Chapter 66

1105 Words

Nik'z point of view Hindi ko pinahalata ang takot ko nang makita kong dinugo si Thalia. Nang nasa bahay na kami ay agad akong yumakap kay Ate. "Oh bakit? May nangyari ba?" Tanong niya na hinila ako para umupo. "Si Thalia Ate, nagalit at dinugo." "Diyos, kumusta ang bata?" "Hindi ko alam Ate pero natatakot ako, paao kung mawala yun. Kasalan ko." Naiiyak na sabi ko at nanginginig ang aking mga kamay. "Bakit ano ba ang nangyari? naitulak mo ba?" Sinabi ko ang nangyari at hinaplos ni Ate ang aking likuran. "Tama naman si Senyorito, asawa ka niya Nikki. Kaya lang binigyan naman dapat ni Senyorito si Thalia. Ex niya ito at buntis pa. Halimbawa anak ni Senyorito nga ang dinala ng ex niya, masakit yun para sa mga babae lalo na at nakita ko din kung paano minahal ni Senyorito si Thalia.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD