi yun.
"Nothing." Sagot lang niya bago tumayo na at nagsimulang maglakad na palayo. Napatulala naman ako sandali.
Nang matauhan ay patakbo akong sumunod sa kanya hindi mawala yung ngiti sa mga labi ko.
That, made my day..