"Hi Ruwesha? Nag paitim ka ng buhok?" Bati ni Joaquin sakin habang naka sandal sya sa pader sa gilid ng pintuan ng classroom namin.
Tss! Obvious ba? Irap lang ang naging reply ko sakanya. Oo, gwapo at sikat sya sa buong campus dahil madalas syang lumaban sa mga pageant pero ayoko pa din sakanya, bakit? Ewan ko. Siguro dahil hindi sya si Brex.
"Grabe, Ruwesha. Iba din talaga ang pag kahumaling sayo ni Joaquin no?" Komento ni Bea. Hindi ako sumagot.
"Hindi lang naman si Joaquin ang nag kakandarapa dyan kay Ruwesha huh? Kaso ayaw lang nya dahil patay na patay sya kay Brex—"
"Hinihingi ko ba ang mga opinyon nyo ah!?"
"Oppss! Sorry" Anila sabay takip sa madaldal nilang bibig.
Ganon talaga. Si Brex Louie Ortegas lang kase ang kilala ng baliw kong puso.
Natigilan kami sa pag lalakad ng sumulpot bigla sa harapan namin ang hinihingal pa na si Camille at Rachelle.
"R-Ruwesha!" Hinihingal si Rachelle na ka-klase namin.
"What?" Tamad kong tanong.
"Si... Si... Brex—"
Pag karinig ko pa lang sa pangalan nya ay nag simula na kaagad kumalabog ng malakas ang dibdib ko "What about Brex? Anong nanyare?"
I hate this. Masyado na naman akong na pa-praning dahil sakanya.
"W-Wala naman nanyare sakanya... Pero—"
"What!? Say it! Kung ayaw mong hilahin ko yang dila mo!" Sigaw ko sakanya.
"Nakita namin sya ngayon sa cafeteria, kasama si Carlo at Raizer at may mga babae din silang kasama—” Si Camile ang sumagot.
"s**t!"
Halos sampung hakbang lang yata ang nagawa ko papunta ng cafeteria. Mabilis pa din ang kabog ng dibdib ko. Kainis! Eto na naman sya! Na fu-frustrate na naman tuloy ako. Nangatog ang mga tuhod ko ng makarating ako sa cafeteria. Tama nga si Camile. Andito nga sila at napapaligiran pa sila ng apat na mahaharot na babae. Mabilis gumapang ang galit sa buong sistema ko.
"Oh my gosh! Si Ruwesha!"
Narinig kong sabi ng isa sa mga babaeng yon, habang natataranta pa sa pag kuha sa bag nya. Ayan! Dapat lang talagang matakot ka! Nakita ko din ang pag baling ng tingin sakin ni Brex, habang nakakunot ang noo, si Raizer na naka ngisi at nag kakamot ng kanyang ulo at si Carlo na biglang napainom ng tubig.
"Oh. San kayo pupunta?" Sarkastiko ang naging ngisi ko sa mga babaeng kasama nila.
"A-Alis na. M-May k-klase pa kase kami" Sagot ng chinitang babae na nakaupo sa tabi ni Brex.
“May mga klase naman pala kayo tapos nagagawa nyo pang humarot sa lalaking pag-aari ko na? Hindi ba kayo natatakot sa kaya kong gawin sainyo?”
“S-Sorry Ruwesha. Aalis na kami”
"Make it fast! At ayoko ng makikitang dumidikit pa kayo kay Brex!
"O-Oo..Tara na.." Aya nito sa mga kasama nya at tuluyan ng umalis
"Tss! b***h!" Usal ko sabay irap sa kawalan
Pinasadahan ko agad ng tingin ang tatlo. Si Carlo na nakayuko lang habang nakakagat sa labi nya. Si Raizer na malaki pa din ang ngisi sakin. At si Brex na tulala lang sa coke in can na hawak-hawak nya. Naupo ako sa tabi ni Raizer. Sa tapat ng unuupuan ni Brex.
"Ayoko ng makikitang kasama mo ang mga yon, Brex Louie” Pinagpawisan ako ng malamig ng balingan nya ko ng masamang tingin. “Oh my—” gosh!
Halos bumaliktad na ang lamesa dahil sa padabog nyong pag tayo. Nabigla ang lahat sa ginawang yon ni Brex. Sheeet! Nagagalit na naman sya sakin pero s**t! Natutunaw pa din ako sa kilig dahil sa pag titig nya sakin. f**k!
"It's not funny anymore" Wala syang ekspresyon na pinakita pero bakas sa tono nya ang galit.
"I know" Nag kibit balikat ako sakanya.
Sus! Almost 2 years na kong nag hahabol sayo at almost 2 years na din simula nung maging bayolente ako dahil sa mga babaeng nadidikit sayo tapos hindi ka pa din sanay? Ugh!
"It's annoying" Pag kasabi nyang yon ay tinalikuran na nya kami at nag martsa palayo samin.
"Teka bro—"
Natigilan si Raizer nang tumayo ako para sundan ang kaibigan nya.
"Wait, Brex" Sigaw ko ng makalabas na kami ng cafeteria pero nag patuloy lang sya sa pag martsa na parang wala syang nadinig.
Grrrr! Ang arte talaga!
"BREX LOUIE ORTEGAS!"
Halos takbuhin ko ang distansyang namamagitan samin dalawa. Nag open arms ako ng makatayo na ko sa mismong harapan nya.
"Ano na naman!?" Halatang iritado na talaga sya.
"Bakit kase hindi na lang ako ang i-date mo! Mas kaya kitang panindigan hindi tulad ng iba dyan—"
"Kase nga hindi kita type. Kelangan ko pa bang ulit-ulitin yon para lang mag sink in yon sayo!?"
Ngumuso ako "Ito nga oh. Nag paitim pa ko ng buhok para sayo—"
"Okay! Itatak mo to sa kokote mo. HINDI KITA TYPE. HINDI KITA GUSTO. AYOKO SAYO! Kahit kelan hindi kita magugustuhan. Kaya kong i-date lahat ng babae sa school na to. EXCEPT YOU!" Sigaw nya na dumurog sa puso ko.
Ramdam kong nag init ang gilid ng dalawang mata ko.
"Tigilan mo na ko. Nakakairita ka!" Dagdag nya bago nya ko lagpasan.
Ayaw nya sakin? Kahit kelan hindi nya ko magugustuhan? Pero bakit? What's wrong with me? Ano bang kulang sakin? Binago ko na itong buhok ko. Pati pananamit ko binago ko na rin para sakanya, kaya ano pang kulang?
He's always cold at me. Kahit noon pa. 2 years ago.
*Ding-dong!*
"Miss Ruwesha?" Nakakunot ang noo na bungad sakin ni ma'am Ortegas.
Sya ang mama ni Brex. Teacher sya sa school na itinayo ni mommy para sa mga special child. 2 months ago simula nung una ko syang makita, simula non hindi na ko tumigil sa pag hahanap ko sakanya, coincidence naman na nag kita kami sa school ni mommy. Nag punta ako don para kay mommy at nag punta naman sya don para sa mama nya at para sa bunso nyang kapatid na si Bobby na isang special child at nag aaral din sa school na yon. Simula non hindi ko na pinalampas ang pag kakataon.
"Good afternoon po, andito po ko para dalawin si Brex. Andyan po ba sya?"
"Ha? Si Brex? Oo andito sya... kaso—"
"Manong pababa na po ng mga dala ko"
"Okay ma'am"
"Ano yung mga yan? Bakit ang dami naman yata miss Ruwesha"
"Naku. Ruwesha na lang po, tita?" Ngumiti ako sakanya ganon din sya sakin kahit medyo hilaw ang ngiti nya.
"Osige, R-Ruwesha"
"Pasok na po tayo?"
"Ha?" Napakamot pa sya sa ulo "Oh. Osige"
Nag lakbay ang mga mata ko sa buong bahay nila. May malaki silang gate na kulay pula at garahe pero wala silang garden. May second floor ang bahay nila. Malinis ito at maganda, pitch ang kulay ng pintura nito. Malaki din naman itong bahay nila hindi nga lang ganon kalaki tulad ng samin pero dahil sa architect ang papa nya ay masasabi ko na unique ang design nito.
"Good afternoon po" Bati ko sa isang magandang babae na nakaupo sa sofa nila at nanunuod ng tv, sa tingin ko sya ang ate ni Brex, may hawig naman kase sila.
Ngumiti lang ito sakin. Dumeretso naman si tita sa kusina.
"Manong dito na lang po palagay"
Mabilis naman akong sinunuod ni manong. Inilapag nya sa ibabaw ng babasaging lamesa ang mga dala kong pagkain na inorder ko pa sa pinaka masarap at pinaka mahal na restaurant dito sa buong lungsod. Ipinag shopping ko rin sila ng kung ano-anong gamit tulad ng bag at alahas para sa mama at ate nya. Sapatos at damit para kay Brex at papa nya at Gadgets at laruan para sa bunso nila. Syempre unang dalaw ko sa bahay ng future husband ko, kelangan bongga!
"Mag te-text na lang po ako pag mag papasundo na ko"
"Okay po"
Wala akong pag aalinlangan na naupo sa tabi ng ate ni Brex na ngayon ay laglag ang pangang nakatingin lang sakin.
"Kayo po ba ang ate ni Brex?"
"Ha? O-Oo. Ako nga"
Ngumiti ako sakanya "Hi po. I'm Ruwesha" Sabay lahad ko ng kamay sakanya na agad naman nyang tinanggap.
"I'm Brena, girlfriend ka ba ng kapatid ko?"
Lumaki ang pagkakangiti ko. Grabe! Hindi lang maganda ang ate nya may matabang puso pa sya. Napaka swerte naman ni Brex at nag karoon sya ng ate na katulad nito.
But... How I wish na sana nga girlfriend na lang nya ko.
"Hindi pa ate. Pag sinagot pa lang nya ko" Saka ako humalakhak ng mahina.
"What do you mean?"
"I like him, but he doesn't like me pa"
"What? Really?" Gulat pero nakangisi sya.
"Bakit parang gulat na gulat ka naman ate?"
"Ahmm. I'm sorry, hindi lang kase ako makapaniwala"
Ngumuso ako. Medyo naguluhan ako sa sinabi nya. Hindi sya makapaniwala? Bakit? Kase masyadong gwapo ang kapatid nya para sakin o masyado akong maganda para sa kapatid nya?
"Bakit naman?"
"You're so pretty. Siguradong madaming nag hahabol sayo, kaya ano naman nakita mo sa masungit kong kapatid na yon?"
"Yan nga din ang nasa isip ko” Singit naman ni tita na ngayon ay may dala ng juice, plato at mga kurbyertos "You're pretty, kaya hindi kelangan na ikaw ang manuyo sa anak kong yon. Imposible naman na hindi sya mag kagusto sayo"
Uminit ng husto ang pisngi ko sa mga papuri nila. Alam ko na yon, pero iba lang talaga kapag galing na sa pamilya nya. Hindi naman sa pag yayabang pero totoo lang talaga ang sinabi nila. May mga nag kakagusto at gustong manligaw sakin, pero walangya! Simula kase nung makita ko si Brex hindi ko na nagawang mag intertain ng mga manliligaw.
"Teka, iha. Dala mo bang lahat ito?"
"Opo, binili ko pong lahat yan para sainyo"
"Naku, hindi ba parang sobra-sobra naman yata ang mga ito?" Nahihiyang usal ni tita ng makita ang laman nung mga paper bag.
"Ayos lang po, para po talaga sainyo yan"
"Hindi namin ito matatanggap iha—"
"Mag tatampo po ako nyan sainyo" Ngumuso ako "Tanggapin nyo na po. Bilang pag papasalamat ko na lang po iyan sainyo"
"Pasasalamat? Para naman saan?"
"Sa pag dala po kay Brex dito sa mundo" Lumawak ang pagkakangiti ko. Nalaglag naman ang panga nya.
"Oh, ayan na pala sya" Sabi ni ate Brena, habang nakatingin sya sa mataas nilang hagdaan.
