Nik's point of view Bitbit ko ang mga pinamili ni Pareng Bullet, mabilis akong lumakad pero nang makalapit ako sa kanya ay hindi parin niya binubuksan ang pintuan. "Pare bakit?" "Hindi gumagana ang sensor." "Ako nga subukan ko." "Baka mas lalong masira, we will just wait a bit." Ibinababa ko na muna ang mga paper bags at pinunasan ang pawis ko gamit ang laylayan ng aking damit. "Ano Par pwede na ba?" Tanong ko habang nakatingin siya sa kanyang telepono. "Finally." Sabi niya na binuksan na ang pinto. Nauna siyang pumasok at sumunod ako. "Lolo, Ate alam ninyo binilhan ako ni Pareng Bullet ng dalawang motor!" Masayang balita ko na mabilis lumapit sa kanila at umupo sa sofa. Ibinababa ang mga paper bags at isinandal ko ang aking likuran sa sofa. Natigilan ako dahil may nakapa ang

