Charmaine Paggising ko isang umaga ay wala sa tabi ko si Leighton. Gee! Where the hell is he? Simula nung araw na umuwe akong lasing ay naging mailap na ako kay Leighton. Lumayas na kaya sya ng mansyon ko? Napailing na lang ako. Bumangon na ako sa aking kama. Wala akong pasok ngayon. Wala rin akong pupuntahan kaya dito lang ako sa mansyon maghapon. Pagbaba ko sa kusina ay naririnig ko ang malakas na hagikgikan nila Leighton, Manang at Rio! Ano pa ba ang inaasahan ko sa lalaking ito? Gumising sya ng maaga para makipaglandian sa katulong kong si Rio. Nag-umpisa na namang balutin ng galit ang utak at puso ko. Galit.. at selos? Ito ang kombinasyong nararamdaman ng puso ko. Nakaarko ang mga kilay ko habang papalapit sa kanila. Nanginginig ang mga kalamnan ko habang pinagmamasdan k