Nag simula ng kumalabog ang dibdib ko ng makita ko ang pag baba ng bagong gising na si Brex, namumungay ang kanyang mga mata, gulo-gulo ang kanyang buhok, naka sando lang sya at Jersey'ng short. Kaya kitang-kita ko ang pag form ng muscle at abs nya. Gosh! Nakakatulo laway to!
"Hi Brex!"
Kitang-kita ko ang pag awang ng bibig nya dahil sa gulat.
"IKAW!?" Iritado nya kong pinasadahan ng tingin.
Panigurado ay nagagandahan na naman sya sakin. Syempre, isa yata akong 'Vizconde' at bukod sa natural kong ganda. I'm extra pretty today. Pinag handaan ko kaya ang pag bisita ko sakanya ngayon. Galing pa nga akong salon.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Brex, ano ba!? Bisita natin sya" Nanunuway ang tono ni mother-in-law.
"Binibisita kita" Nakangisi akong lumapit sakanya at hinila ang braso nya "Tara, kumain ka muna nag dala ako ng mga pag kain—"
Namutla ako ng hinawi nya ang kamay kong naka kapit sa braso nya.
"Pwde ba!? Umuwi ka na nga lang!“ Sigaw nya sa mukha ko.
"Brex! Ano ba yan!?" Suway naman ng kapatid nya.
Humalikipkip ako at mariin kong kinagat ang labi ko.
"Tinanggap ako ni tita at ate Brena dito. Kaya kahit ayaw mo, wala ka ng choice! Mag tiis ka hanggang sa makauwi ako!" Kinindatan ko sya at mas lalong lumitanya ang inis sa mukha nya.
Inis nyang ginulo ang buhok nya "Tss. Stupid girl!" Wika nya saka nag walkout pabalik sa taas.
Kainis tong lalaking to! Masyadong pakipot. Pero kahit na sobrang sungit at suplado nya nai-inlove pa din ako sakanya. Leche!
"Wag mo na lang pansinin ang masungit na yon. Hindi lang yon sanay na may nag pupuntang babae dito para sakanya" Si Brena.
"Really?" Ngumisi ako sakanya "Kung ganon, ako pa lang yung babaeng nakabisita dito sa bahay nyo?"
"Yup"
"Oh my!" gosh! Hindi ko na iyon nagawang ituloy dahil sa sobrang excitement ko.
Napa tili ako. Humalakhak si ate Brena at tita sa naging reaksyon ko.
"San ka pupunta?" Tanong ni tita sakanya ng makababa na ulit sya galing sa kwarto.
Naka Jersey'ng damit na din sya ngayon na may number '12' at 'Ortegas' sa likod, at naka sapatos ng pang basketball. Kahit yung jersey lang nya ang makuha ko, sobrang saya ko na non.
"Dyan lang po sa court. May practice game kami ng mga kaibigan ko" Sagot nya na hindi man lang nya kami nilingon.
Sinundan ko agad ng tingin ang pag martsa nya palabas ng pintuan. Nag gi-gym kaya sya? Bakit ang ganda ng katawan nya? Nakakatulo lalo ng laway! Grrrr.
"Ruwesha, gusto mo bang manood ng game nila?"
Hindi ko mapigilan ang malaking ngisi ko "Pwede ba ate?"
"Oo, naman. Bakit hindi?"
"Baka lalo lang syang magalit sakin" Ngumuso ako.
Ngumisi sya sakin at tinapik ang balikat ko "Don't worry, akong bahala"
Nag simula ng dumapo ang excitement sakin ng matanaw ko na ang gymnasium nitong subdivision nila. Kumunot ang noo ko ng madatnan namin ang tilian ng iilang babaeng nanunuod din. OA nang mga to. practice game lang naman to hindi liga. Ang aarte! Kainis!
Naupo kami ni ate Brena, malapit sa mga babaeng yon. Nahagilap agad ng mga mata ko ang nakangising si Brex, habang nakikipag apir sa mga ka-team nya. Kumalabog ang dibdib ko. Kitang-kita ang pantay-pantay at mapuputi nyang mga ngipin. Ito yata ang first time na makita ko syang nakangiti. I swear, lalo syang guma-gwapo kapag nakangiti sya. Uminit ang pisngi ko ng mag tagpo ang mga mata namin'g dalawa. Agad napawi ang mga ngisi nya at napalitan ito ng pag kunot ng noo nya. Ngumisi ako at kumaway sakanya pero inirapan lang nya ko. What a cold man! Tssss... Humanda ka sakin!
"Go... Brex Louie Ortegas! I LOVE YOU BABE!" Umalingawngaw ang sigaw ko sa buong gymnasium.
Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang pag kalaglag ng panga ni ate Brena at ng mga babaeng nanunuod din ng game. Ngumisi lang ako at hinayaan silang tumunganga sakin. Nakita ko din ang pag pula ng pisngi ni Brex, naka ngisi naman ang mga ka team nya at panay ang pag tapik sa balikat nya. Sa katapat na bench naman namin nakita ko ang iilang babae na nag bubulungan at masama ang tingin sakin. Obviously, ako ang pinag uusapan nila. So what? Tumaas ang isang kilay ko saka sila inirapan. Mamatay kayo sa inggit, mga bruha!
Halata ang pag kairita sa mukha ni Brex, habang panay ang tili ko sa tuwing mahahawakan nya ang bola. Kung ito lang ang paraan para kahit papano tumatak ako sayo then, I'll do it.
"Ruwesha?"
"Yes ate?" Sagot ko ng hindi man lang sya nililingon.
"Okay lang ba na iwan na muna kita dito? Pinapauwi kase ko ni mama saglit. Babalik din ako agad"
"Ha? Ahmmm. Okay lang ate. Hihintayin na lang kita dito"
"Sige saglit lang to"
Huminga ako ng malalim at nag baling ng tingin sa court. Kumunot ang noo ko ng bigla syang nawala. Teka. Asan na sya? Hinanap ko agad sya ng tingin. kuminang ang mga mata ko ng makita ko syang nakaupo na pala ngayon kasama ng mga ka-team nya sa isang bench. Mabilis kong dinampot sa tabi ko ang baon kong mineral water at agad-agad akong nag martsa palapit sakanya. Tumindig ang balahibo ko ng maaninaw ko ang madilim nyang mukha at ang deretso nyang tingin sakin.
"Ang galing mo, Brex!"
"Uyyyy!" Pangangatyaw nang mga ka-team nya sakanya na halos itulak na sya palapit sakin.
"Shut up!" Iritado nyang hinawi yung kamay ng mga barkada nya.
"Water?"
"No thanks!" Hndi man lang nag aangat ng tingin sakin.
"Masyado ka naman yatang harsh sa babe mo, Brex" Pang aasar pa ng isa sakanya kaya mas lumaki ang ngisi ko.
"She's not my girlfriend, okay!? Ni hindi ko nga alam ang pangalan nya"
"Woaaah!"
What?
Literal na nalaglag ang panga ko. He doesn't know my name? Seriously? Pero nag pakilala naman ako sakanya ha? Ugh! Darn this boy!
"Fine! By the way I'm Ru-"
"Ruwesha Marie Vizconde?"
Nalaglag ang panga ng lahat at napatunganga sa lalaking ka-team nila na nakaupo sa dulo. Maputi, matangkad at may itsura ito, pero hindi sya familiar sakin. Sabagay, galing ako sa sikat na pamilya, natural lang na may nakakakilala sakin na di ko kilala.
"Do you know her?" tanong naman ng katabi nya na mukhang pinaka bata sakanila. I guess.
"Of course, apo sya ng dati natin Mayor. Si mayor Rodolfo Vizconde. Member sya ng Vizconde clan. Paanong hindi nyo yon alam?" Tugon nito na parang ininsulto pa ang mga kasama dahil hindi ako kilala ng mga ito.
Eh, bakit nga ba kase hindi nila ako kilala? Vizconde kaya ang pinaka mayaman sa buong lalawigan ng Nueva Ecija! Nag taas ako ng isang kilay ng mag baling silang lahat ng tingin sakin, maliban kay Brex na ngayon ay tulala lang sa kawalan. Na-shock ka ba Brex? Ako din eh! Hindi ko na sinabi dahil hindi naman kelangan.
