Nikki's point of view Pagka-alis ni Daddy ay napatingin ako sa lechon, may natira pa pero ayaw ko na. Alas kwatro na ng hapon at nalipasan na ako ng gutom. Kaya pala kumakalam na ang aking sikmura at parang nasusuka pa ako. Inayos ko na muna ang higaan para hindi naman nila sabihin na balahura kaming natulog. Lalo na at nag linis pa sila kaninang madaling araw. Ang lechon ay naglagay ako ng note na pwede nilang kunin, hindi pa naman ito sira dahil malamig ang kwarto. Sayang din kung itapon dahil may mga laman pang natira. Parang gusto kong kumain sa mga karinderya at naalala ko ang hospital. Maraming kainan doon sa labas. Lumabas na ako sa kwarto at sumakay na rin ng taxi. Ilang sandali lang ay nakarating na ako. Napangiwi ako dahil saktong pamasahe ko na lang ang natira na cash ko.

