Days by passed so fast, today is saturday. I'm preparing myself for today's errands. I'm so excited today!
Well, he doesn't have any idea who his partner is. I really did make sure that we won't know. Actually only I and andrea knows about me, accepting her offer.
Ayokong ipagkalat na sumali ako. And ofcourse, gusto ko ring masurprise yung mga friends ko.
This monday, there will be a program where all the candidates will be introduced. Doon ko nalang siguro ipapaalam sa kanila.
The whole week, i never showed any hint to anyone that i'll represent our batch. Baka bigla na namang mangulit si clayton. Nakakaumay na siyang pakinggan sa mga cringe lines niya.
And ofcourse, buong linggo ko ring hindi kinulit si keiro. Nakakatawa nga minsan parang ini-expect na niya na kukulitin ko siya tas pag nanapatingin ako sa kanya kinukunutan niya agad ako ng noo. Hindi ko naman siya iniiwasan magka group parin naman kami at kung may mga katanungan sumasagot naman kami.
Kinakausap kolang siya kung related sa schoolworks, unlike before na puro nonsense lang lahat. Maybe after this weekend, magsisimula na naman akong mangulit sa kanya hihi.
After preparing myself, i had a little chat with my parents over breakfast, they even walk me to the door. I kissed them and bid my goodbye, then got inside our car.
After 15 minutes nakarating na ako sa school. I only wear my high waisted jeans, white turtle neck shirt and a flat shoes. I also bring my silver high heels, because that's what andrea's instruction.
Today we'll gonna have a practice on our walk with our partners para sa program na he'held sa monday.
Binilisan ko yung lakad ko ng makitang 5minutes na late na ako sa calltime. Napasarap yata yung pakikipag-usap ko sa parents ko. I already told them about the pageant, my mom even offered na magpaturo sa friend niyang model. I declined, ofcourse . I'm fine with my own.
"Goodmorning, sorry i'm late." Nakita ko silang lahat na papaupo na sa isang bench. We are here at the covered gym of the school. There are 6pairs of us , representing our batch. From freshmens to seniors .
Napatingin silang lahat sa akin, gulat agad ang gumuhit sa mga mukha nila na agad napalitan ng mangha ng makita ako.
"Hello triana."
"Goodmorning triana."
Bati ng iba sa kanila. Ang iba naman ay ngumiti at tumango lang. I greeted back and smiled at them. My eyes quickly search for him and when I spotted him, dumiretso agad ako paupo sa katabi niyang upuan.
Napagi-gitnaan ako ng dalawang boys. Siya at yung G11 represenative ng kanilang batch. Tahimik na nakatingin lang siya sakin na parang inobserbahan niya hanggang sa makaupo ako sa tabi niya .
"Hi triana, goodmorning" agad akong napatingin sa kaliwa ko.
"Goodmorning to you too, josh." bati ko at ngumiti. Namula naman agad siya at umiwas ng tingin. Cute, napaka baby boy ng aura niya. Isa rin siguro siya sa mga campus crush at sikat sa batch nila.
Napatingin ako sa kanan ko na blankong tingin agad ang sumalubong sakin.
"Goodmorning." bati ko ng may ngiti sa labi. He did not respond. He's just looking at me.
Hindi kona siya kinulit ng dumating na yung teacher na yung facilitator na mag re-rehearse samin.
Nagsimula na silang magbigay ng instruction para sa mga gagawin namin ngayon. Pagkatapos nila mag instruct ay pinapalit na nila kami ng mga high heels at pinapunta na sa gitna.
Pagkatapos kong magpalit ay tumayo na akong ng bigla akong ma out of balance at matumba ng sinalo ako ni keiro.
"Careful." natayo ako ng maayos at napatingin sa kanya. Napaiwas din agad dahil sa naiilang ako.
"T-thank you." sabi ko tumango lang siya at nag simula ng maglakad papunta sa gitna. Mabagal yung lakad niya kaya naabutan ko pa siya.
Tahimik lang kami buong practice hindi rin kami masyadong nagkikibu'an. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya kakausapin. Medyo nahihiya rin ako. Kasi kung titignan mo siya parang wala talaga siyang interes na sumali at napilitan lang. Nagu'guilty rin ako.
Should i tell him the truth?
Maybe wag na? Baka kapag tumagal magustuhan niya rin sumali? Friendly naman kasi halos lahat ng candidates,well siya lang naman ang hindi.
We started practicing our walk. Hindi naman na kami nahirapan dahil halos lahat ng girls ay sanay na maglakad ng naka high heels at yung mga boys ay may mga tindig na pasok naman sa taste ng instructor.
"Okay good, magsimula na tayo sa gagawin natin sa monday. Lalabas kayo from the back stage then you will meet your partner half way." ang instructor. Tumango kami at pumasok na sa backstage. Alternate yung pwesto balik 3 kaming girls dito sa left at 3 rin sa right. Ganun rin sa boys.
"Ayos kalang?" napatingin ako kay josh. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Magka-edad lang kami ni josh, dapat ng magkasing batch kami pero di ko alam sa kanya baka late na siya na enroll or what. At saka baby face talaga siya kaya 'di halata na magkasing age kami.
"Okay lang, medyo kinakabahan lang. First ko kasi." sagot ko. Namamawis na yung mga kamay ko. Kapagkinakabahan kasi namamawas yung kamay at noo ko, tapos namumutla rin ako.
"Wag kang kabahan, maganda ka parin naman kahit anong mangyari." pambobola niya, natawa kami pareho dahil sa sinabi niya. I feel at ease a bit.
"Ikaw talaga josh, napaka bolero mo. Girlfriend mo ba yung partner mo?" tanong ko sa kanya ng napasulyap ako sa partner niya.
"H-huh? P-pano mo nasabi?" namumula yung tenga at pisngi niya kaya natawa ako.
"Ang sama kasi ng tingin niya sa'tin lalo na sa'kin. Baka pag-awayan niyo ko ah. Yoko nun." tatawa-tawang sabi ko. Napangiti naman siya ng konti at hindi na sumagot.
Josh looked at his partner Portia. Parang humihingi ng sorry sa tingin. Umirap naman sa kanya yung babae at napatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya, hindi siya ngumiti pabalik at umiwas lang ng tingin. Ang cute nila hihi.
Napasulyap ako sa likuran ni portia. Kanina ko pa nararamdaman na may nakatingin sa akin. He's looking at me intently, like i did something horrible.
I stared at him back with confusion on my face. He just shrugged and looked away. I have a feeling na manunuyo ako mamaya. Napairap nalang ako sa kawalan at nakinig nalang sa instructor ng tumayo ito sa harapan.
We did what we are told to do. Isa-isang lumabas ang magka partner from backstage then they meet half way at sabay na naglalakad papuntang harapan. Pose a bit then maghihiwalay and tatayo sa gilid.
Nakaramdam ulit ako ng kaba ng makitang kami na ang susunod na lalabas.
Act normal triana, act normal.
I sighed deeply before going out from the back stage. I walk with poise and confidence. But my confident slowly fading when i met his eyes. Muntik pa akong madapa pero hindi iyon nahalata dahil hinawakan niya agad ako sa beywang.
His eyes never leave mine. So i decided to look a way to bring back my sanity. Binitawan na niya yung beywang ko at sabay kaming naglakad sa harapan. We pose a bit, with his arms again on my waist, my one arm on his neck, the other one on his chest while looking at the imaginary audience. Narinig ko yung hiyawan ng ibang candidate na agad natahimik ng sinaway sila ng facilitator.
After a second we walked away from each other to the different path and respective lines. We pose a bit at the side then met again our partner at the center. Made a horizontal line then pose and walk back to the backstage.
