Bullet's point of view continues Pinatay ko na ang tawag habang nag sasalita pa si Thalia. Pero nagpadala siya ulit siya ng mensahe at larawan ng isang ultrasound. Thalia: I am 9 weeks pregnant, do the math Bullet noong huling may nangyari sa atin. Nalaman ng manager ko na buntis ako kaya pagpapahingain na niya muna ako hanggang sa ako ay manganak pero kung hindi mo ako panagutan ay ipalalaglag ko na anak mo and it's your fault. Umigting ang aking panga sa nabasa ko. Me: Kapag pinaglaglag mo ang bata na wala akong consent ay ipakukulong Kita, alam mong may asawa na ako. Thalia: Fixed marriage lang ang kasal ninyo Bullet, ako una mong niyaya na magpakasal. Me: Na tinanggihan mo. Thalia: Dahil may trabaho ako! Me: You chose your work over me. Thalia: So gumaganti ka? Uuwi ako bukas

