Buong magdamag akong lutang sa kakaisip sa nangyari kanina. I'm sure i'm not hallucinating or hearing things or day-dreaming that time. It is really his voice.
Ugh! So frustrating!!
~~flashback~~
"And no, you're not disturbing me" Gulat na napalingon ako sa kanya.
"May sinabi ka?" sabi ko sa kanya. Mabuti ng sigurado sizt no.
Tinignan niya lang ako ng may pagtataka at saka umiling-iling at binalik ulit yung atensyon sa libro niya.
"Meron ehh, narinig ko kaya yun!" agap ko pa sa kanya. Hindi man lang ako tinignan. Nagbabasa lang siya na parang walang naririnig.
Hello? Hindi po ako hangin dito no?
"I thought you're going." hindi yun patanong. Parang nagdedemand pa nga. Ha! Napaka talaga! Napaka lang talaga.
Walang lingong-lingon ay padabog akong naglakad hanggang sa makalabas ako ng pintuan ng classroom namin. Badtrip siya!
~~End of flashback~~
Nakakabaliw lang pare ehh, ay ewan! Ayoko ng isipin! Gusto kong mag enjoy ngayong gabi!
"Guys, tara sa dance floor!" Excited na sabi ni Keisha, she looks extravagant tonight with her pink cocktail dress. It really suits her, with her light make up her beauty has been highlighted. Alisha is wearing red with a mixture of black cocktail dress and a dark make up that made her aura more fiercer than she is. While gesiah, wearing her peach colored dress and also light make up her soft featured has been defined, so looks so sweet and mahinhin which she really is.
Ako naman, wala lang. Simple lang naka jeans at shirt. Di joke lang. I'm just wearing my simple dark blue halter dress and a medium make up na tama lang para bumagay sa outfit ko.
Kanina pa kami rito, the dinner has been served and tapos na rin halos lahat so others are having fun and socializing. We've been here for almost 2 hours already. Syempre bawal yung liquor because of freshmen and ofcourse all of us here are minors.
And i've been looking for him the whole time. Kung hindi ko lang talaga kasama ang mga kaibigan ko lilibutin ko na tong buong social hall namin ehh.
Sabi niya pupunta naman daw siya, nasaan na kaya siya? May kasama ba siya? Nakikipagkaibigan kaya siya?
"Gurls, powder room lang." again hindi kona hinintay yung sagot nila at dumiretso na akong maglakad. Pumunta ako sa part kun saan pwede kong makita yung buong hall.
Hindi ata kaya ng taas ng heels ko na makita ang buong paligid. At saka dim na yung ilaw at nagsimula na ring umilaw yung disco lights kaya mas nahirapan akong maghanap. Kaya na isip ko nalang na libutin yung buong hall.
At yun nga yung ginawa ko. Nilibot ko yung buong hall, para nga akong nangangampanya kasi kada table na madaan hindi maiwasang makipagbatian sa mga kakilala man o hindi. Pinapansin nila ako at minsa ini-invite pa sa table nila pero hindi rin ako nagtatagal at naglibot na ulit.
Habang tumitingin-tingin sa paligid namataan ko yung pamilyar na tindig. Nilapitan ko siya nakatalikod kasi at kinalabit.
"Triana!" paglingon niya ay gulat siyang tumingin sa akin.
"Shan!" maligayang bati ko sa kanya. Ilang araw ko din siyang hindi nakasalamuha sa school siguro dahil busy.
"Kamusta? Asan sila keisha? Bakit ka mag-isa? Kakadating mo lang ba? Kumain kana?" sunod-sunod niyang tanong na ikinatawa ko naman.
"Ayos lang, may hinahanap lang ako. Nandoon sila keisha, sabay kaming dumating kanina pa." sagot ko sakanya sabay turo sa kinaruruonan nila keisha.
"Anong hinahanap mo? Kailangan mo ba ng tulong?" OMG! Oo nga pala may hinahanap ako! Umiling lang ako sa kanya, sinabing hindi na kailangan at nagpaalam na ako sa kanya.
Naglakad ako sa medyo hindi crowded na mga table at hindi nga ako nagkamali. Nandoon siya. Nakaupo sa isang gilid habang umiinom ng ice tea.
Tinitigan ko mua siya at hindi lumalapit sa kanya. He looks dashing with his white button-down polo and black slacks. Naka one-sided din yung buhok at hindi siya naka suot ng glasses kaya mas lalo siyang nakakagaw ng pansin lalo na sa mga babae. Maraming lumalapit sa kanya at nakikipag-usap pero tango at iling lang yung sagot niya. Halatang hindi interesado.
Lalapit na sana ako sa kanya ng may biglang umupong babae sa harap niya. The girl is pretty, with her wavy long hair, white skin, tall and curvy body. She looks like a goddess.
Napakunot ang noo ko ng makita kong kinakausap niya yung babae. Mas lalong lumukot yung mukha ko ng ngumiti siya at tumawa pero tipid parin.
Nacurious ako sa pinag-uusapan nila kaya medyo lumapit ako, pupwesto sana ako sa likuran ng babae ng may biglang dumaan sa harap ko na may dalang baso na puno ng apple juice kaya nagkabanggaan kami. Nabigla ako ng natapunan niya yung damit ko pero mas nabigla ako ng hindi lang pala ako kundi pati yung babaeng kinakausap ni keiro. Hala!
"What the!?" sigaw ng babae ng humarap siya sa babaeng nakatapon ng juice sa damit niya. Kawawa kulay white pa naman yung dress niya at fitting pa.
"I'm sorry, hindi ko sinasadya. Binangga niya kasi ako ehh." napalaki naman yung mata ko nga bigla niya akong tinuro. Aba? Nabasa rin naman yung damit ko ahh.
"Sorry, bigla ka kasing dumaan ehh--" hindi kona pinagpatuloy pa at baka mag away pa kaming tatlo.
"Sorry, I'm sorry. Hindi ko kasi kita napansin na dadaan ehh. Sorry ulit." nakakahiya naman nakakaagaw na kasi kami ng pansin sa mga malapit samin.
Tumango lang yung babaeng may dalang juice at umalis na medyo basa rin yung laylayan ng damit niya. Napatingin naman ako sa babaeng kausap kanina ni keiro at nakatingin siya sakin ng masama bago ako inirapan. Aba't, attitude ka sizt?
Napairap ako ng nilahadan ng tissue galing sa table yung babae. Bakit pa? Eh may panyo naman siya ehh, yan nga pinangpupunas niya diba?
Duh? Nabasa rin ako at wala akong panyo o napkin na dala? Hindi niya ba ako oofferan? Napaka talaga! Ugh!
Lumapit ako sa table nila at kumuha ng table napkin para pamunas sa damit ko. Nararamdaman ko na may nakatingin sa akin pero hindi ko na pinansin.
Umalis na ako at dumaan ako sa harap nila papuntang pintuan. Alam kong hindi diyan ang daan papuntang exit pero meron namang daanan medyo kalayuan pero okay na rin. Para lang makalabas ako.
Nasakalagitnaan ako ng paglalakad ng makaramdam ako ng ginaw. Shett! Nakalimutan ko yung mga gamit ko sa table namin nila keisha. Wala akong dala kahit cellphone dito. Pano ngayon yan, eh ang layo kona.
Parang gusto ko nalang umiyak sa hindi ko maintindihan kung bakit. At hindi ko na talaga mapigilan. Bakit ba ako umiiyak? So what if he cared about her? I should mind my own business. I should not care about him, about them. So what if she made him smile? She made him laugh? I don't care! He's so suplado. Ayoko na sa kanya!
"Ugh! Napaka suplado mo talaga! Pangit ka! Pangita!" I shouted out of frustration. I don't know what's happening to me. Hindi naman ako ganito dati.
Napaupo nalang ako sa bench at napahawak sa mukha ko para umiyak. Hindi ko man alam kung bakit ako umiiyak ay hinayaan ko nalang bumuhos yung mga luha ko.
"Stop crying. Here, wipe your tears and dry your dress also." unti-unti akong nag-angat ng tingin sa nagsalita sa harap ko. Anong ginagawa niya dito? Sinundan niya ba ako? O napadaan lang siya dito?
Nahihiya man ay tinanggap ko yung panyo niya at pinunasan yung mukha ko. Baka mukha na kong zombie dahil sa baka nasira na yung make up ko.
"Thank you... Uh, sorry nadumihan ko pa yung panyo mo. Balik ko nalang bukas sa monday." hindi ako makatingin sa kanya kaya nakatungo kang ako habang sinasabi yun sa kanya.
Narinig kaya niya ako? Malamang may pasigaw-sigaw pa kasi ehh. Pwede naman sabihin lang. Sigaw pa nga.
"No need, you can keep that." tumango nalang ako at hindi parin makatingin sa kanya. Akala ko aalisa na siya ng makaramdam ako ng init na pumalibot sa braso ko. Pagtingin ko may coat na nakayakap sa braso ko.
"You might catch a cold. I gotta go, goodnight" sabi niya at tumalikod na't naglakad ng diri-diritso. Walang lingon-lingon.
Why is he suddenly being nice to me? Keiro, what are you doing to me? You're confusing me..