Nik's point of view Sa dami ng kinain ko ay parang nasusuka na ang pakiramdam ko. Uminom ako ng maaligamgam na tubig at pagkatapos ay pinakalma ko ang aking sarili. Nakapikit ako ng maramdaman ko na naman ang tiyan ko na tumutunog, napangiwi ako dahil tinatamad na akong bumaba. Bumangon nalang ako at tinignan ang ref ni Lolo. Napasimangot ako dahil juice lang ang laman ng fridge. Tinignan ko ang bote at wala akong makita na naka lagay na expiry date. Konti nalang ng natira hindi pa inubos. Kinuha ko ito at minsanan na niligok dahil wala pang kalahating baso ang natira sa juice. Pagkatapos ay humiga na ulit ako at ipinikit ko na ang aking mga mata. Patulog na ako ng biglang nag-init ang aking katawan. Agad kong inalis ang kumot at umalis sa kama. Pero habang tumatagal ay painit ng pa

