"Tao po...! Aling Loling..! Andyan kaba!!"
Nang marinig ang malakas na boses mula sa labas ng bahay ay nagka-tinginan kami ni Nanay dahil alam naming si mang Tomy nanaman ang dumating upang maningil ng upa sa bahay.
"Sabihin mong wala ako dito..." Ito yung pabulong na sabi ni Nanay bago ito nagtago sa kwarto.
"Tao po..!! May tao ba dyan?" Sigaw ulit ni Mang Tomy.
Nanginginig akong lumabas ng bahay kasama ang dalawa kung kapatid at pilit sinalubong ang matandang nagmamay-ari ng inuupahan naming bahay. "M-Mang T-Tomy...w-wala po s-si Nanay... Naka-alis n-na po k-kanina pa.." Nakayuko kung sabi sa kanya.
Halata namang naiinip na ang matanda. "Ilang beses na akong pabalik-balik dito pero hanggang ngayon hindi ko parin makita yang nanay nyu!! Baka pinag-tataguan na ako niyan!"
"Babayaran naman po kayu ni Nanay pag magka-pera na siya mang Tomy..." Magalang na sagot ng kapatid kung si Killy.
"Naiinip na ako sa kahihintay!! Pakisabi nalang na pag-hindi pa sya makabayad sa makalawa ay balotin nyu na lahat ng gamit nyu dahil paaalisin ko na kayu!!" Matapos itong sabihin ng matanda ay umalis itong namimilog ang mata sa galit.
"Nay... naka-alis na po siya.." Mahina kong sabi kay nanay habang nagtago ito sa kwarto niya.
Nang makalabas si nanay..."Cindy!! Tatawagan ko na ang tita Belin mo!" Saka niya kinuha ang cellphone sa bulsa nito.
"Nay..Bakit po!?" Inosente kung tanong.
"Kasama ko sya sa Club. Siya ang tutulong sayo na makapasok dun. Alam na nun na ikaw ang papalit sakin!"
"Nay h'wag po..!! Ayuko po..!!" Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Nay mag titinda nalang po kami ni Ate Cindy at Ate Billy sa palengke ng gulay.." Sabat naman ng pinaka bunsong si Sarah.
"Oo nga po nay... kawawa naman si ate kung sa Club siya." Dagdag ni Billy na tulad ko ay nagsimula naring umiyak.
"Mas malaki ang kikitain ng Ate Cindy nyu kung sa Club siya! At mas madali nating mababayaran ang upa nitong bahay!"
Ramdam kung desidido na talaga si Nanay sa desisyon niya at hindi na namin siya mapigilan pa. Pinapanood nalang namin ito habang kinakausap si Tita Belin na kasama niya sa Club.