“ILANG araw kang absent dito Soli, a!”'
Napatingin ako sa salamin, at mula roon ay nakita ko ang repleksyon ni Candy. Nakatayo ito sa may hamba ng pinto ng dressing room habang naninigarilyo. Katatapos lang nitong magsayaw at wala pa itong customer kaya nagpapahinga na muna.
“May importante lang akong ginawa kaya hindi ako nakapasok ng dalawang araw,” pagdadahilan na sabi ko na lamang.
“Buti hindi ka pinagalitan ni Madam Deb na mag-absent ka ng dalawang araw?”
“Nagpaalam naman kasi ako kay Mama Lu, at siya na ang nagsabi kay Madam Deb na hindi ako makakapasok ng dalawang araw,” wika ko at muling ipinagpatuloy ang paglalagay ng make up sa mukha ko. Mayamaya lang kasi ay ako na ang aakyat sa stage para mag-perform, and after ng dalawang performance ko ay tapos na ang duty ko at puwede na akong umuwi sa bahay. Tutal at iyon naman ang napagkasunduan nina Madam Deb at Rufo nang magkausap daw silang dalawa. Sasayaw na lang ako at hindi na ako ta-table sa mga customer. Wala na rin naman ang Show Room sa akin at na kay Lacy na, kaya wala na akong gagawin dito sa DC pagkatapos kong sumayaw.
“Sayang ’yong SR mo, bes! Sana sa akin na lang ibinigay ni Madam Deb. E, malakas din naman ako sa customer, e!” anito.
“Hayaan mo na. E, marami ka namang customer gabi-gabi kaya malaki rin ang tip na nakukuha mo.” Saad ko habang naglalagay na ng mascara sa pilik-mata ko.
Nakita ko naman ang pag-irap nito at pinakawalan sa ere ang makapal na usok ng sigarilyo nitong nakaipit sa gitna ng dalawa nitong daliri. “Nako bes, minamalas nga ako dalawang gabi na rin. Lahat ng nagiging customer ko ang kukuripot magbigay ng tip. E, hindi nga ako makakabili ng bagong make up, panty at bra sa liit ng tip nila sa akin. Pangbili ko lang ng sardenas sa umaga ang nakukuha kong bayad.” Reklamo nito.
Natawa naman ako pagak. “Sus! Maniwala sa ’yo Candy! Ikaw pa ba? E, never kang nagkakaroon ng customer na kuripot, a!”
“Maniwala ka sa akin ngayon, bes!” anito at muling napairap. “Parang gusto ko nga tuloy humingi ng long leave kay Madam Deborah, e! Para naman makapagpahinga muna itong bulaklak ko.”
Magsasalita pa sana ako nang dumating naman si Mama Lu.
“Soli, ano na? Hindi ka pa rin ba tapos diyan?” nakatas ang isang kilay na tanong nito sa akin.
“Ito na po Mama Lu, tinatapos ko na ang mascara ko,” sagot ko.
“Let’s go na at ikaw na ang susunod.” Anito. “At ikaw naman Candy, may customer ka ng naghahanap sa ’yo sa labas. Pumunta ka na at baka mainip pa kakahintay sa ’yo. Sa halip na pangbili mo na ng fried chicken e, maging sardenas na naman.”
“Talaga, Mama Lu?” excited na tanong naman nito.
“Oo nga. Nandiyan si Mayor Santillan. Ikaw ang hinahanap.”
Kaagad namang nagkumahog si Candy palapit sa trash can at itinapon doon ang sigarilyo nitong hindi pa naman nangangalahati at pagkuwa’y dinampot ang purse nitong nasa ibabaw ng vanity table.
“Wait lang bes, a! Lalabasin ko lang si Mayor. I’m sure malaki ang tip ko ngayong gabi.”
“Good luck, bes!” nakangiting saad ko na lang.
Nang makalabas ng dressing room si Candy, umalis na rin si Mama Lu. Binilisan ko na ang paglalagay ng make up ko pagkatapos ay nagbihis na rin ako. Nang matapos ako ay lumabas na rin ako sa dressing room at tinungo ang likod ng stage. Nakasuot ako ngayon ng pulang bra at panty short na may design na parang sa belly dance costume at knee-high boots na kulay itim naman. Pinatungan ko muna iyon nang malaki at kulay itim na cotton jacket. Nang naka-ready na ako, saka tumugtog ang malamyos na kanta. At mayamaya ay nagdahan-dahan akong umakyat hanggang sa makalabas ako sa stage. Usual, marami na namang tao ngayon. While I was dancing, I looked around. I venture to see Rufo now in the audience. Because he told me earlier that I should go to his pad tonight, pero hindi nga ako nagtungo roon dahil pumasok ako ngayon dito sa DC. Pero hindi ko naman siya nakita sa crowd. So, malamang na nasa pad niya lang siya ngayon.
Pagkatapos ng unang performance ko, bumalik ako ulit sa dressing room para magpahinga saglit dahil sasalang ako ulit mamaya. May mga nagpunta pa ngang customer sa dressing room at gusto raw akong maka-table, pero mabuti na lang at kasama ko rin si Mama Lu, kaya ito na ang nagpaliwanag na bawal na akong tumable sa kahit sinong customer ng Diamond Club.
After ng dalawang oras, natapos na rin ako kaya agad akong nagpaalam kay Mama Lu na uuwi na ako dahil maaga rin akong papasok sa eskwela bukas.
Kinakalkal ko ang loob ng bag ko habang naglalakad na ako sa labas ng Diamond Club upang tunguhin ang sakayan ng jeep. Pero bigla akong napahinto dahil sa dalawang lalaki na sumalubong sa akin.
“Soli, available ka ba ngayon?”
Nangunot ang noo ko nang mag-angat ako ng mukha at tinapunan ko ng tingin ang lalaking nagsalita.
“Sorry, pero tapos na ang duty ko,” sagot ko at muling naglakad ulit. Pero muli rin akong napahinto nang humarang sa daraanan ko ang isang lalaki na kasama nito.
“Sige na, Soli. Kahit isang oras lang. Magkano ba ang presyo mo? Ikaw na ang bahala basta pumayag ka lang.” Anang lalaki sa akin.
Muling nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi nito. Well, kung hindi lang ganito ang klase ng trabaho ko, manggagalaiti ako dahil sa mga sinabi ng dalawang ito. Pero dahil nga club stripper ako, kahit alam ko sa sarili ko na malinis naman ako, wala akong karapatan na umaktong nabastos ako sa mga sinabi nito ngayon dahil ang alam ng mga tao ay marumi akong babae.
I sighed to control myself. “Hindi na nga ako puwede ngayon dahil tapos na ang duty ko. Kung gusto n’yong magparaos, humanap kayo ng ibang babae, huwag ako.” Kalmado na saad ko saka muling hahakbang na sana, pero pinigilan ako no’ng lalaking unang kumausap sa akin kanina.
“Teka lang!” anito. “Ang arte mo naman, Soli! Para ka namang hindi pokpok at nagpapapilit ka pa,” sabi nito.
Tumaas ang isang kilay ko at wala sa sariling sinampal ko ito nang malakas. “Ang bastos mo, a!”
Rumihestro sa mukha nito ang galit dahil sa sinabi at ginawa ko.
“Walang-hiya! Ako pa ngayon ang bastos? E, pokpok ka naman talaga, a!” galit ding saad nito at hinawakan ang braso ko. “Babayaran ka naman namin tapos nagpapakipot ka pa!”
“Ano ba? Bitawan mo nga ako!” singhal ko rito at nagpumiglas ako. Bigla na rin akong nakadama ng takot sa kung ano ang gagawin ng dalawang lalaking ito sa akin. God! Tahimik na ang lugar na kinaroroonan namin ngayon at bahagya pang madilim. Sino ang tutulong sa akin ngayon? “Sabing bitawan mo ako, e! Ano ba?” muli akong nagpumiglas.
“Sige na, Soli. Huwag ka ng maarte at pakipot.” Hinawakan na rin ako nang isang lalaki sa kabilang braso ko at hinila ako ng mga ito papunta sa sasakyan nito.
“Ano ba! Bitawan n’yo ako!” mas lalo akong nagpumiglas at nataranta. “Tulong! Guard, tulong! Tul—” hindi ko na natapos ang pagsigaw ko upang humingi ng tulong nang biglang takpan ng isang lalaki ang bibig ko at kinabig ng isang lalaki ang baywang ko at pilit akong binuhat. Nahulog sa semento ang bag ko. Panay ang pagpupumiglas ko habang nag-uumpisa nang pumatak ang aking mga luha dahil sa labis na takot ko.
“Put her down!”
Bigla akong napalingon sa lalaking nagsalita na nasa likuran ng isang lalaki na nagtatakip ng kamay nito sa bibig ko.
Nang bitawan ng lalaki ang bibig ko, “Rufo!” sambit ko sa pangalan niya. Tila, biglang nawala ang takot sa puso ko nang makita ko ang galit niyang mukha habang nakatitig sa lalaking nasa harap niya.
“Bro, huwag ka ng mangialam dito!” anito. “Kung naghahanap ka rin ng babaeng babayaran mo, humanap ka na lang—”
“I said put her down.” Mariin at galit na saad niya kaya hindi na natapos sa pagsasalita ang lalaki.
“Sige na bro, upakan mo na at ng makaalis na tayo.” Utos ng lalaking may hawak sa akin.
Kaagad namang kumilos ang isang lalaki at may kinuha itong kutsilyo mula sa tagiliran nito at sinugod si Rufo.
“Rufo, careful. May kutsilyo siya!” sigaw ko.
Pero hindi pa man tuluyang nakakalapit sa kaniya ang lalaki ay kaagad niya itong tinadyakan sa tiyan at hinawakan ang kamay at mabilis niyang inagaw ang hawak nitong kutsilyo. Nang matapon iyon sa semento ay sunod-sunod na suntok ang ibinigay niya rito. Hindi manlang nakalaban ang lalaki hanggang sa matumba ito.
“Rufo, watch out!” sigaw ko nang mabilis akong binitawan ng lalaki at sinugod din nito si Rufo na nakatalikod at akma na sana niyang lalapitan ang natumbang lalaki.
“f**k!” dinig kong daing niya nang pagkaharap niya sa lalaki ay natamaan siya ng suntok sa gilid ng kaniyang mga labi dahil hindi agad siya nakailag. “Damn.” Aniya at mabilis na ginantihan ng suntok ang lalaki.
Kagaya sa kasama nito ay hindi na rin ito nakalaban kay Rufo hanggang sa matumba ito sa semento at mawalan ng malay.
“Boss, sorry na!” anang isang lalaki. “G-gusto lang naman namin mainbitahan si Soli—”
“She’s my girlfriend, damn you!” mariing saad niya sa lalaki at muli niya itong tinadyakan.
“Rufo!” kaagad ko siyang hinawakan sa braso niya nang makalapit ako sa kaniya at hinila siya palayo sa lalaki. Baka kasi mapatay pa niya ito. “Tama na!” saad ko sa kaniya.
Malalim na paghinga ang pinakawalan niya sa ere habang nakatiim pa rin ang kaniyang bagang at nakakatakot pa rin ang kaniyang hitsura. Mariin pa ring nakakuyom ang kaniyang mga kamao. Hinawakan ko iyon.
“L-let’s go,” sabi ko sa kaniya saka ko siya hinila ulit.
At bago pa kami makaalis ay yumuko siya at kinuha niya ang bag ko saka niya hinawakan ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat bago siya umikot sa driver’s seat at lumulan doon.
Naging tahimik ang buong biyahe namin hanggang sa makarating kami sa pad niya. As soon as we entered there, he immediately took off his gray round neck t-shirt and his pants and walked to the bathroom.
Tahimik na naglakad na lamang ako palapit sa kaniyang kama at umupo ako sa gilid niyon. I just waited for him to finish his shower. After a few minutes, he came out with a towel around his waist. But just like earlier, he was still quiet.
Bakit? Galit ba siya sa akin? Kanina pa siya tahimik, e!
He walked closer to his closet and carelessly removed the towel wrapped around his waist, even though he was in front of me. Ako na lamang itong nahiya bigla at nagbaba ng mukha nang makita ko ang kahubdan niya. Later, when I peeked at him from the corner of my eye, he was already wearing boxer shorts, so I raised my face again and looked at him.
“A-are you mad?” hindi ko na napigilan ang magtanong sa kaniya.
Humarap naman siya sa akin ng nakapamaywang. Walang-hiya! Huwag mong ibalandra sa harapan ko ang katawan mo because I can see your solid-member bulging inside your boxer, Rufo. I might not control myself. Gusto kong sabihin iyon sa kaniya, pero pinigilan ko ang sarili ko.
Lihim na lamang akong napalunok ng aking laway at muling ibinalik sa mukha niya ang paningin ko.
“Are you mad at me?” I asked him again as I stared into his gray eyes that were still staring at me seriously.
“Your life was almost in danger earlier, Solana.” Sa halip ay seryoso at mariing saad niya.
The way he was staring at me now, I was the only one who gave up staring at him. I lowered my head and focused my eyes on my hands that were on my lap.
“If I hadn’t come to pick you up, I’m sure those two moron men would have taken you somewhere.” He said again.
“S-sorry.”
Oh, bakit ba ako nagso-sorry sa kaniya ngayon? I mean, ako naman itong nabastos kanina at muntikan na ngang dalhin ng dalawang lalaking iyon sa kung saan tapos ako pa ang pinapagaligan niya ngayon!
Nang maramdaman ko ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko, mabilis kong kinagat ang pang-ibaba kong labi, pero hindi ko rin napigilan ang tuluyang pagpatak ng luha ko.
Ugh, ang arte ko naman ngayon! Bakit naman ako umiiyak?
Magkasunod na singhot ang ginawa ko pagkuwa’y pinunasan ko ang luhang pumatak sa mga pisngi ko. And later I heard him sigh deeply as he stepped closer to me. He knelt in front of me at ikinulong sa mga palad niya ang mukha ko. Malamlam na ang mukha at mga mata niya ngayon kumpara kanina na kitang-kita ko ang galit niya. He also wiped my tears with his two thumbs, and after that, he pinned the strands of my hair behind my ears that fell in front of my face.
“I’m sorry,” mahinang sabi niya sa akin habang nakatitig siya sa mga mata ko. “I was just worried when I saw that those two morons were forcing you to come along with them,” aniya at nagtiim-bagang pa siya. “This is what I’m talking about, Solana. Kaya gusto kong tumigil ka na sa trabaho mong ’yon.”
Nakatitig lang din ako mga mata niya, at mayamaya ay bahagyang nangunot ang noo ko nang makita ko ang maliit na sugat at pasa sa gilid ng labi niya.
“I will talk to Deborah again.”
“Pero... n-ngayon lang naman ito nangyari—”
“At gusto mo pang maulit?” muling nag-iba ang tono ng boses niya. Pati ang titig niya sa akin na kanina ay malamlam na, ngunit magkasalubong na naman ang mga kilay niya.
Bahagya akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at napalunok ulit. “H-hindi,” sagot ko.
“Then don’t be hardheaded, Solana. I will talk to Deborah again to finish your contract with her club.”
Ewan, hindi ko naman ugaling nagpapadekta ako sa ibang tao kung ano ang gagawin ko sa buhay ko, pero hindi ko maintindihan kung bakit kapag si Rufo ang kausap ko ay napapasunod agad ako sa kaniya!
“Thank you for saving me, Rufo.” Mayamaya ay saad ko sa kaniya nang muli kong salubungin ang mga mata niya.
Unti-unti na namang lumalamlam ang mga mata at mukha niya at saglit niyang ipinagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga mata at mga labi ko bago walang paalam na sinilyuhan niya ng halik ang mga labi ako kaya bigla rin akong napatugon. Pero mabilis din siyang humiwalay sa akin.
“Ouch!” daing niya at napahawak sa sugat sa gilid ng labi niya.
“S-sorry,” sabi ko at kaagad ding hinawakan ang magkabilang pisngi niya upang tingnan ang sugat niya. Pumutok pala ang gilid ng labi niya at medyo nangingitin din iyon dahil sa pasa. “Ikaw kasi, e! May sugat na nga ang labi mo nanghahalik ka pa.” Panenermon ko sa kaniya.
“Tss! Malayo sa bituka ’yan.” Aniya.
“Malayo sa bituka pero dumadaing ka riyan!” sabi ko. “Wait lang at kukuha ako ng yelo para—”
“No need.” At pinigilan niya ako sa baywang ko kaya hindi ko na nagawang tumayo sa puwesto ko.
“Pero—”
I stopped speaking again when he kissed my lips again. I did nothing but respond to his kisses again and wrapped my arms around his neck. Nag-iingat pa ako sa pagtugon ko sa kaniya dahil baka masaktan ulit siya dahil sa sugat niya. Hanggang sa kumilos siya at naramdaman kong unti-unti na niya akong inihihiga sa kama. Oh, jezz! Are we gonna do it again tonight? Sa klase ng pag-angkin niya sa mga labi ko, parang ganoon na nga ang ending namin ngayon. Kaya inihanda ko na ang sarili ko. Lalo na at palalim na nang palalim ang halik na pinagsasaluhan namin. Tuluyan na rin akong nakadama ng pag-iinit sa katawan ko especially when I felt his solid-member that he pressed on top of my flower. s**t! Tuluyan na ngang nakawala ang init sa kaloob-looban ko. Hindi ko na napigilan ang mapaungol.
“Damn it. I want to...” aniya sa pagitan ng halikan namin.
“Mmm! Just go on, Rufo! I’m ready.” Saad ko sa kaniya at inangkla ko pa sa baywang niya ang mga hita ko at mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap ko sa leeg niya.
Pero mayamaya ay bigla siyang huminto sa paghalik sa akin at bahagyang nag-angat ng ulo upang titigan ako. Sumilay ang nakalolokong ngiti sa mga labi niya.
“I really want to own you again now, baby. But...”
Nangunot lang ang noo ko. Oh, holy lordy! Bakit naman huminto siya sa paghalik sa akin? Nakakainis, a!
“I’m ready. Hindi naman na masakit, e!” sabi ko pa sa kaniya.
Oh, seriously, Solana! Ikaw ba talaga ’to? I can’t believe I would say that to him.
Mas lalo siyang ngumiti at mabilis na kinintalan ng halik ang mga labi ko pagkuwa’y mabilis na umalis sa ibabaw ko at nagsalita, “I’m hungry, baby. I want to eat. I mean, I want to eat,” sabi niya at inilahad ang kamay sa akin. “Come on, join me first, baby! I cooked dinner for us. I’ve been waiting for you to come here,” sabi niya.
I hate to admit this but, I am disappointed right now. Ugh, seriously, Rufo? Ipinahiya mo ako sa sarili ko! Kung kailan ako ready na saka mo naman pinagkatuwaan ang init na nararamdaman ko ngayon! Buntong-hiningang inismiran ko siya pero tinanggap ko na rin ang kamay niya at bahagya niya akong hinila patayo. Ipinulupot pa niya sa baywang ko ang braso niya.
“Don’t be disappointed, baby. We will do it again. But now, real food is my priority. I’m starving.” Natatawang saad pa niya sa akin.
Ugh, he’s teasing me. Nakakainis!
Sinimangotan ko siya. “I’m not disappointed,” sabi ko na lang sa kaniya para itago ang pagkapahiya ko.
Tumawa siya ng pagak saka ako ipinaghila ng upuan nang makalapit na kami sa mesa. May pagkain na ngang nakahain doon. Hindi ko lang ito napansin kanina nang dumating kami.
“I see it in your eyes, baby. Even your entire face tells me how disappointed you are right now.”
Nakagat ko na lamang ang pang-ibaba kong labi at nakasimangot na tiningnan siya.
“Wait. Magdadamit lang ako,” sabi niya saka siya bumalik sa may closet niya at kumuha ng damit. Pagkabalik niya sa hapag ay pinagsaluhan na nga namin ang niluto niyang pagkain.