"Talaga?" Tanong naman sakin nung nasa tabi ni Brex.
I ignored him at Lumipat ang tingin ko sa tulala pa ding si Brex. Problema nito? Tss!
"Hi Brex, tubig?"
Napangiwi ako sa babaeng lumapit sakanya. Isa to sa mga babaeng nag bubulungan kanina ah? Naka maiksing maong shorts sya at red Jersey shirt, and guess what? May suot pa talaga syang cap. Gusto kong matawa, uso pa din pala ang mga 'jejemon' dito!
"Excuse me miss? Can't you see? Ako ang unang nag alok sakanya" Winagayway ko pa ang mineral water na hawak ko.
Tumaas naman ang isang kilay nya sakin "Ikaw nga ang nauna pero hindi naman nya tinanggap diba?"
Ay wow! Sumasagot pa nga. Nag sasalita pala ang mga palaka.
"Duh! Seriously? Feeling mo iinumin talaga ni Brex yang tubig mong mukhang galing pa sa poso n***o—"
"Thanks, Margarette"
Natigilan akong bigla sa pag tanggap ni Brex sa mineral water na inalok nitong nangangalan na Margarette. Halos mangisaw pa ito sa kilig, habang ako eto at parang mag kaka heart attack na habang pinag mamasdan ko ang pag lagok nya sa mineral bottle na galing sa jejemon na 'to.
WHAT THE f**k! Don't tell me, na mas type mo pa ang jejemon na yan kesa sakin? Oh my gosh! Gusto kong masuka!
Ilang saglit pa ay tumayo sya at ngumisi pa sa kay Margerette.
"Thanks ulit dito" aniya na kumindat pa kay Margarette bago nya ako lagpasan pabalik sa court.
Shit! Ang akala ko natural lang sa kanya ang maging cold hearted boy sa lahat. Kaso bakit parang mali ako? Bakit parang sakin lang yata sya cold? Ayaw ba nya sa magaganda? Damn it!
"Sorry miss. Better luck next time" Pang-aasar nung Margarette sabay hawi pa sya sa buhok nyang malagkit, bago ako tuluyang tikuran. Yuck!
Pakiramdam ko talaga umakyat lahat ng dugo ko papunta sakin ulo tapos kumulo ito ng bongga kaya inis kong hinablot ang buhok nya. Napahiyaw naman sya sa sakit kaya agad nag sipag lapitan ang mga tao samin at sinubukan akong awatin. Wala naman ni isa sakanila ang nakapag pawala ng galit ko.
"Aray! Ano ba, bitawan mo na ko—"
"Ha! Anong sabi mo, better luck nextime? You're getting on my nerves, b***h!" Mas diniinan ko ang pag sabunot sa buhok nya. "Mukha mo, kakaiyak!"
"Ruwesha Marie Vizconde!" Tumindig ang balahibo ko ng malakas at sobrang klaro nyang bigkasin ang buo kong pangalan. And now, you know my full name ha!? "Let her go!"
Wala sa sariling sumunod ako sa utos nya. Umiiyak naman tumakbo iyong Margarette palayo sa gymnasium.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?" Galit talaga nyang sabi. "Hindi porket isa kang Vizconde ay may karapatan ka ng manakit ng ibang tao!"
Ang lahat naman ay tahimik at tila nakikinig lang. Ngumisi ako ng nakakaloko at kumuha ng sanitizer at agad nag sanitize ng kamay. Mukhang madaming germ ang buhok ng babaeng yon!
"Sorry, I had a bad temper, my bad" I smirked. "I can hurt people if necessary, so she needs to know her place. You should too" Banta ko bago nag walk out.
I can hurt anyone, just to get what I want. I want you, Brex. At hindi ako titigil hanggang hindi ko nakukuha ang gusto ko, because I am Ruwesha Marie Vizconde.
"No! Hindi kita titigilan kahit anong sabihin mo!" Sigaw ko sakanya.
"DAMN IT!"
"I swear, I won't give up on you. Hanggang sa wala ka ng choice kundi ang gustuhin rin ako"
~
To be continue..
Hi Readers!
Please! Vote and Comment for every chapter. Thank you! ❤️