Chapter 17

1213 Words
Kinabukasan masakit ang ulo ni angel ng magising mabigat ang pakiramdam masakit ang buong katawan lalo na ang dalawa niyang braso na akala mo nakipag wrestling siya at namamaga din ang mga mata niya na akala mo magdamag syang umiyak at namamaos din siya. Makadhat din ang lalamunan niya na para bang natuyoan ng laway.  "anong nangyari? Why do ifeel like s**t?" tanong niya sa sarili saka inilibot ang paningin. Hmmm nasa sariling pamamahay naman siya.  "gising kana pala"  "sheena?" nagtatakang tawag sa kaibigan ngm nakita ito.  "yes its me! Ito tableta inumin mo ng mawala ang sakit ng ulo mo." sabi nito sabay abot ng tableta na tinanggap naman niya agad.  "thanks, pero bat ka nandito anong nanyari?" nagtataka niyang tanong dahil ang aga aga nasa bahay niya ito wala naman silang usapan na magkikita  isa pa paano ito nakapasok gayong sarado ang pintuan ng bahay niya.  "wala kang maalala" tanong ni sheena kay angel at tinitigan ito. Gustong masiguro kung tama nga ba ang sinabi  ni tiger queen na hindi maaalala ng kaibigan niya ang ginawa nito kahapon.  Marahan itong umiling saka napaisip.  "ang huling naalala ko yung nasa bar tayo at ang engkwentro natin sa Cresent organization" sabi ni angel. Hindi alam ni sheena kung matutuwa ba siyang walang maalala si angel o maaawa dito dahil sa nagyayari dito.  "bat ka ganyan makatitig?" puna ni angel ng makitang nakatitig sa kanya si sheena.  "ah wala naman may naalala lang ako."  "you sure? Bakit parang ang laki ng problema mo?"  Ikaw ang pinoproblema ko. Gusto sanang sabihin iyon ni sheena pero nanahimik siya baka pag nag-ingay siya tuluyan siyang patahimikin ni tiger queen mahirap na.  "wala naman" umiwas ito ng tingin.  "sigurado ka?" Nagtataka niya itong tiningnan bakit pakiramdam niya mayron itong hindi sinasabi sa kanya?  "wala nga" pinaningkitan niya ito ng mga mata niyang dati ng singkit dahil sa pamamaga.  "oo nga, kaya pag okay na pakiramdam mo mag ayos kana at kailangan na natin pumunta sa opisina naghihintay na sila" sabi nito na tinalikuran siya saka hindi na hinintay na makasagot siya. Wierd?  Bakit may pakiramdam siya na umiiwas ang kaibigan niya sa mga tanong niya? At bakit may pakiramdam siya na para bang may alam ito na hindi niya alam at bakit pakiramdam niya may ginawa siyang hindi niya maalala? Ah ewan bumangon na siya pero bigla ulit napahiga dahil sa pagsakit ng ulo.  Damn ang sakit ng ulo ko. Humiga siya ng ayos sa kama niya saka  ng balot ng kumot sa katawan. Heaven. Pwede bang wag na siyang pumasok sa trabaho? Parang mas gusto nalang niya ang magkulong sa kwarto at magpagulong gulong sa kama niya habang nakabalot ng kumot niya. pipikit pikit ang mata ng marinig na tumunog ang cellphone niya pinagiisipan pa niya kung aabutin ba iyon para masagot  o hahayaan nalang tumunog dahil tinatamad talaga siyang kumilos. Nasa gitna siya ng pagtatalo ng may kumatok maya maya pa ay bumungad sa kanya ang nakasimangot na si sheena.  "sagutin mo daw ang cell phone mo sabi ni tiger queen at pwede ba kumilos at maligo kana" naasar nitong utos.  "tinatamad ako maligo" nakanguso niyang sagot na para bang nag papaawa sa kaibigan baka sakaling maawa ito pero mukhang walang effect dito ang paawa niya dahil inirapan lang siya nito.  "gusto mo ako magpaligo sayo?" maldita nitong tanong.  "ayaw ko nga"  "yun naman pala kilos na pero bago yun sagutin mo muna yang cell phone mo" nguso nito sa cell phone niyang nagiingay. Napanguso siya at saka pinindot ang answer button.  "yes my queen?"  bungad niya sa tumawag.  "get your ass out of your bed now at pumunta ka dito sa opisina ko" nailayo niya ang cellphone sa tapat ng tainga niya sa lakas ng boses. Nagtatakang tiningnan ang kaibigan sinisenyas ang kausap sa cell phone kung bakit highblood na naman ang kanilang reyna umaasa na maiintindihan nito nag sinasabi nya pero nagkibit balikat lang ito at tinalikuran na siya.  "but—"  "no buts" putol nito sa sasabihin ko sana. Lalong nanghaba ang nguso ko.  "pumunta kana dito ngayon din." anito sa galit na boses. Paktay na mukhang galit talaga ang kanilang reyna, ang aga aga mukhang high blood na naman ang kanilang reyna at pag high blood ito it means  may isang agent na mag durusa at ang agent na iyon ay walang iba kundi siya at ang aga aga mukhang may agent siyang mapapatay dahil sa pangha high blood sa kanilang reyna.  "yes my queen" napipilitan niyang sagot. Habang iniisip kung sino ang mapapatay niya.  "good" sabi lang nito at nawala na sa kabilang linya.  Napabuntong hininga siya matapos niyang ibaba ang tawag saka mabilis na kumilos at nagmamadaling naligo at nag ayos ng sarili. Mahirap na baka lalong magalit si tiger queen ayaw niyang makadagdag sa galit nito dahil baka ibalik siya sa lugar na pinaggalingan niya five years ago.  "lets go" aya niya kay sheena paglabas ng kwarto. At nagmamadaling nagsuot ng rubber shoes.  "oh bat nagmamadali ka?" taka nitong tanong.  "emergency" sagot lang niya at ipinagpatuloy ang pag suot ng sapatos.  "emergency? Wala namang notification ah!" anito na tiningnan pa ang gamit na gadget na syang nag no notified sa mga agent kapag may emergency.  "basta emergency kailangan na nating magmadali"  "sa ganyang ayos?"  tiningnan siya nito ng may pagtataka kaya naman napatingin din siya  sarili.  "whats wrong with my get-up?" tanong niya ng mapansin wala naman kakaiba sa ayos niya. Nakasuot lang naman siya ng collar shirt na kulay itim at saka ripped jeans na blue na pinarisan niya ng rubber shoes sakto lang ang get up niya para sa gagawing pagtakbo or kung ano mang ipapagawa sa kanila ni tiger queen mamaya pagdating sa pupuntahan nila. Because  when she say pahirap it means training dahil sa ilang taon niyang nakasama si tiger queen ilang daang beses na din niyang nakita na nagalit ito at pag nagalit ito sa training nito ibinubuhos ang lahat at ang lagi nitong kasama ay siya at ang lillte version nitong si queen. Nakikinita na nga niya kung ano ang magiging kahihinatnan ng organization nila pag si queen ang pumalit sa ina bilang reyna.  "sa DISA ba ang punta natin?" tanong ni sheena na sumunod sa kanya. Hinintay muna niya itong makalabas bago siniguradong nakalock ang pinto ng bahay niya mahirap na baka masalisihan sila ng akyat bahay gang kahit isang story lang ang bahay niya na may dalawang kwarto at cr may sala at kusina din at hindi na kailangang akyatin kung sakaling may makasalisi nga sa kanila.  "no and yes" sagot niya na naupo na sa driver seat pagkadating sa kotse.  "can you please elaborate?" napipika na nitong sabi matapos makasakay sa passenger seat. Napahugot siya ng hininga bakit ba ang daming tanong ng kaibigan nya? Kung hindi lang ipinagbilisa sa kanya na isama ito iiwan nya talaga ito sa kalye. "yes sa DISA ang punta natin and no hindi sa opisina" sagot niya na pinatakbo na ang sasakyan.  "you mean to say—"  "yes sa training area ang punta natin" pagtatapos niya sa sinasabi nito saka pinaharorot ang sasakyan narinig pa niya ang malutong nitong mura at pagmamadaling magkabit ng seat belt at ang gaga kanina pa sila tumatakbo ni hindi manlang nito naisip na magkabit ng seat belt. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD