DAHAN-DAHAN akong nagmulat ng aking mga mata. Unang bumungad sa paningin ko ay ang payapang natutulog na mukha ni Rufo. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa kaya tumatama sa mukha ko ang mainit niyang paghinga. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko at nagtataka ako kung bakit katabi ko si Rufo ngayon, pero nang maalala ko ang nangyari sa amin, kung bakit ako nandito sa tabi ng lalaking ito, banayad akong nagpakawala nang malalim na paghinga. Pero mayamaya ay sumilay rin ang maliit na ngiti sa mga labi ko nang mapatitig ako ulit sa guwapo niyang mukha. Oh, God! So this is what he looks like when he sleeps soundly! Still very handsome. At ganito rin pala ang feeling kapag nagising ka at ang mukha ni Rufo ang agad mong masisilayan. Ang gaan ng pakiramdam ko. It was as if my heart was suddenly filled with happiness.
Damn. Hindi talaga ako magsasawang titigan ang mukha niya. Habang tumatagal ay mas lalo pa siyang nagiging guwapo sa paningin ko.
I wanted to caress his cheek and well-defined jawline, his forehead, his thick eyebrows, the bridge of his pointed nose, especially his red kissable lips, but I stopped myself from doing that. Baka kasi magising ko siya. Pinagkasya ko na lamang ang aking sarili sa pagtitig sa guwapo niyang mukha.
Mayamaya, kumilos ako sa puwesto ko para sana bumangon. Pero hindi pa man ako ganoong nakakagalaw ay bigla rin agad akong napahinto at mahinang napadaing at napapikit nang mariin nang maramdaman ko ang sobrang kirot sa pagitan ng mga hita ko. Damn. Why? I mean, ganito ba talaga kapag first time? Is it really this hurt? Walang-hiya! Parang ayoko na lang kumilos sa puwesto ko.
I took a deep breath, then slowly released it into the air at the same time as I slowly moved again.
Fuck. This is really hurt.
Nang tuluyan na akong makaupo sa gilid ng kama niya, sinupil ko ang aking sarili upang kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Pagkuwa’y hinila ko ang makapal niyang kumot upang ipangtakip iyon sa hubad kong katawan. Nakita ko naman ang kahubdan niya. Mabuti na lamang at nakatagilid siya kaya hindi ko nakita ang hindi ko dapat makita. Kagat ang pang-ibaba kong labi ay pilya akong napangiti habang pinagmamasdan ko ang kabuuan niya. Damn. This man is really hot. Payapa lang siyang natutulog, pero napaka-hot pa rin ng dating niya sa akin.
Ilang segundo ko pa siyang tinitigan bago ako nagbaling ng tingin sa bedside table upang tingnan ang oras. At ganoon na lamang ang pangungunot ng noo ko nang makita kong alas dyes na pala ng umaga. Oh, damn. Dito na pala talaga ako natulog sa pad niya! Hindi na ako nakauwi sa bahay. Ano na lamang ang sasabihin sa akin ng dalawa kong kapatid mamaya kapag umuwi na ako? Ang paalam ko kasi kay Gabby kagabi ay late lang akong makakauwi, pero hindi naman ganito ka-late na inabot na ako ng alas dyes ng umaga.
Nang tumingin naman ako sa bintana, nakasarado pa rin ang kulay itim at makapal na kurtina kaya walang liwanag ng araw ang pumapasok doon.
I sighed again and moved slowly to stand up. Even though I feel so much pain in between of my thighs at ang mga hita at tuhod ko ay parang wala pang sapat na lakas ay pinilit kong maglakad papunta sa banyo. I sat quietly in the bowl while I once again eased the pain I felt in my fanny.
Mayamaya ay nagpasya na rin akong maligo. At dahil wala naman akong damit dito sa bahay niya, gumamit na ako ng robe niya na nasa lalagyan. Ipinusod ko rin ang aking buhok gamit ang bagong towel na kinuha ko rin sa lalagyan. Pagkatapos ay muli akong lumabas ng banyo. Nakita ko namang gising na si Rufo at nakaupo na siya sa gilid ng kama niya. Nakatungo siya habang nakatukod ang mga siko niya sa magkabilang hita niya. Nakasuot na rin siya ng boxers niya. At mayamaya ay nag-angat siya ng mukha at tinapunan ako ng tingin.
Tipid naman akong ngumiti sa kaniya. “Um, I... I used your robe and towel.” Saad ko at nagsimula ulit na humakbang palapit sa kama niya.
“Are you okay?” sa halip ay tanong niya.
“I think so.”
“Does it still hurt?”
Bigla kong naramdaman ang pag-iinit ng buong mukha ko dahil sa naging tanong niya. Lihim pa akong napalunok at bahagyang nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Kinda.” Tipid na sagot ko.
Damn. Kailangan ba talagang pag-usapan ang tungkol doon kahit tapos na naming gawin ’yon? I mean, nakakahiya kasi.
Tumayo naman siya sa kaniyang puwesto at lumapit sa akin. Walang paalam na ipinulupot niya sa baywang ko ang isang braso niya at kinabig ako palapit sa kaniya. Because he was wearing only black boxers so I could feel his hard solid-member on my stomach. Napalunok ako ulit habang nakatitig ako sa mga mata niya kasabay niyon ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Damn, kakaibang kaba ang biglang nabuhay sa puso ko ngayon.
“I enjoyed what we did last night, Solana.” Mahinang saad niya at pagkuwa’y ngumiti.
I don’t know what to say to him. Ano ba ang sasabihin ko sa kaniya? That I also enjoyed what we did last night kahit labis naman akong nasaktan? Oh, nakakahiya! Lalo na at naalala ko na naman ang wild na nangyari sa amin kagabi. We did it not only once, not twice, not thrice, kun’di apat na beses hanggang sa magmadaling araw na. I was about to sleep dahil pagod na ako, pero muli niya akong kinulit, kaya ang ending, we did it again for the last time. Kaya inabot na ng alas dyes bago ako nagising.
Wala sa sariling kinagat ko na lamang ang pang-ibaba kong labi at tipid na ngumiti sa kaniya.
“Did you?” tanong niya.
Dahil nahihiya akong magsalita para sagutin ang tanong niya, tumango na lang ako bilang sagot.
Ngumiti siyang muli at masuyong hinawakan ang baba ko at bumaba sa mukha ko ang mukha niya. Kinintalan niya ng magaan na halik ang mga labi ko. Isang beses pa, at umulit ulit hanggang sa hindi ko na napigilan ang mapatugon sa kaniya. Umangat ang mga braso ko at pumulupot iyon sa leeg niya. Ang panaka-nakang halik ay nauwi sa mapusok at muli na namang nagiging agresibo. Holy lordy! Gagawin ba ulit namin ’yon?
Pero mabuti na lamang at siya na mismo ang bumitaw sa halik namin mayamaya.
“I want to own you again, Solana. Pero pipigilan ko muna ang sarili ko ngayon dahil alam kong hindi mo pa kakayanin ulit. So,” sabi niya at pinakawalan ang baywang ko. “I’ll take a shower first and I’ll cook for our breakfast.” Aniya.
Nakangiting tumango naman ako sa kaniya. “Okay,” sabi ko sa kaniya.
Naglakad naman siya papasok sa banyo. Ako naman ay umupo sa gilid ng kama niya. At nang mapatingin ako sa ibabaw niyon, I saw a blood stain. Wala na talaga ang pinakaiingatan kong puri. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko na malakas pa rin ang kabog hanggang ngayon. I ask myself if I regret giving myself to Rufo last night, pero wala akong nakapa na pagsisisi sa puso ko. Instead, I’m happy. Maybe I’m already in love with him! Kaya siguro ganito na ang nararamdaman ng puso ko sa tuwing kasama ko siya o naiisip ko pa lang siya. Oo ilang araw pa lang simula nang magkakilala kami, pero hindi ko maitatanggi itong kakaibang kabog ng puso ko para sa kaniya. I think I’m in love with Rufo. With my professor.
Naputol ang malalim na pag-iisip ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko na nasa bag ko. Kaagad kong hinagilap ang bag ko. At nang makita ko iyon na nasa single couch sa sulok, tumayo ako at naglakad palapit doon. Kinuha ko iyon at kaagad na sinagot ang tawag sa akin ni Gabby.
“Ate, nasaan ka po?” bungad na tanong nito sa akin.
“Um, sorry Gabby. Hindi ako nakauwi kagabi sa bahay.”
“Naghintay nga po ako kagabi ate. Hindi ka manlang din nag-reply sa mga text ko o tumawag manlang sa akin para hindi na ako nag-alala nang husto sa ’yo.”
Na-guilty naman ako bigla. Ngiwi akong napangiti at kinagat ang pang-ilalim kong labi. “Sorry na kapatid. Pero okay lang naman ako,” sabi ko. “Hindi ako nakauwi kagabi kasi... nag-date kami ni Rufo. Nanuod kami ng sine. Late na rin kami nakarating dito sa pad niya kaya hindi niya na rin ako inihatid at dito na ako natulog.” Pagsisinungaling ko na lamang sa kapatid ko.
God, I’m sorry.
“Okay po ate. Nag-alala lang talaga ako.”
“Thank you, Gabby. Mayamaya ay uuwi na rin ako.”
“Ate Solana, lalabas po ba tayo para mag-celebrate?” narinig ko ang tanong ni Cat.
Naalala ko naman bigla ang pinangako ko sa dalawa no’ng isang araw. “Um, oo naman. Mamaya pagkauwi ko aalis din agad tayo. Mag-ready na lang kayo ngayon.”
“Sige po ate.”
“Sige. Bye na muna.”
Kaagad kong pinatay ang tawag sa akin ni Gabby saka umupo sa single couch. Oh, God! Paano naman ako nito makakapag-enjoy mamaya kapag mamasyal kami ng mga kapatid ko kung ganito naman ang nararamdaman ko? Ni hindi ko nga magawang maglakad nang maayos. Hindi ko rin naman puwedeng sabihin na sa susunod na lang kami kumain sa labas dahil nakapangako na ako sa dalawa.
Buntong-hiningang napasandal na lamang ako sa upuan at mariing ipinikit ang aking mga mata. Damn. My fanny still really hurts.
“Are you alright?”
Bigla akong nagmulat nang marinig ko ang boses ni Rufo. Kalalabas lang niya sa banyo at nakatapis ng towel ang baywang niya.
“Um,” hindi agad ako nakasagot nang bumaba sa katawan niya ang paningin ko. Bago pa man bumaba pa nang gusto ang paningin ko papunta sa bumubukol na bagay sa ilalim ng towel niya, mabilis na ibinalik ko ang paningin ko sa mukha niya at tumikhim ako. “I’m not fine,” pagtatapat ko sa kaniya.
Kunot ang noo na naglakad naman siya palapit sa akin.
“I thought I’m going to be fine, Rufo,” sabi ko pa sa kaniya.
“Mas masakit ba ngayon?”
Tumango ako.
“I’m sorry.” Aniya. “I shouldn’t have forced you last night and we shouldn’t have done that four times.” Nang lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang isang kamay ko na nakapatong sa armchair. Masuyo niya iyong pinisil.
Mataman akong tumitig sa mga mata niya. “What should I do to ease the pain?” tanong ko. “I mean, pagkauwi ko kasi mamaya sa bahay ay aalis din kami ng mga kapatid ko at kakain kami sa labas.”
“You should rest. Huwag na muna kayong umalis.”
“But I made a promise to them na lalabas kami ngayong araw para mamasyal at kumain.” Saad ko.
Bumuntong-hininga siya. “Alright. May alam akong lugar na puwede nating kainan mamaya at hindi mo na kailangang maglakad-lakad.”
Nangunot ang noo ko. “Natin?” naitanong ko. “W-why? Are you coming with us?”
“Hindi ba ako puwedeng sumama?”
“No. I mean, a-are you sure?”
Sa halip na sagutin ang tanong ko, tinitigan niya lang ako saglit saka siya tumayo at naglakad palapit sa closet niya. “Huwag na tayong kumain ngayon. Sunduin na lang natin ang mga kapatid mo sa inyo.”
Bigla akong napangiti dahil sa sinabi niya. “Are you sure, Rufo?” paniniguradong tanong ko pa sa kaniya.
Lumingon siya sa akin. “Ang kulit mo!” sa halip ay saad niya.
Ngumiti ako lalo sa kaniya. “Thank you.” Nasabi ko na lamang.
“Go on. Get dress para makaalis na rin tayo. I’m already hungry.”
Tumayo na rin ako sa puwesto ko saka naglakad palapit sa kama niya kung saan ko inilagay kanina ang damit ko. Mabuti na lamang at hindi niya sinira iyon kagabi. Dahil kung nagkataong pinunit niya na naman ang mga damit ko, manghihiram na naman ako ng damit niya.
Pagkatapos naming magbihis, umalis na rin agad kami sa pad niya at bumalik sa bahay. Naka-ready na nga ang dalawa kong kapatid nang makarating kami.
“Wait lang at magbibihis lang ako,” sabi ko at pinilit ko pang gawing normal ang mga hakbang ko habang palapit ako sa hagdan.
“Okay ka lang po ba, ate?” tanong sa akin ni Cat.
Napalingon naman ako rito. “Oo naman, kapatid. Bakit mo naitanong?”
“E, para po kasing nahihirapan kang maglakad.”
Saglit kong tinapunan ng tingin si Rufo na ngayon ay nakaupo na sa sofa. Seryoso siyang nakatitig sa akin. Mayamaya ay tinapunan ko ulit ng tingin ang kapatid ko at ngumiti ako. “Masakit kasi ang balakang ko. Nadulas kasi ako kagabi habang gumagamit ng banyo sa pad ni Rufo. Mabuti nga hindi masiyadong nauntog ang balakang ko.” Pagsisinungaling ko ulit.
Oh, God! Seriously, Solana? Sunod-sunod na ang pagsisinungaling mo ngayon sa mga kapatid mo! Malinga-lingang sabunutan ko tuloy ang sarili ko ngayon.
“Mag-iingat ka naman po ate. Mabuti nga at hindi nauntog ang ulo mo.” Saad naman ni Gabby.
“Nag-iingat naman,” sabi ko na lang at muling ipinagpatuloy ang pagpanhik ko sa hagdan hanggang sa makarating ako sa silid ko.
Kaagad akong nagbihis at pagkatapos ay lumabas ulit ako sa silid ko upang bumaba sa sala. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa sa hagdan ay napatingin ako kay Rufo. Kitang-kita ko ang kakaibang titig niya sa akin nang makita niya ang hitsura ko. I’m wearing red floral print off-shoulder crop top and mini skirt paired with two inches heels. Inilugay ko lang din ang buhok ko habang may bitbit akong itim na purse. Damn. Ngayon ko lang na-realize na mali pala ang naisuot kong damit. Nawala sa isip ko na kasama pala namin ang mga kapatid ko. Para namang feeling ko kami ang magde-date ngayon dahil sa hitsura ko.
Tumayo siya sa kaniyang puwesto nang hindi pa rin inaalis sa akin ang paningin niya.
“Wow! Ang sexy naman ng ate namin.” Nakangiting saad ni Gabby.
Napangiti na lamang din ako at tuluyan nang bumaba sa hagdan at naglakad palapit kay Rufo.
“Aalis na ba tayo?” tanong ko sa kaniya nang manatiling nakatitig pa rin siya sa akin.
“Oy, si Kuya Rufo napatulala na sa ganda ni Ate Solana!” nakangiti at nanunudyong saad ni Cat.
Napatingin naman dito si Rufo at pagkuwa’y ngumiti. Huminga pa siya nang malalim.
“Let’s go!”
Ngumiti ako sa kaniya bago binalingan ng tingin ang dalawa kong kapatid. “Sige na. Lumabas na kayo.”
Kaagad namang nagpatiuna ang mga ito. At mayamaya ay muli akong napalingon kay Rufo nang maramdaman ko ang palad niyang humawak sa likod ko.
“You’re so damn sexy.” Aniya.
Hindi ko napigilan ang mapangiti nang malapad dahil sa sinabi niya. “Nakita mo na ang buong katawan ko kagabi, pero sexy pa rin ako sa paningin mo ngayon?” pabirong tanong ko sa kaniya. But deep inside of me, sobra akong kinilig dahil sa sinabi niya.
“Whether you’re naked or wearing clothes, you’re still sexy, Solana.” Sambit niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Nakaramdam ako ng kiliti sa kaibuturan ko kaya napangiti akong muli. “Thank you.” Saad ko.
Saglit niyang ipinagpalipat-lipat ang kaniyang paningin sa mga mata at mga labi ko saka siya bumuntong-hininga. “Let’s go.” Pagkuwa’y iginiya na niya ako palabas ng bahay namin.