"Alam mo bang hindi yan nagsasalita simula palang ng bata siya? Minsan na iinis nalang yung mga kumakausap sa kanya lalo na yung gustong makipaglaro sa kanya dahil sa kasupladuhan niya." natawa naman ako sa kwento ng mama ni keiro. Hindi naman umiimik si keiro at umiiwas lang ng tingin. "Naku, hanggang ngayon naman po tita. Ganun pa rin po siya. Pati nga ako nainis din dahil sa pagiging snob niya. Ako na nga po yung unang nagpakilala pero tinignan niya lang po ako. Kung hindi ko siya sinabihan na nangangalay na yung kamay ko hindi niya talaga aabutin." nakangusong sumbong ko. Natawa naman yung mama at papa ni keiro. "Oh diba? Kaya nga hindi na namin inaasahan na may makakasundo siya, lalo na sa babae. Si athena lang talaga yung ka close niya. Kasi simula ng mga bata sila nung sa spain p

