Episode - 2

2503 Words
Maaga akung bumangon dahil nitong mga nakaraang gabi halos hindi na ako nakakatulog ng maayus. Magaan langi ang tulog ko kunting ingay lang nagugulat na ako. Isipin ko palang ang mangyayari natatakot na ako. Bakit ang sarili ko pang kapatid ang magdadala sa aking sa madilim na bukas. Hindi ba dapat siyang nagpoprotekta sa akin. Kinapa ko sa tabi ng aking unan ang orasan kung pambisig na plastik para makita kung anung oras na. Alas kuwatro y medya na ng umaga. Maingat akung bumangon, bumababa ng kama at halos patingkiyad akung naglakad pasilip sa aking pinto, tama natutulog pa si Kuya Samuel sa pinaka sala ng aming barung-barong hubad baro ito at naka itim na jersey short. Kitang- kita ang malapad niyang katawan na kinahuhumalingan ng mga matronang mga kapit bahay namin. Kung minsan sakin pa sila nakikiusap na pansinin naman daw sila ng kuya ko. Dahil nakukulitan na ako sa mga babae, sinabi ko sa kanya ang mga pinasasabi ng mga babae, pero binatokan lang niya ako, kaya buhat nuon hindi ko na rin pinapansin ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Madilim pa kaya bumalik ulit ako sa kama ko at nakiramdam kung may kakaiba sa paligid ng bahay namin pero wala naman akung marinig na kahit ano maliban nalang sa mga huni ng mga insikto sa may damuhan malapit sa bahay namin. Alam kung maraming takot kay Kuya Samuel kaya halos walang lumalapit sa amin bahay lalo na kung andito siya sa bahay. Kaya lang madalas naman hating-gabi at lasing na kung umuwi, hindi rin ako sinasagot ng maayus pagtinatanong ko. Ang laki na ipinagbago niya mula ng maging asawa ng Mama namin si Papa Arthur mabait naman ito pero ayaw na ayaw ni Kuya dito. Kaya ng mamatay si Mama si Papa Arthur ang sinisi niya at sapilitan niyang pinalayas ito sa bahay namin bago niya ibinenta at ipinambayad daw sa mga utang. Mula nuon ibang Kuya Samuel na ang nakikita ko, nawala ang mapag-mahal at maalalahaning na dati kung Kuya. Nabarkada siya sa mga tambay natutung magbisyo. Hindi rin malinaw sa akin kung anung ikinamatay ni Mama, kung anung klase ba ng sakit ang dumapo dito. Kapatid ko lang siya sa ina kaya magkaiba kami ng apelyidong dinadala. Isinunod ni Papa Art ang apelyido ko sa kanya simula ng magsama sila ni Mama. Bukas na ang kaarawan ko kaya ganito na lang ang kaba at takot na lumulukob sa aking katawan. Naluluha nalang ako at nanalangin na sana magbago ang isip ni Kuya Samuel. Bumaba nalang ako saking kama at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko, tulog na tulog pa rin siya. Dumiretso ako sa maliit naming cr at ginawa ang dapat gawin bago pa ako magluto ng almusal namin. "Maganda umaga po Nanay Belen, ready na po ba ang paninda ko?" Magiliw kung tanong habang abala siya sa paglalagay ng mga kakanin sa mga bilao. "Magandang umaga Tina." Ganting bati niya. "Masyado ka naman yatang maaga ngayon." Aniya sakin, pero hindi na ako nagkomento pa, hinila at isinukbit ko nalang saking leeg ang pinaka tali ng bilaong may lamang limang klase ng kakanin na ilalako ko. "Alis na po ako." paalam ko at ngitian siya, sabay ng pagtalikod ko upang magsimulang maglakad patungo sa aking distinasyon kung saan ako makikipagsapalaran sa araw na ito. Sa ganitong paraan nababawasan ang takot at panginginig ng aking kalamnan. Maghapon namaman akung tatayo at mapapalad-lakad para sundan ang mga tao at suyuin ang mga itong bumili ng aking paninda. Minsan may mga tao talagang hindi kami naiintindihan, nababastos at nililibak dahil mahirap at medyo wala sa ayus ang amin pananamit. Pero andito ang buhay namin dito kami kumikita ng pang-araw-araw namin, pambili ng aming kakainin. Ito na ang araw na aking kinatatakutan. Dapat masaya at masigla ako dahil debut ko ngayon, pero ibayung kaba at takot ang aking nararamdaman. Kinalma ko ang aking sarili na wala parin halos tulog sa magdamag. Alas kuwatro pa lang ng umaga, pero mulat na mulat pa rin ang aking mga mata. Isang oras lang yata ako nakatulog o baka wala pa nga. Naupo lang ako sa ibabaw ng aking kama at niyakap ang aking mga tuhod, pilit ko rin pinakakalma ang aking sarili sa panginginig nito, takot sa mangyayari mamaya. Alam kung hindi umuwi si Kuya Samuel, dahil maya't maya akung sumisilip sa labas ng bahay namin, hindi ko rin nadinig ang ugong ng kanyang bulok na motor na kung hindi itulak hindi tatakbo. Nagpaikot-ikot pa ako sa loob ng aming bahay at nag-isip ng dapat gawin. "Relax ka lang, para makapag-isip at makakilos ka ng wasto, ikalma mo ang sarili mo and act nomal para hindi ka mahalata. Umarte ka ng parang artistang napapanuod mo sa mga pilikula, para maging kapani-paniwala ang lahat." umaligawgaw sa utak ko ang tinuran ng aking mga kaibigan. Tama sila hindi dapat ako magpadala sa takot. Pero kailangan ko pa ring mag-ingat, dahil nasa tabi ko lang ang panganib. Ang ahas na tutoklaw sa aking ano mang oras mula ngayon. Lumabas na ako sa likod bahay namin dahil ang cr nasa likod bahay. May mga timbang may laman tubig na pambuhos sa toilet bowl at pambaligo. Luminga-linga pa ako bago pumasok sa cr na ni walang bubong at tanging pinagtagpi-tapi lang ng mga sako ang pinaka-dingding, ganuon din ang pinto, kailangan din nakaupo lang pagnaliligo dahil hanggang dibdib ko lang ang dingding at pinto. Pinagpatong-patong na malaking tipak na bato naman ang pinaka sahig, wala naman kaming kapit-bahay sa likuran namin dahil private lot na ang tabi namin na napapalibutang ng mga barbed wire, na kung minsan pinapasok ko at nililibot pag wala akung magawa. Matapos akung maligo, pagluluto naman ang kailangan kung harapin para makakain at makaalis na upang makapagtinda ng maaga ng makarami ng kita. "Oy, Tina, Happy birthday!" Bati agad sakin ni Nanay Belen ng makita niya ako. "Salamat po Nanay Belen." aniko. "Eto regalo ko sayo, tingnan mo kung kakasya sayo, kung hindi pwede naman daw natin ipalit." aniya sabay abot sa aking ng tatlong paper bag. "Maraming salamat po Nanay Belen. Ang gaganda po nito." puri ko sa mga t-shirt. Pinasadahan ko ng tingin ang dalawang maong pants na alam ko naman sukat ko ayun sa size na nakita ko. "Mamaya ko nalang po kukunin pag-uwi ko para maisuot ko na bukas." Dagdag ko pang tuwang-tuwa. Pero sa kabila ng tuwa ay kakambal nito ang takot sa dibdib ko. Tulad ng araw-araw na gawain ko, tagaktak na ang aking pawis at paubus na din ang mga kakanin kung tinda. Mamaya iba naman ang ilalako kung paninda. Habang lumilipas ang mga oras mas lumalakas din ang kabog ng aking dibdib at nananalaging sa huling sandali magbago ang isip ni Kuya Samuel. Kaya gusto ko rin umuwi ng bahay para malaman kung ano ang nangyayari. Pilit din umuukilkil sa aking isip ang mga payo ng aking mga kaibigan, kaya kailangan ko talaga ng lakas at tapang ng loob pag-uwi ko ng bahay namin. Hapon na ng makauwi ako samin barung-barong, bit-bit ko ang mga pinamili ko para sa hapuhan at almusalan namin ni Kuya Samuel nasa kabilang kamay ko naman ang mga paper bag na regalo sakin ni Nanay Belen. Agad akung dumirtso sa banyo para maglinis ng katawan dahil sa sobrang pawis at alikabok pakiramdam ko napakalagkit ng aking katawan. Ilang sandali palang ng lumabas ako ng cr, dinig ko na ang pupugak-pugak na ugong ng motor ni Kuya Samuel kaya ramdam ko nanaman ang matinding kaba sa'kin dibdib. Pilit kung kinakalma ang aking sarili ng makita kung papasok na ng amin bahay si Kuya Samuel. "May tubig pampaligo ba pa tayo?" Tanong agad niya sakin pagpasok niya ng bahay. Kita ko rin ang paglamlam ng mga mata niya na agad din umiwas ng tingin sa akin. "Mero pa Kuya." Agad kung tugon na may kaba, buti nalang at hindi ako nautal. Naghuban na siya ng pangitaas niyang damit at dumiretso sa maliit namin banyo. Agad din akung naghanda para magsaing dahil bumili na ako ng kalahating letsong manok para ulam sa hapunan namin. Nanginginig man ang aking kamay pero pilit kung pinakakalma ang aking sarili. Puro paghinga ng malalim at pagbuga ng hangin ang aking ginagawa para kumalma ng kaunti. Nag-isa-isa na ding nagdatingan ang mga barkada ni Kuya Samuel, halos panginigan ako ng buong katawan lalo na ng binati nila ako, kita ko sa mga mata nila ang hindi ko mabigyan ng kahugan dahil hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin ng mga sulyap nilang may kasamang lihim na pagngisi. May mga dala silang mga nakasupot, ilang bote ng alak at soft drinks. May malaki din silang tipak na yelo na may mga ipa pang palamuti. "Kristina, ilabas mo 'yun pitsel." sigaw ni kuya sabay lapag niya ng yelo sa may pintuan ng bahay namin. Agad ko naman binuhat ang yelo pero dumulas sa aking mga kamay. "Ako na magbubuhat kunin mo nalang 'yun pitsel." Pautus niyang turan sakin at binasa pa niya ng laway ang labi niya gamit ang kanyan dila habang nakatitig sa mga labi ko. Kaya halos hindi ako makahinga sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Para siyang asong naglalaway. "S-sige pakipatong nalang sa may lababo." saad kung nauutal. "Happy 18th birthday." bulong niya sa may punong tenga ko na nagbigay ng matinding kilabot at takot sa akin. Kasunod ng pagbungo ng braso niya sa braso ko na ikinayanig ng buong katawan ko, buti nalang at nakahawak ako sa bangko sa tabi ko. Nauutal din akung nagpasalamat sa kanya. Nanginginig ang aking mga kamay na hinila ang pitsel sa ilalim ng lababo at hinugasan. Tinanaw ko pa silang abalang-abala sa mga ginagawa. May naghihiwa ng pusit at may nagpapabaga ng uling para pag-ihawan nila. Nanginginig ang aking kamay at tuhod pero kailangan kung magpakatatag para mailigtas ko ang aking sarili sa kapahamakan kaya ilang malalalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at umakto ng normal. "Kuya Samuel lagyan ko na ba ng yelo 'yung pitsel." Sigaw ko sa may pintuan, kita kung naglingunan silang sabay-sabay sa gawi ko maliban kay Kuya Samuel. "Sige, huwag mong pupunuin." Balik sigaw din niya na hindi na nag-aksayang lingunin ako. Agad ko naman tinaga-taga ng medyo maliliit ang yelo. Kasabay ng paghulog ko ng yelo sa pitsel ang isang tabletang binigay sakin ng mga kaibigan ko. Kinuha ko rin ang isang sandok at isang bote ng soft drinks. Pilit ko pa ring kinakalma ang nanginginig kung mga kamay. "Lagay ko na rin ito?" tanong ko at itinaas ang hawak na bote ng alak. "Inilagay ko na rin 'yun soft drink." dadag ko pa. Matapos kung ibuhus sa pitsel ang alak agad kung hinalo yun ng sandok. "Kuha lang ako ng mga baso." saad ko at mabilis naglakad papasok sa bahay. Paglabas ko ng bahay nakaupo na sa harap ng maliit na lamesita ang mga barkada ni Kuya Samuel kaya inilapag ko na sa harap nila ang mga baso. "Kristina, maglabas ka ng platito at tinidor." maya-maya sigaw ni Kuya Samuel. Bawat galaw ko'y alam kung sinusundan ng tingin ng mga kabarkada ni Kuya Samuel. Mukha silang mga hayuk sa laman na ano mang oras ay manununggab. Nasa ihawan naman si Kuya Samuel hindi niya ako tinitingnan nakayuko lang siya, malamlam ang kanyang mga mata, hindi ko rin kababakasan ng ano mang saya sa kanyang mga mata. Kanina pa niya ako iniiwasan tingnan. Matapos kung ibaba sa lamesita ang platito at tinidor agad din akung bumalik sa loob ng bahay, kita kung halos mangalahati na ang lamang inumin nila sa pitsel. Nagkubli ulit ako sa dingding ng bahay at matamang nakikiramdam kung ano ang susunod nilang gagawin. Maya-maya pa umupo na rin si Kuya Samuel sa tabi ng mga kabarkada niya at nagbubulungan sila, na kahit anung dikit ko ng tenga ko sa dingding hindi ko mawawaan ang pinaguusapan nila. "Kristina, pahinging baso!" muli'y sigaw ni Kuya Samuel kaya agad akung lumabas ng bahay at inabutan siya ng baso. "Tina join us, birthday mo naman ngayon." Alok sakin ng barkada ni Kuya na si JR. "Thank you nalang hindi naman kasi ako umiinum." tugon ko at tipid na ngumiti. "Soft drink lang naman iinumin mo." ani pa ng isa, at inabutan ako ng isang baso ng soft drink. Nanginginig ang kamay kung inabut 'yun, habang nakayuko lang si Kuya Samuel, nakatitig lang siya sa basong hawak. "Upo ka nalang dito." dagdag pa niya. Pigil na pigil ko ang aking sarili na huwag mahalatang natatakot at nanginginig maging mga tuhod ko. "O-ok, wait lang lalagyan ko lang ng yelo, hindi na kasi malamig." aniko at bago pa ako tumalikod sa kanila tinungga ko ang baso at inipun sa bibig ang soft drink. Pagpasok ko sa kusina agad ko rin iniluwa ang laman ng aking bibig at itinapon ang soft drink na laman ng baso sa lababo, pinalitan ng iba. Halos maubus ko na ang laman ng baso ko ng biglang tumunog ang aking tiyan na ikinalingun nilang lahat, maging si Kuya Samuel na may malamlam na mata ay tumingin sakin. "Ang init naman Kuya." usal ko, at tiningala si Kuya Samuel sa tabi ko, ihinilig ko pa ang aking katawan sa kanyang balikat. Ipinaypay ko rin ang aking kamay sa aking mukha. Kita ko rin sa giliran ng aking mata kung paano magtaas baba ang mga adam apple ng mga barkada niya. "Kuya ang pogi mo naman." saad ko at hinimas pa ang kanyang mukha, hindi naman siya umiimik, nakayuko lang siya. Kinurot ko pa ang t-shirt ko sa tapat ng dibdib ko inangat-angat 'yun na para bang init na init talaga ako. "S-sandali lang cr lang ako, kumukulo ang tiyan ko." aniko at mabuway na tumayo na para bang mabubuwal ako, na ikinangisi naman ng mga kabarkada ni Kuya. Halos pagapang din ako umakyat sa dalawang baitang na hagdan ng aming bahay. "A-ang aninsangan naman." usal ko na alam ko naman dinig nilang lahat, kasabay ng pagtaas ko ng laylayan ng aking suot na t-shirt. Idinikit kung mabuti sa dingding ang aking katawan pag-pasok ko sa loob ng bahay para hindi nila ako makita, maging ang tenga ko ay nakadikit ding maigi sa dingding at sinisilip sila sa siwang ng dingding ng barung-barong namin. "Eto sa akin eight thousand ako ang babasal." Mayabang na turan ni JR at binilang isa isa ang lilibohin sa harap ni Kuya Samuel. "Sige five thousand sakin, ako susunod sayo." ani pa ng isa. Habang nakayuko pa rin si Kuya. Ibinaba nila isa-isa ang mga lilibohin nila sa tapat ni kuya. Nakangisi silang tumanaw sa barung-barung namin na ikanayanig naman ng buong katawan ko. Kung hindi pa ako nakakapit sa bangko baka natumba na ako sa lakas ng tambol ng aking dibdib, nanginginig din ang mga tuhod ko, pero pilit kung pinaglalabanan ang aking takot na nadarama dahil kung pababayaan ko lang ang sarili kung manaig ang takot malulubog ako sa putikang kumunoy. . . . . . . ......................................................... please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD