Charmaine Nagising ako isang umaga dahil sa malakas na sigawan. Tila ba may kumosyon na nangyayari sa may sala. Agad akong napabangon nang marinig ko kung sino ang nag-aaway. Si Leighton at Jordan! Marahan kong binuksan ang pinto ng aking kwarto para marinig ko ang kanilang usapan. Natatakot ako sa dahilan ng kanilang pag-aaway. "Eh sa naiinis ako sa kanya!!! Huwag mong ipagpilitan sa akin na gustuhin sya!" Narinig kong sigaw ni Jordan "Kung ayaw mo sa kanya. Huwag na huwag mo syang aawayin o pagtataasan ng boses!" Malakas na sigaw naman ni Leighton. Napahawak ako sa aking dibdib nang malaman na ako ang puno't dulo ng kanilang matinding bangayan. "Nakita mo ba ang ginawa ng magaling na babae na yan sa polo ko? Sinira lang naman nya dahil nagmamarunong sya!" Galit na galit n