The instructor said we did well kahit na first try palang, only just there are some that lacks of chemistry but full of awkwardness. Especially the freshmen, so we encourage them to boast their confident. They loosen up a bit when they feel comfortable.
Pinaulit kami ng isang beses pa ng instructor kaya bumalik kami sa backstage. We are comfortable with each other, kaya hindi rin nagtagal ay nagiging maingay na kaming lahat dahil sa tawanan at tuksuhan. Pero bumalik din agad sa pagiging seryoso ng nagsimula na yung practice.
This time the freshmen's improved. The instructor complimented them while they are walking on stage. Everyone is actually good, walang maiiwanan kasi walang hindi magaling. It's just that right now i can't feel any competition between all of us. We are just enjoying it together.
Pumasok na kami ni keiro and this time hindi na ako nagpa apekto sa kanya. I met him half way. We hold hand then walk together in front. I giggled in my thought. I'm holding his hand again. It's been a week. We did our pose again, but this time i feel comfortable with him not tensed.
Then did the last part and walk back to the backstage. So far the instructor look satisfied with our first performance so he told us, that tomorrow we can have our 'getting to know each other' instead of rehearsal so that we can develop and boast our confidence more. And also to build up our friendship with each other.
He will let us to enjoy our time tomorrow. He will still come to have a little interaction with us but will not stay longer because tomorrow is sunday. After the little meeting he dismissed us.
"Ate triana, ang pogi naman ng partner. Bagay na bagay kayo!" kinikilig na ani angel yung pinakabata sa amin. Ngumiti ako sa kanila ni sofia, siya naman yung G8 representative.
"Transferee ba siya ate? Ngayon kolang siya nakita. Boyfriend mo ba ate?" nagulat pa ako. Nasa likuran ko pala si Charry, she's the G9 representative.
"Yes, transferee siya. Pero 'di ko siya boyfriend. Crush lang." naghagikgikan naman kaming apat at napatingin kay keiro. He's already looking at me.
"Nakatingin siya sa'yo ate!" kinikilig na ani angel. Namula naman agad ako at umiwas ng tingin. Para nakong bata dito.
"Ang swerte mo naman ate naka partner mo yung crush mo." napatingin ako kay sofia. Nagkatinginan kaming tatlo nina angel at charry. Napasulyap rin ako sa partner ni sofia na si nathan. Tulad ng sabi ko walang maiiwanan samin. Gwapo rin siya at baby face rin.
"Di mo ba talaga crush? Hmmm." panunukso ko sa kanya. Namula naman siya.
"Uy, hindi pala ahh." panunukso nilang dalawa.
"Ate, sabing hindi." naiilang na natatawa na sabi ni sofia. Tinawanan namin siya. Nagtuksuan lang kami hanggang sa makarating sa bench.
Napatingin ako kay keiro habang inaayos ko yung mga gamit ko. Umiwas siya ng tingin at naunang naglakad palabas ng gym. Anyare dun?
Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na ako sa mga kasama namin at lumabas na. Nagmadali pa akong lumabas, nagbabakasaling maabutan pa siya. Paglabas sa gym ay nagpalinga-linga ako.
My eyes widen when i saw him standing outside the gym. Like he's waiting for someone.
"Keiro..." napatingin naman siya sa akin.
"Are you waiting for someone?" takang tanong ko at sumulyap pa sa loob. Nakaupo pa yung iba naming kasama, yung iba ay nag-aayos pa.
Napatingin ako sa kanya. Nakatitig na naman siya sakin.
"Keiro?" parang natauhan naman siya at umiling. Naglakad na siya palampas sa akin, takang sumunod naman ako ng tingin sa kanya.
He's so strange this past few days. Weird.
Sinabayan ko siya ng sa paglalakad.
"Keiro, i have something to tell you." he looked at me but didn't say a word, he just nod.
I should tell him the truth. I know he's still uncomfortable but i can see that he's trying to keep up with the others. I will tell him the truth and that's final.