Leighton Pitong buwan ang lumipas at naging parang normal na lang sa amin ang magpababalik balik sa ospital dahil sa kalagayan ng aking anak. Sa tuwing ipapasok sya sa ospital ay tila may kumukurot sa puso ko. Mistulang hindi ko kakayanin sa tuwing makikita ko ang aking anak na nahihirapan dahil sa kanyang sakit. Mabuti na lang ay hindi pa rin nagsasawa si Ehra na tulungan kami. Dinamayan nya ako kasama ng aking pamilya habang hinaharap ang lahat ng aming problema. Habang pinapakain ko si Charleigh Maine ay napansin ko na nagpapawis ang kanyang noo at leeg. Agad ko naman itong pinupunasan. Hindi ko alam kung bakit sya pinapawisan ng matindi gayung hindi naman mainit ang panahon. Habang sinusubuan ko sya ay napansin ko din ang pamumutla ng kanyang mukha. Ang kanyang labi ay halo

