Chapter 3

1311 Words
Chapter 3     “Here is your room”   Binuksan niya ang isang pintuan at bumungad sa akin ang maaliwalas na kwarto. Maganda ang apartment niya. Malawak at may three bedrooms na may sarili ring bathroom. Ang isang room ay ang study area at library. Hindi talaga maikakailang mayaman siya. Kumpleto ang mga furnitures at appliances. Hindi second floor pero malaki pa rin. It’s around Manila at walking distance sa university.   “Thank you” sambit ko.   Inilapag niya ang mga gamit ko sa ibabaw ng kama na may puting bed sheet. Simple yet elegant ang place niya. Bagay naman dahil nga lalaki siya.   “Magpahinga kana” he smiled genuinely.   Malapit nang mag-alas singko ng umaga at may klase pa ako ng alauna ng hapon. I looked at him when he was about to exit.   “Eyvan…” I called so he looked back.   “Yes?”   “Uhmm.. babayaran ko na lang yung renta. Sabihin mo nalang kung magkano” saad ko.   He shook his head.   “Rem, this apartment was fully paid already for my whole stay in college. No need to pay me” he answered.   “Edi, sa bills na lang! Or grocery!” saad ko.   He chuckled.   “Sure, pero maybe next month. May mga stocks pa kasi dito” he said.   I just sighed, giving up.   “I’ll sleep na” he waved his hand before closing the door.   Agad akong naupo sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mga kagamitan sa loob nito.     Ang ganda naman! Kumpleto ang gamit. May computer na din at saka may TV pa!   Ang yaman siguro nun!   “Sana all” sambit ko habang mapait na napangiti.   Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit sa mga taong isinilang na may maayos na buhay. Hindi na nila problema ang pera.   Hindi tulad ko, habangbuhay na siguro akong kakayod para lang makasurvive sa mundo.   “Hays..” I yawned while looking at the corners of the room.   Kaagad akong nahiga at hindi napigilang makatulog nang maramdaman ang malambot na kama sa aking likuran.   Sa wakas! Makakatulog na din ng maayos.   Naalimpungatan ako dahil sa alarm na i-sinet ko. Medyo nagulat pa nga ako ng mapagtantong nasa ibang bahay ako.   Pero mabilis akong naligo at nagpalit ng usual kong damit. Isang kupasing maong jeans at v-neck black T-shirt na tinernuhan ng white rubber shoes.   Sobrang kumportable kasi kapag ganito ang suot ko. ayoko ng mga dress at mga kulang sa telang damit. Ayaw ko ding magsuot ng heels, I prefer rubber shoes and doll shoes. Minsan lang ako magsuot ng mga ganoon, kapag kailangan talaga.   “Smile, Rem” I cheered up myself.   Bakas pa rin ang lungkot sa mga mata ko ng pagmasdan ang repleksiyon sa salamin. Nagsuklay ako ng mabilisan at ipinusod ang buhok ko.   Nang lumabas ako ng kwarto ay nagtungo ako sa kusina. Nahagip ng paningin ko ang isang sticky note na nakadikit sa harap ng ref.   Rem,             I left earlier, I have a class. May food sa table, please eat. Don’t starve yourself, share naman tayo diyan. Eyvan   Hindi ko mapigilang mapangiti matapos basahin ang maikling mensahe niya. Lumapit ako sa dining table at binuksan ang takip ng ilang tupperwares doon.   “Wow” sambit ko.   Mabilis kong nilantakan ang fried chicken, kare-kare at kanin na inihanda niya para sa akin.   I wonder if he cooked all of these?   Pagkatapos kong mag-almusal ay nagsimula akong maghugas ng plato na pinagkainan. After a couple of minutes ay nag-ayos ulit ako ng sarili at lumabas ng apartment para pumasok sa University.   Advantage talaga dahil sampung minuto lang ang nilakad ko mula sa apartment ni Eyvan.   “Rem! Mukhang maaga ka ah” bungad sa akin ni Vera, blocmate ko.   Ngumiti lang ako sa kanya at naupo na sa usual chair ko.   Five minutes later, our prof arrived. It’s our class in Mass Media Laws and Ethics. Good thing, nag-advance reading na ako kaya hindi ako kinakabahan sa terror naming prof.   “Okay, class. Get a piece of paper and we will have a long quiz today” he announced.   Napansin ko naman ang bulungan at pasimpleng reklamo ng mga kaklase ko. Paano naman kasi, sinalubong na naman kami ng isang surprise quiz.   “Argh, hindi pa naman ako nag-aral kagabi” paghihimutok ni Vera, sa tabi ng upuan ko.   I shook my head then started answering the given questions. Dinistribute na kasi yun ng isa sa mga classmates ko.   I always study well. Alam kong ito lang ang kaya kong ipagmalaki sa buhay ko. Kaya naman, habang wala pa akong nararating, hindi ako titigil sa pagsusumikap.   Kahit gaano kahirap ang buhay. Kahit walang sumusuporta sa akin. Kakayanin ko ang lahat.   Nang mag-isa.   Pagkatapos ng ilang oras na klase ay dinismiss na din kami ng prof. Nagmamadali naman akong magligpit ng mga gamit ko dahil may next class pa at ten minutes lang ang break time.   Tumakbo na ako papuntang cafeteria dahil nakaramdam ako ng uhaw. Nakaka-drain din naman kasi yung pa-quiz ni Prof. Yung mga tanong, parang doon na nakasalalay ang buhay ko. In fact, doon naman talaga.   Bumili agada ko ng bottled water at egg sandwich. Tinungga ko agad ang tubig habang naglalakad ako palabas ng cafeteria.   “Rem” a baritone voice, made me stopped from walking.   Mabilis akong napalingon at nasilayan si Eyvan na papalapit sa akin. Huh? Anong ginagawa niya dito, e ang layo ng Engineering Department!   “Hi” he smiled sweetly.   Nakasukbit sa balikat niya ang isang strap ng backback niya. He’s wearing a gray V-neck shirt, maong pants, and NIKE rubber shoes. His hazel brown eyes met mine. Shet! Ang gwapo niya lalo sa malapitan. Bakit ngayon ko lang napansin?   “Rem?” muling pagtawag niya na ikinapitlag ko.   Hindi ko namalayang napatitig pala ako ng matagal sa mukha niya.   “H-ha?” I slowly scratched my head.   Ano ba ‘yan! Nakakahiya.   He chuckled.   “Okay lang naman kung titigan mo ako eh,” saad niya.   I rolled my eyes.   “Asa,” deny ko agad.   Nagsimula na akong maglakad palabas ng caf pero tuloy pa rin siya sa pagsunod sa akin. Seriously? Wala ba tong pinagkakaabalahan?   “Hey!” mabilis niyang hinawakan ang braso ko.   I suddenly stopped as he laid his hand on my arm. Tila ilang boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko sa simpleng pagdidikit pa lang ng balat namin. Naninikip din ang dibdib ko dahil sa tensiyon.   Hindi kaya may asthma na ako?   “Bitiwan mo nga ako!” inis kong inagaw ang braso.   He took off his grip and parted his lips. Tila hindi niya inaasahan na iyon ang magiging reaction ko.   “I-im sorry..” he gave me an apologetic look.   “I thought.. we’re friends now” he said.   Tila natigilan naman ako sa mga sinabi niya.   “Tinulungan mo ako at pinatira sa bahay mo, but it doesn’t mean that we’re now friends,” sagot ko at nag-iwas ng tingin.   Tumango siya, halatang inuunawa ang mga sinabi ko.   “I’m sorry. Hindi naman pakikipakaibigan ang idinayo ko sa University na ‘to. Gusto ko lang mag-aral at makatapos. Don’t talk to me again.”   He bit his lower lip while looking at me. Tila hindi niya inaasahang iyon ang sasabhin ko.   “Kapag nakahanap na ako ng malilipatan…” I gave him an assuring look.   “Aalis din ako sa apartment mo” I smiled a bit.     Pagkatapos kong magsalita ay tinalikuran ko siya. Binilisan ko ang paglalakad para lang masiguradong hindi niya ako susundan.   Pero, hindi nawala sa isipan ko ang reaction niya sa lahat ng sinabi ko.   Bakit may bahid ng lungkot, disappointment at pagtatampo?   I just shook my head to erase those stupid ideas in my mind. Tinapos ko ang klase ng araw na ‘yon na hindi man lang ulit nakita ang lalaking gumugulo sa isipan ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD