Bullet's point of view Tumutunog ang aking telepono pero hindi ko sinasagot dahil ang sekretarya ko ito. Alam ko naman na may meeting ako pero ang kulit niya. Pumayag na ako na sa motor kami ni Tomboy sasakay. "Kakasya ba sa ulo ko itong helmet na ito?" Tanong ko pero sa pagitan ng hita ko siya tumingin kaya binatukan ko siya. "Aray naman, kasya yan Pare." Sagot niya na nauna na niyang isinuot ang kanyang helmet. Inilagay ko na rin ang helmet sa ulo ko at nagkasya naman ito. Nauna na siyang sumakay at sumunod ako. Napahawak ako sa kanyang balikat, pagkatapos ay inayos ko ang aking pag-upo. "Ready na Pare?" Tanong niya. "Yes let's go." Sabi ko at pinaandar na niya ang kanyang motor. "F*ckkkkkkkkkkkk!" Malakas na sigaw ko dahil humagibis agad ang takbo ng motor. "Kapit pre." Malaka

