"Nakaayos na ba ang lahat ng gamit n'yo?" Tanong ni Donya Ezmeralda sa amin. Hanggang ngayon ay naiilang pa din akong tawagin s'ya na Lala. "Tapos na po." Si Ate Susie na ang sumagot. "Ang señorito n'yo, nasaan na sila?" "Lala,nandito kami. Namiss mo na po ba agad kami?" Si Sir Rhydien habang pababa ito sa hagdan. Nakangiti ito at nakatingin sa lola n'ya. At nang bumaling ito ng tingin sa akin ay napayuko na lamang ako. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa nito kaninang umaga sa akin. "Ibibilin ko lang ulit sa in'yo na h'wag na h'wag n'yo na pahihirapan si Haliyah,dahil ako ang makakalaban n'yo." "Don't worry Lala, magiging behave kaming lahat." Si Sir Rhydien pa din ang kumakausap sa lola nila. Ang mga pinsan n'ya ay lumapit lamang dito at tila may ibinulong. Wala naman akon

