"Sir. Here's the Condom.." Sabi ko sa naghihintay na Amerikano.
Hindi niya tinanggap ang condom at napansin ko ang kakaiba nitong tingin sakin. "Sir..? Is there any problem?" Hindi ko alam kung tama ang pagkaka- English ko pero mabuti narin yun atleast may nasabi.
"You are Amerikana?"
"H-half sir.. because my Nanay is Pinay and my Tatay is Amaricano."
Magalang ko siyang sinagot dahil mukhang magalang din naman ito.
Hindi parin nito kinuha ang inabot kung condom at nanatili itong nakatitig sakin.
"May naalala ako sayu na kamukha mo."
Shocked!! Marunong din naman palang mag Tagalog ang dayuhan.
"T-talaga po?"
Agad siyang May kinuha sa wallet na larawan at ipinakita sakin sabay sabing..." Mag-iisang taon na ako dito sa Pilipinas saka hahanap sa mag-inang yan pero hindi ko parin natagpuan. Kaya natuto narin akong magsalita ng Tagalog dahil sa tagal ko dito pero umaasa akong matagpuan din sila."
Matapos magsalita ang dayuhan ay napansin nito ang tahimik kong pag-iyak.
"May problema ba..?" Tanong niya.
Hindi agad ako makapag salita dahil hindi ako makapaniwala na ang mag ina sa larawang ipinakita nito ay walang iba kundi kaming dalawa ni inay. Alam kong may kalumaan na ang larawang iyon pero malinaw sa aking mga mata ang mga mukhang may malalapad na ngiti habang nakayakap ang inosenting bata sa ina nito.
"S-si N-nanay po yan..a-at ako po ang batang karga ni N-nanay sa larawan..." Saka tuluyan akong napa-iyak.
"You mean ikaw si Cindy? My only daughter?"
"O-opo.." Mahina kong sagot habang tumango ng marahan. Sinubukan ko siyang titigan sa mukha at pilit inalala ang mukha nito sa nakaraan noong akoy maliit pa lamang. Kahawig nga niya ang aking tunay na ama na minsan ko ng nakalimutan dahil sa paglipas ng mahabang panahon. Ang laki naman ng ipinagbago ng mukha niya na siguro ay dala narin ng pagtanda niya.
Nang marinig niya ang sagot ko ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. Naiyak din ito dahil sa nakita niyang kalagayan ko.
"God!! Ano ba tong trabaho mo? For God sake! Why did your mother allow you in this kind of job?!" Tanong niya habang nakayakap parin ng mahigpit sakin at naramdaman ko nalang ang paghalik nito saking noo.
Pinaliwanag ko lahat sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko. Sinabi ko rin na nagkaroon ng dalawang anak si nanay sa pangalawa nitong asawa pati narin ang sinapit ni nanay.
Isang malalim na pag-hinga ang pinakawalan ng aking ama matapos marinig ang mahaba kung kwento sa kanya.
Matapos ang sandaling yun ay agad niya akong inilabas sa kwarto..at nang makita kami ni Tita Belin ay agad itong nag-react.