"What are we doing here?" Inis na tinignan ko siya. Kanina pa siya tanong ng tanong ehh. 'Di nalang sumunod.
Hindi ko siya sinagot at lumapit ako isang stall kun saan may mga panindang isaw. Isang beses pumunta kami dito nina keisha , wala lang trip lang namin atsaka na curious kami sa lasa nito kaya tinry namin at ang sarap pala. Kaya minsan pumupunta kami dito para kumain nga isaw, kwek-kwek, fishball at kung ano pa.
"Hoy hali kana, dalii" Hinatak ko siya dahil tumatayo lang siya sa gitna na parang batang nawala.
Nang mahatag ko siya sa isawan ay binigyan ko agad siya ng isa. Tinignan niya iyon na parang sinusuri.
"What's that?" Inosenteng tanong niya habang nakatingin parin sa isaw. Sarap batukan naman nito eh.
"Pagkain. Kinakain yan, dyan ohh isawsaw mo. Masarap yan!" Excited na sambit ko. Kinuha niya ito para hindi kainin kundi para tignan ng mabuti. Parang tanga.
"Hoy, kainin mo. Wag munang tignan baka ikaw kainin niyan." Takot na ibinalik niya yung isaw sa lalagyan kaya napahalakhak ako sa tawa. Parang tanga kasi yung reaksyon niya ehh. Takot sa pagkain.
"I don't wanna eat that." Sabi niya at medyo lumayo sa tindahan. Natatawang hinatak ko siya at kumuha ako ng isa, sinawsaw ko sa maanghang na sawsaw at kinain sa harap niya.
Kunot-noong tinignan niya ako na parang hinihintay niyang may mangyari sa isaw na nasa loob ng bibig ko.
"Masarap, promise!" nilahadan ko siya ng isa. Hindi niya kinuha kaya sinawsaw ko at tsaka iniumang sa bibig niya. Napatingin naman siya sa akin na parang sinisigurado niya na hindi lason yung pinapakain ko sa kanya.
"Ahh. Bilis, nangangalay na yung braso ko keiro." nagkunwari akong masakit yung braso ko. Inilalayan ko pa ng isa kong kamay para mas effective yung acting ko.
Napangiti ako ng kumagat siya. Nakangiwing ninguya niya yung isaw habang nakatingin sakin ng masama. Maya-maya'y inagaw niya sa kamay ko yung stick at pinagpatuloy yung pagkain. Manghang napatingin ako sa kanya ng kumuha pa siya ng sunod-sunod at kumain.
Hindi ko na nabilang kung pang ilan na niyang kain yun at natawa nalang ako sa reaksyon niya. Parang sarap na sarap kasi siya ehh. Pang-anim na sigurong kuha niya ay pinigilan ko na siya. Naku! Baka magkasakit 'to, parang hindi pa naman sanay sa mga ganitong pagkain.
"That's enough, baka sumakit yung tyan mo. Ito tikman mo." natatawang sambit ko at sinubuan siya ng kwek-kwek, ngayon walang alinlangan niya ng kinain yun. Mukhang nasarapan naman siya kaya sinubuan ko siya ulit. Ang cute lang niya para kasi siyang bata kung kumain.
Lahat na yata natikman namin, tawa ako ng tawa kada may matikman siyang bago at tumitingin sakin tsaka ta-tango tango na parang bata, kumikinang pa yung mga mata niya. Ancuteee!
Buong magdamag tawa lang kami ng tawa sa mga pinanggagawa namin. At nang mapagod na kami ay umupo kami sa bench. Hinihingal pa kaming dalawa dahil sa kakatawa, muntik na kasi kaming madapa.
"Wait, Be right back." Tumayo ako sa bumili ng tubig at softdrinks sa malapit na stall. Pagkatapos ay bumalik naman agad ako sa kanya. Napangiti ako ng makitang lumilinga-linga siya sa paligid.
Kulay orange na yung ulap dahil sa papalubog na araw. Ang hangin ay medyo maginaw na rin dahil sa malapit ng gumabi.
"What d'ya want?" tanong ko sakanya sabay lahad ng dalawang inumin. Kinuha naman niya yung tubig atsaka ininom ng dire-diretso.
"You, okay?" tanong ko sa kanya. Medyo namumutla kasi siya at hinihingal parin. Okay na man na ako 'di na ko nahihingal dahil sa pagtakbo namin pero parang mabigat parin yung paghinga niya.
"Yeah, just tired." sagot niya at inubos na yung laman ng tubig niya.
"Are you sure? Namumutla ka keiro." Nag-aalala na talagang sabi ko. Napatingin ako sa kamay niya namumula iyon na parang namamaga. Napatingin din siya doon at tinago yung kamay niya.
"I'm fine. Let's go home." sabi niya at tumayo na. Nag-aalangan pa akong tumayo kasi parang may iba talaga sa kanya.
"Magpahinga muna tayo keiro." hinatak ko siya paupo ulit. Wala naman siyang nagawa at umupo nalang ulit.
Hindi ko naman ginawa para sa kung ano lang. Nag-aalala talaga ako sa kanya baka kasi kun ano mangyari sa kanya pagpinilit naming umuwi na agad. Medyo malayo-layo pa kasi yung dinadaan ng sasakyan dito.
Napatitig ako sa kanya at medyo nawawala na yung pag-aalala ko dahil mukhang nagiging okay naman na yung paghinga niya at hindi na namamaga yung kamay niya.
Tumayo ulit ako at naglakad para bumili ng tubig ng hinawakan niya yung kamay ko.
"W-where are you going?" Kinakabahang timingin siya sa akin na nagpakunot ng noo ko.
"Uh, bibili lang ulit ako ng tubig. Babalik din agad. Unti-unting binitawan niya yung kamay ko, napatitig naman ako sa kanya ng umiwas siya ng tingin ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Ayos lang ba siya? Kinakabahan ako baka kung mapano siya. Malagot pa ako kung may mangyari sa kanya ng masama. Masyado ko siguro siyang pinagod.
"Here, uminom ko ulit ng tubig tapos pahinga lang tayo ng sandali at uuwi na tayo. Mag-gagabi narin kasi." Nilahad ko sa kanya yung tubig at kinalahati-an niya namin agad iyon. Tumingin ako sa palagid. Marami paring tao dito, karamihan ay magkakasintahan. May ibang magpamilya at may mga bata rin na naglalaro.
"Thank you." Napatingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa mga bata na naglalaro. Napatingin din ako doon at napangiti ng makitang naghahabulan sila at nagtatawanan.
Ang sarap maging bata. Walang problema. Walang sakit. Galos at sugat lang yung masakit. Ang sarap maging inosente nalang sa lahat ng bagay. Yung wala ka ng ibang iisipin kundi makapaglaro lang at makasama yung mga magulang mo.
"For?" tanong ko nasa mga bata parin yung tingin bago tumingin ulit sa kanya.
"Just thank you. For this day. For bringing me here." Napangiti naman ako dahil sa sinabi.
Should i say that is should be the one thanking him? He made my day extra special. I enjoyed my day with him. With that thought my heart went wild. My heart beats so fast. Napaiwas ako ng tingin ng maramdaman kong uminit yung pisngi ko.
"You're welcome and thank you also, dahil sinamahan mo ako." ngumiti ako kahit na hindi ako nakatingin sa kanya, ramdam ko kasi yung titig niya at naco-conscious na naman ako. Kanina hindi ko naman naramdaman 'to. Kahit nung kumakain kami. Nakatingin pa nga siya sakin.
Hindi na siya sumagot at tumayo na. He put his both hands inside his pocket while habang nakatingin sa paligid.
"Let's go. The night is coming, baka pagalitan ka." He said without glancing at me as he started to walk away. Napailing nalang ako. Bumalik na naman yung supladong keiroshi! Hays.
Napaka-moody naman niya. Sobra pa siya sakin tuwing may period ako ah.
Sinabayan ko na siya sa paglalakad. Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa daan na dinadaan ng mga sasakyan. We book a ride separately. We're going to the different direction, that's why.
When our ride came. Pinauna niya ako sa sasakyan. Binuksan niya yung pinto ng sasakyan sa likod.
"Kuya, can i borrow your ID po?" takhang tumingin ako sa kanya. Nakita ko namang ngumiti yung driver at binigay naman agad yung ID niya. Keiro took a picture of the ID then he type something on his phone.
I was just sitting at the back sit, watching him confusedly at the door. After a seconds he look at me.
"Borrow your phone." Siya at nilahad yung kamay niya.
"Why?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Just let me, for a seconds." He said, now irratated. I lend it to him, he manipulated it a bit then give it back to me. He closed the door, knock on my window and duck level on the car windows.
"Take care of her manong." He said to the driver and manong just nodded at him.
"Text me when you got home." I nodded kahit na lito parin ako sa nangyayari.
"Okay, ingat ka." Sabi ko sa kanya.
"Yeah, take care too and.... Happy Birthday." After he said that he stand straight and tap na roof of the car. Then he walk back to his ride and got in.
What did just happened?
He really is confusing me. Each day. Really.
"Ang swerte niyo po sa boyfriend niyo maam. Ang sweet at ang bait. Gwapo pa, bagay po kayo." Napatingin ako kay manong driver ng bigla siyang magsalita. Nginiti'an kolang siya at umiwas na ng tingin.
Keiro. What are you doing to me? Why are you like this? You're confusing me. Can someone enlighten me, please...