Blythe point of view Pagkatapos ng klase namin ay nasa hallway na agad si Kuya na nag hihintay sa akin, mabuti at hindi na niya kasama ang kanyang mga kaibigan dahil kaninang lunch namin ay naiilang ako sa mga tingin niya. Hindi ko lang masabi kay Kuya dahil matagal na niya itong nga kaibigan. "Kuya!" tawag ko sa kanya na parang may kausap sa telepono. Kahit may kausap siya ay sinalubong niya ako at agad naman akong yumakap sa kanya. Ibinulsa na niya ang kanyang telepono at lumakad na kami. "Anong dinner natin ngayon babe?" Tanong niya habang kami ay naglalakad. "Sawa na ako sa restaurant Kuya." Sagot ko dahil ilang buwan na rin na puro restaurant nalang kami. Hindi bale at bukas ay darating na sina Mommy at Daddy. "Okay, gusto mo ng boiled eggs?" "Kuya naman, breakfast yun hindi pa

