Carmie's point of view Mas pinili ko ang tahimik na buhay kaysa bawiin pa ang mga lupa ng aking mga magulang. Mahalaga man ang mga ito sa akin pero mas mahalaga ang aking pinagbubuntis. Ayokong ma stress at ayokong mag-aaway na naman kami ng mga pinsan ko. Maraming mga chismis na lumabas pero hindi ko na nalang pinatulan dahil alam kong hindi naman totoo ang mga ito. "Carmie, ano yang pinapatayo mo sa tabi ng bahay mo?" Tanong ng aming kapitbahay habang nag lilinis ako sa palikuran. "Bahay din po, medyo mababa kasi ang unang pinatayo ko. Alam naman po ninyo na ang tangkad ni Gab." "Oo nga, balita ko nagbigay daw siya ng malaking pera kay Kapitan, totoo bang isa siyang killer o hitman?" "Naku hindi naman po, mabait po si Gab hindi niya magagawa yun." Agad na sagot ko. "Eh bakit sab

