Pagkatapos naming kumain ay pinauwi ko na agad siya dahil nakikita kong mukhang pagod na talaga siya. Umakyat na agad ako sa taas pagkatapos ko siyang ihatid. Naligo, nagbihis ng pangtulog at binlow-dry ang buhok. At nang humiga na ako sa kama ay hindi agad ako dinalaw ng antok, nakatitig lang ako sa kisame. Hindi ko alam pero hindi ako mapakali. Inabot ko yung cellphone ko sa side table pero tinitigan ko lang naman iyon. Hindi alam kung anong gagawin. Nakauwi na kaya siya? Kanina pa siya nakaalis ah. Bakit hindi parin siya tumatawag? O kahit text man lang. Naghintay pa ako ng kalahating oras pero hindi pa rin siya tumatawag. Hindi ko na talaga na tiis pa at tinawagan na siya. Nagri-ring lang pero walang sumasagot. Sa ikatlong subok ko ay dalawang ring palang pero pinatay na ng nas

