Nik'z point of view Agad kong pinuntahan si Ate sa baba "Ate hindi ako dito kakain ng dinner." Masayang sambit ko. "Aba bakit?" "Babalik ako mamaya sa Hotel at isama kita." "Bakit?" Nagtatakang tanong ni ate na ibinalik na fridge ang mga karne na kanyang hihiwain sana. "Bukas ko nalang lulutuin ito kung ganun." Sabi pa niya. "Huwag ka na rin magluto ng dinner ninyo Ate." "Bakit may Lechon na naman?" Excited na tanong ng isang Ate. "OO Ate, Isa lang ang isama ko para papalit kay Pards sa Hospital kapag tulog na si Thalia. Tapos yung isang lechon ay iuuwi ni Kuya driver dito sa bahay." "Eh paano naman ako?" "Magbalot ka nalang Ate, para kainin mo sa kwarto ni Thalia habang tulog siya." "Mapapasarap naman ang tulog ko nito." Excited din na sabi ni Ate. "Sige Ate maghahanda lang a

