Chapter 1

1167 Words
'Your smile brighten my day, thanks for your existence' Sweet, but not brave enough para magpakilala. Isa lang ito sa mga letter na palagi kong nabubungaran kada bukas ko ng locker ko. Nasanay na ako na araw-araw may ganito, minsan may pa-chocolates at flowers pa nga. Nakakahiya namang tanggihan kaya tinatanggap ko na rin. I don't know but a lot of guy always flocks for my attention. I'm okay naman with that, so far wala namang mga aggressive suitors na namimilit kaya, okay lang. "Wow, ang ganda mo talaga sizt no? Every morning, walang palya, mas dumadami pa!" pang-aasar ni Keisha, bestfriend ko. Minsan nakakainis nalang talaga kasi napakarami ko pa namang gamit na nilalagay dito sa locker ko tapos andami pang letter na tinatabunan yung mga gamit ko. "Gusto mo sayo nalang? Tinatamad na'kong magbasa. Parang paulit-ulit nalang kasi yung iba." Natatawang sabi ko pa. Binabasa ko naman talaga kasi syempre nag-eeffort naman sila nu and i appreciate their efforts din naman. "Natatapos mo bang basahin lahat 'yan? Eh andami niyan ahh." parang bilib pa sakin na sabi keisha. Ngisi lamang ang sinagot ko sa kanya. Nagpatuloy na ako sa pag hahakot ng mga letter at nilagay sa isang zip bag ko para maging malinis at maaliwalas naman tignan yung locker ko. Pagkatapos kong maglinis ng locker ay kinuha ko na ang PE uniform ko at nagpalit. PE yung first subject namin ngayon kaya nandito halos lahat kaming mag ka klase sa locker para magpalit. Tamang-tama ng naka ayos na kaming lahat ay nag ring yung bell kaya nagpunta kami agad sa gym at nakita namin na nag se-set up si sir, mag vo-volleyball daw kami ngayon. Boys laban sa girls. "Goodmorning sir Tan" bati naming mga studyante kay sir yung iba ay tinulungan pa si sir na patapos narin sa pag se-set up. "Goodmorning Students" bati sa amin ni sir ng natapos na siya, nagsimula narin mag discuss sandali si sir at nagsimula na ang laro. Hindi kami nag papasiklaban at nag-eenjoy lang kami na parang naglalaro lang kaya hindi namin namalayan yung oras na next subject na pala dapat. After naming magpalit ay dali-dali na kaming pumasok sa classroom namin at nag sorry lang sa teacher dahil late ang klase namin ng 10minutes. Nagsimula na agad si ma'am sa pag discuss. Medyo lutang pako, science kasi hindi talaga ako fan ng science. Dati favorite ko pato ehh, nung nasa elementary pero ngayong high school ayoko na sa kanya. Natutulala nalang ako sa board na parang nakikinig pero hindi naman naiintindihan ang pinagsasabi ni ma'am. Hayyy Parts of the body, andaming term na hindi ko maintindihan, mga pangalan ng bawat organs at part ng katawan hindi kopa mabasa yung iba ang hirap i-pronounce. Nasa kalagitnaan ng klase ng may biglang kumatok, napatingin kaming lahat sa pumasok na lalaki. Studyante rin, matangkad, chinito, tama lang ang laki ng katawan na pang teenager talaga, naka eye glasses siya at maganda ang ayos ng buhok. Sa unang tingin hindi mo mapapansin ang kagwapohan niya pero kun titigan ng mabuti ay doon mo siya maappreciate. Ang kutis niya ang maputi at makinis, dark and long ashes, chinky eyes, high and slightly pointed nose, thin and pinkish lips. Ang gwapo niya, di ko alam pero ang lakas ng t***k ng puso ko. Kung titignan mo siya parang hindi siya papansinin pero parang palagi ko siyang mapapansin kahit saan siya magtago at magpunta. "Goodmorning ma'am, 12B-1 po?" Shetttt ang ganda ng boses niyaaa, nakakakilig!! Feel ko pag kumanta 'to ang ganda-gandang pakinggan. "Yes, and you are, mister?" si miss celes. "Keiroshi Mendez po, uhmm sorry i'm late po galing pa po kasi akong PO po." tuluyan na siyang pumasok, maganda ang tindig niya, lalaking-lalaki at na se-sense ko na na suplado siya!! "Oh, okay, so you're the transferee. Please, introduce yourself Mr. Mendez first, then you may take your seat at the back" sabi ni ma'am. "Goodmorning, I'm Keiroshi Mendez." At naglakad na siya sa likod para umupo. Yun na yun? Wala man lang age? Family background? Taken or single? And ready to mingle? Ang boring naman niya! Duh! Umupo siya sa may likuran kong parte. Nasa 4th row ako siya naman sa 5th and last row nasa gitna bahagi kami. Nilingon ko siya at nginiti'an, agad naman siyang tumingin sakin pero walang reaction na makikita sa kanyang mukha, ay ang cold. "Hi, I'm Triana Hazel Cartney." Pagpapakilala ko sa kanya sabay lahad ng kamay. Tinignan niya lang ang kamay ko na parang takang-taka pa siya kun anong ginagawa ko. Nangangalay na ang kamay ko pero hindi niya parin inaabot at nakakunot lang ang kanyang noo. "Hi? Uhmm nangangalay na yung kamay ko baka naman may balak kang abutin?" may halong sarkasmo kong sabi sa kanya, tinanggap niya lang sandali at binitawan agad, ni hindi ko man lang naramdaman yung kamay niya! Parang hangin lang na dumampi sa kamay! Anu ba yan!!! "Ang sungit mo naman, nakiki friends lang ehh." Nakangusong sambit ko at binalik na yung tingin sa harap at nakinig nalang. Natapos na yung klase at lunch time na. Agad kaming dumiretso sa cafeteria kasama ang mga kaibigan. Umupo sa nakasanayang pwesto, iniwan ang gamit sa lamesa at tumayo para umorder ng pagkain. Medyo late na kami dinismiss kaya marami-rami na rin yung students sa canteen. Glass window yung cafeteria kaya kitang-kita din ang dami ng estudyante sa labas kun saan naman may mga mini-resto at dito sa loob ay puro mga fastfood na stall lang. Ang init-init sa labas kaya dito nalang kami sa loob bumili ng pagkain. "Keish, doon ako bibili sa kabila. Sa table nalang tayo magkita." tumango lang si keisha kaya naglakad nako palapit sa isang stall. Umorder agad ako at habang naghihintay sinabi ko muna na bibili lang ako ng milktea sa malapit na stall at babalikan nalang. Okay lang naman daw kaya yun ang ginawa ko. "What flavor miss? And sugar level?" tanong ng crew. "Red Velvet, 100%" sagot ko, dalawa lamang silang crew ang nagbabantay kaya may nag-oorder din sa tabi ko. "Red Velvet" Sabi ng crew sabay abot ng milktea. Paghawak ko sa milktea ay nabigla ako ng may humawak rin sa kamay ko na may hawak ng milktea. Napatingin ako at nagulat ng makita ko ang mayara ng kamay na nakahawak sa kamay ko. "Keiroshi.." pabulong kong sambit habang naka tingin parin sa kanya, hindi man lang niya ako sinulyapan kahit sandali at nakatingin lang siya sa milktea na hawak ko. "That's mine." He said coldly, pointing at the milktea. "No, it's mine. I ordered first." sabay hablot ng milktea, hindi niya naman binitawan kaya nag-agawan kaming dalawa. "Look at the detail first before claiming." Tinignan ko yung flavor, red velvet naman pero yung sugar level 50% lang. Sa inis ko ay pinagduldulan ko sa kanya yung milktea pero hindi ko inaasahan yung nangyari. Napahigpit yata yung paghawak ko kaya bumulwak yung milktea at natapunan yung uniform niya! "Red Velv--" napatigil din yung crew at napasinghap sa nangyari. Oh-ow... Lagot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD